Saturday came, and as I opened my eyes first thing in the morning, I felt empty deep inside me. Parang noong isang araw lang ay excited ako na dumating ang araw ng sabado para makasama ko si Jag, pero ngayon ay hindi na. Alam ko naman kasi na kahit ilang sabado at linggo pa ang dumating ay hindi na mababago no’n ang katotohanang sila na ni Kat. Binigyan na niya ng tiyansa ang taong matagal nang nagmamahal at nasa tabi niya. Tama naman siya e, Kat deserves the chance he has given her. Kung tutuusin ay dapat pa akong humanga kay Kat kahit na naiinis ako sa kanya, kasi sa tinagal tagal ng panahon ay nakaya niyang maghintay kay Jag, habang ako, heto, sa tingin ko ay pagkatapos ng pagpunta namin sa Pangasinan ay tuluyan nang matatapos ang lahat. Alas seis ng umaga nang gumising ako, pagkatap