It's already eleven forty-five in the evening. Everyone was already sleeping solemnly, except me. Pabaling-baling lang ako sa higaan. Hindi naman sa namamahay ako kun’di dahil sa bawat pagpikit ng aking mata ay ang maganda at maamong mukha ni Cian ang naroroon, specifically ang mga matang iyon na tila nagsasaad ng magkahalong lungkot, sakit at panibugho kung hindi ako nagkakamali. Mabilis ang mga pangyayari kanina. Hindi pa man ako nakalapit ay umalis na sila. Mukhang wala nga yatang ni isa sa kanila ang nakapansin sa akin maliban kay Cian. Hindi ko maiwaglit ang pagtataka sa kung ano ang ibig ipahiwatig ng mga matang iyon ni Cian kanina. May dala na kakaibang haplos iyon sa aking damdamin. Kakausapin ko siya bukas pangako ko sa sarili. I want to clear things out. Tumayo ako at kinuha