Zach's Pov Pasalampak akong umupo sa aking executive chair. Pagod na napabuga ako ng hangin. “f**k that deadly lifetime traffic!” iritado kong bulalas. Lifetime dahil mula sa pagmulat ng aking mga mata hanggang ngayon ay wala pa ring pagbabagonga trapiko sa EDSA. Hanggang malagutan na lang siguro ako ng hininga ay hindi na masosolusyunan pa ang problemang ito sa ating bansa. Isinandal ko ang aking ulo sa pinagsalikop kong braso sa bandang batok at ipinatong ang aking dalawang paa sa mesang nasa aking harapan. Sandaling ipinikit ko ang aking mga mata. I’ve been indulging too much time at work lately and I badly really need to unwind or have at least a break. Ilang minuto lang ang lumipas ay agad na may kumatok sa pinto dahilan para idilat ko ang aking mga mata. “Come in,” kaswal na sab