Kandungan
May tama na ako nang dumating sa club na kinaroroonan namin ni Bali ang isa pa naming kaibigan na si Burmi. Isang shot palang ng punch ang tinungga nito at ang gaga ay hindi na naawat sa pag-umyak.
Bukambibig nito ang boyfriend nitong doktor 'kuno' na hindi pa naman namin nakilala. She's crying over her broken heart.
"He cheated on me!" ang linyang paulit-ulit niyang nginangawa.
Burmi is literally drawing some attention from other club goers na malapit sa amin ang mesa. Pabor sa parte ko ang malakas na tugtog dahil kahit papaano ay hindi lang ang nakakairitang iyak ni Burmi ang gumagasgas sa tainga ko.
And this is the chaos I wanted. It helps me divert the pain that is wrecking me inside.
Hindi ako self-centered na tao and I grew up such a considerate person. Iyong tipo na obligado akong unahin ang kapakanan ng mga taong mahal ko kaysa sa sarili ko. Iyong tipong palaging sinasabihan ng ibang tao na papasa na akong Santa Santita dahil sa sobrang kabaitan ko.
Ngunit sa pagkakataong ito, napapatanong ako sa aking sarili habang nakatitig sa umiiyak kong kaibigan na ano na lang pala ang kasalukuyan kong problema kung ikukumpara sa bagay na iniiyakan ni Burmi?
Ako na pinagkaitan na makita ang dalawang anak ko at siya na aniya'y niloko ng kanyang nobyo na no'ng nakaraang buwan lang niya nakilala at kung umasta siya ay tila daig pa niya ang tinalikuran ng mundo kagaya sa nararamdaman ko.
"Speak up furthermore, Burmis. Hindi 'yung paulit-ulit na 'he cheated on me' lang ang binibigkas mo dahil nangangati nang bumigwas sa'yo itong kamay ko." May pagbabantang anang ni Bali sa bigo naming kaibigan. "Kapag napikon ako sa'yo, baka hindi lang ang puso mo ang masisira, tiyak madadamay ang mukha mo."
Bali is obviously the most impatient person I've known.
"Bakit ba ang salbahe mo? You're my best friend." Boses inaapi itong si Burmi. Inismiran lang ito ni Bali at binigyan ng isang shot ng vodka naman ngayon.
"Kaya nga magkuwento ka na dahil wala tayong mapapalang tatlo rito kung ngangawa ka lang diyan tapos itong si Persia naman, kasama nga natin pero palaging nasa ibang planeta ang isip. Mahal na Santisima Trinidad naman. Kung bakit ba kasi'y may mga saltik itong ibinigay n'yong mga kaibigan sa akin?" Ungot ni Bali at sanay na ako sa kasungitan niya.
"I... I just found out that Cain is dating someone else. He two-timed the living shít out of me. He broke me! Nahuli ko silang nasa intimate na tagpo ng babaeng iyon and I tried to confront him pero... pero..." Hindi maituwid ni Burmi ang pagsusumbong niya dahil sa mas lumakas ang kanyang iyak at napuputol na ang boses niya dahil sa hikbi.
"Pero ano?" Bali urged her to speak continuously.
"Pero he just told me to stay away from him. Na huwag ko na raw siyang puntahan kahit kailan. He cruelly declared that what we had is finally over. Ayaw niya na ako."
I tsked and rolled my eyes inwardly. "Tinira ka na?" I bluntly ask Burmi.
Nabigla pa siya sa naging tanong ko. Natulala at tila naumid pa. Hinila ni Bali ang tuwid na buhok nito nang hindi nito sinasagot ang tanong ko.
"Tinira ka na raw ba? Aba'y apo! Sumagot ka riyan at nakakapikon ka nang litsugas ka!"
I admit, Bali and I are not soft-spoken people and we're no gentle friends who can stroke our brokenhearted friend's back when she's lonely or hurting. We probably do comforting but we do it in our unusual way and that is through hostile words and grumpiness pero matatag kaming kakampi kapag inaapi ang sino man sa mga kaibigan namin.
"Ano?" Muling sikmat ko kay Burmi.
Kinakabahan siyang napalunok at dahan-dahan na sumagot ng mahinhing, "Once and-"
Binagsak ko ang kamay ko sa mesa kasabay ng rock glass ko. The remaining singani fluid in my glass plash out of it because of my violent reaction.
"Saan ko mahahanap ang berdugong doktor na iyan na lumapastangan sa muning mo? Sabihin mo, Burmi!"
"Ha?" Burmi gaped at me.
"Address bilis dahil mukhang kailangan yata ng batuta no'n na maparusahan para hindi na makaulit."
