As soon as I saw the result, I called Rae and told him everything. Mabilis naman siyang bumiyahe papunta sa bahay dahil nagaalala siya lalo nang marinig niya ang boses kong umiiyak mula sa kabilang linya. Ang sabi niya ay baka nag-oover think na naman ako, makakasama raw iyon sa akin, kung tutuusin ay tama siya. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na umiiyak at nagkukwento sa kanya, maging iyong nangyari kanina, tungkol sa sinabi ni Kat nang siya ang sumagot sa tawag ko. Siya naman ay tahimik lang habang yakap ako at marahang hinahagod ang likod ko na parang pinapakalma ako gamit ang kamay niya. “Paano kung hindi naman niya girlfriend iyon? Kagaya ng sinabi mo, obsess sa kanya ang babaeng iyon, malay mo sinisira lang niya kayo” Tanong ni Rae. “Jag told me himself that Kat is way batte