CHAPTER 3

1386 Words
“Edward Heussaff lumabas ka riyan. Lumabas ka at huwag kang duwag at harapin mo ako. Siraulo ka! Lumabas ka. Labasin mo ako.” Sigaw ko at pinagbababato ang pinto. “Tama na Emily.” Pinipigilan ako ni Liza pero ang sabi ko. “Huwag mo akong pakialam.” “Nakakahiya mga nakatingin na sa atin mga tao. Umuwi na tayo at bumalik nalang.” Aya nito na pilit na hinihila ako. “Hindi tayo uuwi hanggang hindi siya lumalabas riyan. Diyan sa pinto na pinagtataguan niya.” Sigaw ko at binato ang gate. “Edward Heussaff lumabas ka! Hayop ka panagutan mo itong ginawa mo. Huwag kang magtago siraulo.” “Ma’am huwag po kayo gumawa ng gulo. Nakikiusap po ako at nakakahiya sa mga taong dumadaan.” Sabi ng guard “Tabi! Tumabi ka.” Nang magawa kong itulak yung guard at pumasok sa loob. Sinundan ako ni Liza nasa likod ko siya. Hindi ko na pinansin yung guard na nasigaw. “Hi!” Bati ng isang nakangiti na babae. Sinalubong ako ng isang babae at sa likod nito may tatlong lalake at isa pang babae maliban sa babaeng inutusan ko na tawagin si Edward Heussaff na di ko naman kilala. Mga kilala ko lang sa mukha ang mga lalakeng naroroon sa stag party. Pero wala sa kanila kahit isa sa tatlong lalake na nasa harapan ko ngayon. Wala sila sa party. Pero ang pinanghahawakan ko at natatandaan ko ang pangalan na nabanggit bago pa ako nawalan ng malay. “Ikaw ba si Emily Dickinson?” Tumango ako ng mapatigil ako. “Narinig ko ang mga sinabi mo kangina sa labas. Tama ba lahat ng mga narinig namin? Nabuntis ka ni Kuya Edward?” tanong nito at napalingon sa lalaking nasa likod. “Kuya Edward totoo ba?” “Hindi ko siya kilala. Papaano na mabubuntis ko siya ng ngayon ko lang siya nakita.” “Hayop! Nasa stag party ka di ba? Narinig ko ang pangalan mo ng planuhin niyong halayin ako.” Umiiyak na sigaw ko. “Teka! Stag Party?” “Oo nung nakaraan na buwan na stag party na ginanap sa isang hotel.” Sagot ko. “Actually pumunta nga ako. Pero gang sa labas lang ako para iabot ang alak na inorder ng mga lalakeng sinasabi mo. Pero hindi ako kasama sa kanila na tinutukoy at tinuturo mo na nang halay sayo.” Malumanay at chill lang na pagsasalita nito. “Pasensya na baka nagkakamali ka ng pinuntahan. Baka nabanggit nila ang pangalan ko dahil ilan sa mga lalake na naroroon ay mga kaklase ko pa nung college ako. Pero ang sinasabi mo na nang halay sayo. Tiyak na isa lang din sa mga lalakeng kasama mo roon ng araw na yon. “Miss okay ka lang?” Bigla nalang ako nahilo ng mapahiya na maling tao nga ang napuntahan ko. Hindi na nga ako nagkamali ng makita ko pa lang ang itsura nito. “Miss” “Emily” sigaw ni Liza nagtatakbo papalapit. “Okay ka lang?” Tumango ako pero tuluyan na akong nawalan ng malay. *********** “Kuya Edward ano bang totoo?” pangungulit ni Amanda na pilit na pinaaamin ako. “Anong totoo? Walang totoo sa mga narinig niyo. Hindi ko siya kilala at lalong di ako kasama sa mga sinasabi niyang nang rape sa kanya sa stag party. Hindi nga ako nakapasok sa loob ng hotel room nila. Inihatid ko lang talaga yung alak at pinaabot ko lang yung pagbati ko kay Aljur. Maliban roon wala na akong ginawa kundi ang umalis na sa lugar na yon.” Sagot ko kay Amanda habang si Kuya Thomas kanyang itinanong. “Pero bakit narinig niya ang pangalan mo sa loob ng kwarto? At sinasabi at tinutukoy na ikaw ay isa sa mga humalay sa kanya? Edward may di ka ba sinasabi?” Tanong ni Kuya Thomas. Si Kuya Arthur rin nakatingin habang si Amanda at Clarrise nag-iintay ng sagot. “Wala ngang katotohanan lahat. Kuya Thomas naman paniwalaan niyo ako. Wala talaga kahit anong nangyari lalo na at between sa amin ng babaeng yon wala talaga. Hindi nga ako pumasok sa kwarto maliban sa iniabot ko lang yung alak. Hindi ko rin siya