Tarantang sinabi ni Burmi ang address ng ospital kung saan nakatitiyak itong matatagpuan ko ang lokong doktor na iyon. Kahit gaga itong si Burmi ay hindi ako makakapayag na apihin siya ng ganoon ng isang lalaki. At talagang ipinagtabuyan pa ang kaibigan ko pagkatapos maka-score! Anak siya ng duwag na bayawak!
Gigil na gigil akong lumabas ng club na mag-isa. Gamit ang sasakyan ni Bali na itinakas lang din niya mula sa kanyang step-father ay binagtas ko ang daan patungo sa ospital na pakay ko. Hindi ako gaanong pamilyar sa Metro Manila gawa ng sa probinsya ako ipinanganak at lumaki. Nakaalis naman ako sa lugar namin no'ng twenty-one ako pero ilang araw lang din ang inilagi ko rito sa Maynila dahil lumipad kaagad kami ng pinagkatiwalaan kong hijo de púta patungong Espanya.
I run away from home and lived in Zaragoza for almost six years. I had a live-in partner, si Cyrus at nagkaroon kami ng kambal na anak. My babies... Cyrus committed a mistake that totally ruined our relationship. And I tried to part ways from him ngunit bago ko pa maisagawa ang paglayo sa kanya ay nilansi na niya ako at tinangay pa ang mga anak ko.
At ngayon ay nabubuhay ako na tila walang nararamdaman kundi poot para kay Cyrus at matinding pangungulila sa mga anak ko.
Noong isang linggo lang ako dumating dito sa Manila from Spain. Kasalukuyan akong nag-stay sa flat na pagmamay-ari ni Bali habang hinahanap ang posibleng kinaroroonan ni Cyrus dito sa Maynila.
Desperado na akong makita at mabawi ang mga anak ko. Hindi ko alam kung paano ko nagagawang mag-survive sa loob ng halos dalawang buwan na wala sa akin si Cassia at Cache.
Gamit ang waze na naka-install sa car display ng sasakyang gamit ko ay narating ko ang pakay kong ospital. Mahigit twenty minutes din ang inilaan ko sa biyahe bago marating ang lugar na ito.
Sa madaliang pagmamatyag ko ay napansin kong mahigpit ang mga guwardya sa mga pumapasok na tao sa loob ng ospital. Gawa na rin yata ng pagiging pribado nito at isama pa na pasado alas onse na rin ng gabi sa mga oras na ito.
So, hindi na ako sumubok na dumaan sa guwardiya nang sa ganoon ay hindi na masayang ang oras ko. Naghintay ako hanggang sa may namataan akong prospect na posibleng makatulong sa akin na makapasok at malaman ang opisina ng doktor na pakay ko sa loob ng ospital.
May dumating na ambulansya and I wait for the right moment to get the attention of the driver. Hindi ako nahirapan sa pakikipag-usap sa drayber ng ambulansya at inamin ko kung sino ang pakay ko sa loob.
"Ah. Marahil ay isa kayo sa mga nabiktima ng karisma ni Doc Cain, Ma'am." Ipinagpalagay ng drayber habang nakasunod ako sa kanya patungo sa exit door na kung saan aniya ako dadaan para makapasok.
"Naku ay hindi na bago sa amin dito ang ganitong eksena, Ma'am. Sa loob ng isang buwan ay may sa dalawa o tatlo ang babaeng sumusugod dito kay Doc Cain at nag-eeskandalo. Paano, lahat ng makaka-date ni Doc Cain ay nalalagot kay Ma'am Sefora at pagkatapos ay si Doc Cain ang susugurin. Umaasta kasi iyon na asawa ni Doc Cain gayong ang sabi ni Doc ay wala naman daw silang relasyon ni Ma'am Sefora."
Umasta akong nakikinig kay Manong ambulance driver pero ang totoo ay walang iba na nasa isip ko kundi ang kung paano ko malulumpo ang doktor na nanloko kay Burmi.
"Ito po, Ma'am. Diyan po ang opisina ni Doc Cain." Pinihit ng driver ang seradura at napasinghap. "Sakto, Ma'am at bukas po pala. Diyan na lang po kayo sa loob maghintay."
Tumikhim ako at magalang na ngumiti sa lalaki. "Ako na po ang bahala, Manong." I pulled three blue bills from my wallet and give it to the man. Sa una ay tumanggi ito na tanggapin iyon ngunit pinilit ko siyang kunin ang pera na kapalit sa kabutihang loob niya.
I took a deep breath before I carefully walked inside the office. Sa bahaging ito ng ospital ay wala akong masyadong natatanaw na tao.
Tahimik ang opisina nang makapasok ako. Halos mangaligkig ako sa lamig ng silid dahil sa aircon. Wala ang doktor na pakay ko at tiniyak ni Manong driver na on duty ngayong gabi hanggang bukas 'yung Doc Cain na iyon. I guess he is just doing a roving to check his patients.
