“Sorry Emily! Hindi kita nasamahan patawarin mo ako.” Sabi ni Liza.
Andito ako sa ospital at nalaman ko na isinugod siya rito ng kanyang kapatid. Yon pala yung nagtext na di na makakapunta si Liza. Bigla raw kasi ito hinimatay ng dahil sa matinding pananakit ng tiyan. Kaya’t nagkaroon ng emergency operation at maoperahan si Liza upang alisin na ang appendix niya na muntikan ng sumabog. Buti nalang at naagapan ang sabi ng nurse na nakausap ko at kapatid niyang matanda sa kanya.
“Okay lang natapos na rin naman.” Sagot ko.
“Kamusta? Hindi ka naman binastos tama naman ako?” naitanong na may pag-aalala ni Liza. Umiling ako.
Hindi ko rin naman alam ang buong nangyari ng mawalan ako ng malay. Hindi ko na sinabi pa kay Liza ang nangyari matapos ako magising na halos buong katawan ko sobrang sakit.
“Bakit?”
“Wala! Magpagaling ka.” Sabi ko at nagpaalam na sa kanya.
Umuwi na ako sa bahay at ilang araw na ako walang tulog at pahinga. Kakaisip sa nangyari ng araw na yon. Posible kaya?
Tama na nga Emily ang pag-iisip mo. Sita ko rin sa sarili na ayaw tumigil at di matahimik sa kakaisip sa mga nangyari ng gabi na yon.
ONE MONTH LATER
Pakiramdam ko nasusuka ako.
Nagtatakbo ako sa banyo, sa lababo ako dumiretso.
Pilit kong sinusuka pero wala naman akong naisusuka.
Pinagpawisan ako subalit wala rin akong naisuka pero umiikit ang sikmura ko. Nahihilo rin ako maging paningin ko parang umiikot.
“Okay ka lang?” tanong ni Liza ng makalapit siya.
“Ayos lang ako medyo nahilo at pakiramdam ko nasusuka ako.” Sagot ko sa kanya.
“Pakiramdam ko may nakain ako at nasira ang tiyan ko. Pero wala pa naman tayo kinakain mula kangina pa?”
Umiling si Liza.
“Oo wala pa at dahil ayaw mo naman kumain. Di ba kangina pa kita inaaya? Pero sabi mo mamaya nalang at busog ka pa.” anito na sabi ni Liza at nanlaki mata.
“Huwag mong sabihin Emily?” Bumulusok na ang kasa sa dibdib ko.
Maging sa itsura ni Liza biglang bigla ito.
“Emily may hindi ka ba sinasabi sa akin?” tanong na nabibigla pa rin.
Tulala ako at hindi pa makapagsalita ng dahil di ko pa rin alam ang siyang isasagot.
“May boyfriend ka na ba?” tanong pa nito.
“Wala” sagot ko.
“Wala? Sigurado ka?” paniniguro pa niya.
“Wala nga! Kung meroon di sana ikaw na nakaalam. Bakit ba?” Sagot at tanong ko rin sa kanya.
“Hindi kaya buntis ka?”
“Ano?” sigaw ko.
Gulat na gulat mula sa kanyang reaksyon rin ng magtanong ito.
Buntis? Papaano mangyari na mabubuntis ako ng wala akong jowa kahit isa?
“Sigurado ka wala kang itinatago, Emily?” pangungulit muli ni Liza.
Umiling ulit ako napailing tapos napaisip ng matigilan ako.
Yon kaya yung nangyari matapos akong mawalan ng malay at paggising ko masasakit ang buong katawan ko at higit ang ibabang bahagi ko?
“Bakit Emily?” Kinakabahan na rin na nagtanong si Liza.
“Liza!” nasambit ko.
“Bakit?” tanong nito at umayos pa ng upo.
Napahugot pa ako ng malalim na hininga. Nag-iisip kung papaano ko ba ipaliliwanag sa kanya ang mga nangyari na di ko naman matandaan.
“Emily ano bang nangyari? May hindi ka ba kinukwento sa akin? O baka ito pa ang nangyari nuong nakaraang buwan ng di kita nasamahan mula sa raket natin dapat.” Nag-aalala na nasabi ni Liza.
“May nangyari ba ron? Kasi naman tinatanong kita ang sabi mo wala. Emily sabihin mo na please. May nangyari ba?”
Tumulo na luha ko. Wala kasi akong matandaan maliban sa nagising ako na masakit ang katawan ko.
“Emily”
“Liza wala akong matandaan. Hindi ko alam kung ano bang nangyari ng araw na yon. Liza!” binalot na ako ng pag-iisip at pag-aalala.
“Teka lang! Dito ka lang.” Sabi ni Liza ng iniwan niya ako.
Pagbalik ni Liza may dala-dala na itong isang maliit na box na may laman na kung ano.
“Ano yan?” Tanong ko.
“Pregnancy test magsubok ka dali.” Utos niya.
“Shocked! Emily dalawang linya.” Sabi nito nanlaki ang mata na nakatingin.
“Paanong nangyari?”
“Anong paanong nangyari? Wala ka bang alam? Imposible naman na mabubuntis ka ng di mo alam? Emily sino may gawa nito? O sa madaling salita sino ang ama?” Sunod-sunod na tanong ni Liza ako naman naguguluhan pa rin.
“Liza di ko alam. Nang araw na yon nagising nalang ako na mag-isa matapos na mahilo ako at tingin ko nawalan na ako ng malay ng marinig kong dumating raw yung…” pilit na iniisip ko ang pangalan na narinig ko matapos akong mawalan ng malay.