nakita ng mabuksan yung pinto at inaya akong pumasok.” Pilit ko na pagpapaliwanag sa kanila. Nakaalis na yung babae pero ayaw naman akong tigilan ng ilang mga kapatid ko sa paulit ulit na kanila mga tanong. Pinagpipilitan nila na baka raw ako nga ang ama ng ipinagbubuntis ng babae na sumugod rito sa bahay. “Okay sige paniwalaan ka namin but make sure na di ka talaga sangkot sa gulo na ginawa ng mga kaibigan mo.” Sabi pa ni Kuya Thomas. “Hindi ko sila kaibigan Kuya Thomas.” “Okay hindi mo na kaibigan. Pero make sure na labas ka sa ginawa nila.” “Oo naman!” sagot ko. “Mabuti at nagkakaintindihan tayo at ayoko masira ang image ng Hotels natin ng dahil lang sa bagay na kinasangkutan mo.” Inulit na naman nito ang pamimilit at pagpapaamin sa akin. “Hindi nga sabi Kuya Thomas.” “Hindi nga sabi Kuya Thomas.” Si Amanda inulit pa niya ang sinabi ko. “Sinabi na nga di raw siya kasama dun Kuya Thomas. Hayaan na natin si Kuya Edward na linisin at lusutan ang anuman na kanyang kinasangkutan. Malay natin sa pagkakataon na ito ay makapag asawa na siya. Natuwa pa naman ako at kala ko totoo na siya ang ama ng batang dinadala nung babae. Sayang di pala.” Napasinghap pa si Amanda sa pagsasalita nito. “Ang kulit mo bakit di mo buhay ang ayusin mo ng kalimutan mo na ng tuluyan yung ex-boyfriend mo na nang iwan sayo.” “Kuya Edward!” bulalas ni Amanda na nakasimangot. “Oh siya! Halina kayo at magsikain na tayo.” Si Kuya Thomas nag-aya na tumungo sa hapag kainan. Masaya na kaming kumain ng magkakasabay. Kinalimutan nalang ang mga nangyari kangina. Binaliwa ko na rin pero naawa ako sa babae sa ginawa sa kanya ng groupo na yon. ************ “Okay ka lang Emily? Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?” Umiling ako. “Ayos lang ako huwag kang mag-alala.” “Papaano yan? Paano gagawin mong mali pala yung taong pinagbibintangan mo? Paano kung magreklamo yon sa panggugulo at panghihimasok mo sa bahay nila?” maraming tanong na ipinag-aalala ni Liza. “Okay lang! Haharapin ko mali naman ako. Hindi ko agad napansin at huli na ng makita ko siya.” “Wala ba siya talaga sa party?” Umiling ako. “Hindi ko na rin makontak yung lalakeng nagbook sa atin nuon. Hindi ko na rin matawagan o kahit sumagot sa mga text ko di na makontak. Pero hindi ba ang sabi niya mga kilala niya ang ilan sa mga lalake ron? Bakit hindi ka kaya humingi ng paumanhin sa ginawa mo at humingi ka nalang ng tulong sa kanya upang mahanap mo ang mga gumawa niyan sayo.” Sabi pa at suwestyon ni Liza. “Hindi na! Hayaan mo na! Ayokong mapahiya muli ng tulad ng nangyari kangina.” Sagot ko. “Sigurado ka?” Tumango ako. “Oo! Palalakihin ko nalang ito ng mag-isa. At bahala na kung ano ang mangyayari pa sa mga susunod. Tama na ang pagkapahiya ko at kalokohan na ginawa ko.” Natawa nalang ako sa sarili ko. Nakakahiya talaga pero pasalamat ako mababait ang mga iyon. Lalo na yung Amanda na tinawag nila sa pangalan na narinig ko na siya ring nag-asikaso sa akin kangina. “Infairness gwapo yung Edward Heussaff. Mga kapatid pala niya yung dalawang lalake at dalawang babae na nag-asikaso sayo. Ang sabi nung kasambahay na lumabas sa gate. Saka mababait sila. Biruin mong hindi ka naman pinadampot sa mga guard nila o kaya tumawag ng pulis at inireport ang ginawa mong panggugulo. Kaya pasalamat ka nalang dahil talagang mabait pa rin ang tadhana sayo at hindi ka napahamak sa ginawa mong panggugulo.” Sinabi pa muli ni Liza at kumuha na rin ng plato para makakain kami ng binili naming pansit at bread bun sa kanto bago kami nagdire-diretso ng uwi. Nakahinga na rin ako ng maluwag ng tuluyan na kami nakauwi ni Liza. Pansamantala inalis ko muna ang mga nangyari kangina.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD