Malapit nang matapos ang kanta but I think Zach has no plan of taking his eyes off of me kaya napilitan na lang akong ibalik sa pagkakatakip ang newspaper sa buong mukha ko kahit pa labag sa aking kalooban na gawin iyon. Nakaramdam tuloy ako ng pagkabitin at panghihinayang. 'Tss sayang! Ang sarap pa sana niyang panoorin. Kung bakit din ba nakatitig siya sa akin? Halos hindi na ako makahinga sa tingin niyang iyon, ah! Pero in fairness, nakakakilig din pala na titigan ka ng crush mo. Kakaiba ang titig niya. Malagkit at nakakalunod. Hay, Zach! Ano na ba ‘tong ginagawa mo sa akin,’ Ilang segundo ang lumipas ay unti-unti ko na namang ibinaba ang hawak kong newspaper para palihim na sumilip pero nagulat ako dahil nanatili pa rin pala siyang nakamasid sa akin habang hawak pa rin ang gitara at