I decided to invade the office and sat down on the swivel chair. Muntik ko nang maipikit ang aking mga mata nang may panlalaking amoy ang gumahis sa aking ilong. I smell a powerful fusion of remeniscent of a forest close to the ocean from the perfume scent which lingered in my nose. It's sexy, very manly and my tipsy brain had just faltered the moment I realized that this scent around this office smelled familiar. It strangely triggered a blurry memory in my head.
Nasa punto na ako na ginagalugad sa ilalim ng utak ko kung kanino o saan ko ba naamoy ang pabango nang biglang may nagbukas sa pinto sa silid na kinaroroonan ko.
Dalawang nagtatawanang tao ang bumungad sa may pinto at kagyat ding natigilan nang makita akong prenteng nakaupo sa swivel chair.
Ang isa sa kanila ay nakaupo sa wheelchair at ang kasama nito ang tila tagatulak. My forehead knotted in confusion while looking at the two men.
Sino sa kanila si Doc Cain? O kung isa ba sa kanila si Doc? Hindi naman siguro itong nasa wheelchair kasi marahil ay pasiyente ito rito sa ospital.
"Well, well, well. It's strange to have a midnight guest over here. Hot." The man behind the wheelchair speaks coquettishly and even makes a whistle while the man sitting on the wheelchair remains silent while his gaze turns more intense as seconds passed by.
"Hi." I mustered a poker face. "Sino sa inyo si Doc Cain?"
Sasagot na sana ang lalaking nakatayo nang biglang tumunog ang phone nito. “Got to go already. Hinahanap na ako ni Clover. Una na ‘ko, bro. Ikaw na ang bahala sa magandang dilag. Jackpot ka ngayon, bro.”
Kinindatan ako ng lalaki bago tuluyang umalis at iniwan ang lalaking naka-wheelchair.
“I supposed you're not Doc Cain. May kailangan ka rin siguro sa kanya.” Paismid na sabi ko. Pambihira rin itong pasiyente na ito. Gumagala sa hating-gabi.
“It’s you.”
Nagulat ako sa lalim at pagiging buo ng boses ng lalaking nasa wheelchair. He maneuvered the wheelchair by his hand before he totally made his way inside the office. He stops in front of the table, katapat ko. He stays silent. Awkwardly silent.
Kay tagal na napako ang aming tingin sa isa't isa. Kakaiba ang titig na ipinupukol niya sa akin. Mainit. Nakakapaso.
Hindi ko ipinahalata ang panunuri ko sa mukha ng lalaki. Guwapo siya, matangos ang ilong at maganda ang kanyang mga mata bukod pa sa malantik ang kanyang mga pilikmata. Tila mayroon iyong natural na smokey dramatic effect, making him intriguingly hotter. He has a sexy brown complexion at idagdag pa ang prominente niyang panga na mas nagtutuldik sa angas ng kanyang s*x appeal.
I don't know what to say to this stranger or should I even talk to him? Nuh! Kahit nakakalinlang ang kaguwapuhan niya ay hindi ako narito para sa bagay na iyon. Iyong lintik na Doc Cain ang pakay ko at hindi ako maaaring ma-distract.
I let out an audible sigh as I rose from the swivel chair. Hindi pa man ako nakakahakbang nang marahas akong napasinghap dahil nakita kong ina-unbuckle ng lalaking nasa swivel chair ang kanyang sinturon.
I swear, I feel like being struck by a simultaneous crush of thunderbolts when the man pulls out his díck from his trouser pants.
“What the... What the fugg are you doing?”
“Showing off my d**k so we could get down into our business. Ano pa sa tingin mo ang rason kung bakit ka narito?” The corner of his lips tugged upward into a devilish smirk.
“Ano’ng... A—anong business ang pinagsasabi mo?” Fúck! Nauutal ako. Ngayon lang ako nataranta ng ganito dahil sa isang lalaki. I felt violated at first but when I looked down at his cóck once again, parang biglang gumapang ang init sa mga ugat ko.
“You are Hera’s so-called fortresser, aren’t you? I supposed ikaw ang ipinadala para sa akin. I have paid for your service.”
Mas lalong lumutang ang isip ko sa mga sunod niyang sinabi.
“Now, brace yourself and come here. Umupo ka rito sa kandungan ko. I want you to show me what you've got and prove to me that you're worth every penny.”
Anak ng baklang bayawak! Napagkamalan ba akong bayarang babae ng lalaking 'to?!
A/N: At itoooooo na nga, aarangkada na rin ang tandem ng #CainPP Cain and Persia Percival's story.
I hope it's not too much pero sana po ay suportahan din po ninyo ang story ng half-brother ni Attorney.?