“Ano Emily? Hindi ko maintindihan anong nawalan ka ng malay? Papaano mangyayari yon ng hindi ka naman basta nawawalan ng malay kahit nakainom ka pa. Papaano…?” Naisip rin ni Liza ang naisip ko.
“Hindi kaya pinainom ka nila?”
“Oo! Naalala ko inalok ako ng pilit na uminom kahit isang shot bago ako umuwi at pagkatapos nahilo na ako at nag-iba na ang pakiramdam ko. Duon na nagsimula na mapikit ang mata ko at bumagsak saka napasandal sa pader. Tapos narinig ko na dumating raw si Edward Heussaff. Oo yun nga Edward Heussaff ang nasabi nila at pagkatapos nawalan na ako ng malay.” Kwento ko kay Liza buhat sa ilang mga naaalala ko.
“Hindi kaya narape ka?” kabado pa na sambitin ni Liza.
“Hindi ko alam din Liza. Nang magising ako nag-iisa nalang ako at wala ng tao roon. Mula sa masasakit na katawan at ang ibabang bahagi ko na masakit at kumikirot. Yon lang ang mga naaalala ko sa lahat ng mga dinanas ko sa kwarto na siyang sinabi mo na puntahan ko.” Pinukpok ko pa ang ulo ko. Umiiyak at hindi na malaman ang gagawin ko.
“Teka! Hindi kaya isa sa mga gumahasa sayo ang Edward Heussaff na yon?”
“What?”
“Posible ng dahil sa nabanggit mo na dalawang lalake ang nag-uusap at dumating ang Edward Heussaff na nabanggit mo. Hindi kaya siya o isa lang siya sa mga nang rape sayo?”
“Hindi ko alam Liza pero hahanapin ko siya at pagbabayarin sa ginawa nito. Saan naman ako kukuha ng ipangtutustos sa sanggol na ito? Kung sarili ko nga hirap pa akong suportahan ito pa kayang sanggol na walang kamalay-malay sa lahat ng nangyari. Kaya’t hindi ako makapapayag na hindi siya magbayad. Medyo natatandaan ko pa ang mukha nung lalakeng nagbigay ng alak at pumigil sa akin na lumabas.” Sagot ko kay Liza at pinagplanuhan kong mabuti ang paghahanap sa lalakeng natatandaan ko.
“Emily! Sigurado ka ba sa pinaplano mo?” Tanong ni Liza.
Nasa harap na kami ng bahay ng Edward Heussaff na yon. Makikita niya at hindi ako papayag na hindi niya ito akuin.
“Ayos lang ako Liza kahit di ka na sumama sa loob.” Sabi ko habang nag-iintay na may magbukas ng pinto ng mag doorbell ako.
“Andiyan ba si Edward Heussaff?” Tanong ko sa babae. Sa lalakeng guard na kasama nito.
“Sino po sila?
“Sabihin mo si Emily Dickinson.” Mariin kong pagkakasabi at inutusan ko siyang tawagin ang kanyang boss.
Naiwanan kami sa labas habang isinarado muli ng guard yung pinto matapos na umalis ng babaeng kausap ko.
***********
“Kuya Edward nakita mo si Kuya Thomas mukhang may kakaiba na sa kanya ngayon. Balita ko may babaeng pinupuntahan iyan sa Hotel ni Kuya Arthur. Balita ko pa maganda raw.” Malambing na pagkakasabi ni Amanda ang bunso naming kapatid.
“Ikaw ba? Amanda mayroon na ring napupusuan o si Marco pa rin ang laman ng puso mo?” biro ni Arthur sa bunso naming kapatid.
“Bakit sa akin napunta? Matagal na yon at wala na hindi na nga ako nagawang balikan tulad ng pangako niya lalo at nawala pa yung anak namin wala na rin akong narinig pa mula sa kanya. Maliban pala sa isa...”
“Ang ipinagpalit ka na at may sarili na siyang pamilya ngayon mula sa bandang pinuntahan niya?” Si Kuya Thomas nakisabat at sumagot sa iniisip ni Amanda na idudukyong sana sa sasabihin nito.
“Bakit ba ako? Bakit hindi si Ate Clarisse ang siyang pansinin niyo.”
“Alam mo naman yan ayaw sa lalake. Takot nga di ba? Saka wala na raw balak mag-asawa maliban sa isa…”
“Ang magkaanak ng walang ama.” Si Amanda ang siyang nagtuloy ng sasabihin sana ni Arthur.
“Bakit ba sa akin ang madalas napupunta ang usapang ganito. Bakit di si Kuya Edward ang tanungin niyo kung may babae na bang nagkakamali sa kanya…”
“Sir Edward pasensya na po. May naghahanap po sa inyo sa labas.” Nang biglang singit ni Lota habang nagsasalita si Amanda.
“Ikaw talaga Lota. Istorbo ka! Sino bang naghahanap kay Kuya Edward? Kung babae matutuwa pa ako sayo at hindi magagalit sa ginawa mong pang-iistorbo.” Sabi ni Amanda
“Babae nga po! Emily Dickinson ang sabi.”
Napalingon silang apat sabay-sabay.
“Sigurado ka?” tanong ni Amanda.
“Yes po at mukhang galit nga eh! Mataray na iniutos at minamadali ako na tawagin si Sir Edward.”
“Sige papasukin mo.” Si Kuya Thomas ang nag-utos mula sa babaeng nagsisigaw na mula sa labas.
Hindi pa man nakababalik si Lota sa labas heto na ang babaeng galit na galit at nagwawala na mabilis na nakapasok mula sa gate na binuksan pala ng guard ng batuhin ito ng babaeng bigla nalang sumugod sa bahay ko.