Kabanata 28 Pag-aari Kita ABALA SI Zelmira sa paghuhugas ng kanilang pinggan pagkatapos ng kanilang hapunan nang tahimik na pumasok si Cain na may dalang tuwalya. Mukhang maliligo ito. Sandali lamang niya itong binalingan at itinuon niya muli sa ginagawa ang atensyon. Pasipul-sipol pa siya na itinuno sa isang makalumang kanta na paborito ni Lolo Ignatius. "Why you have to clean the dishes alone? Tsk. Ano ang silbi no'ng hilaw mong Ramonchito at hindi siya ang pinaghugas mo riyan?" Naninitang saad ni Cain. Ano raw? Hindi inaasahan ni Zelmira na magtatanong ng ganung klase si Cain sa kanya at ang yabang pa ng dating. Malayo ito sa Doc Cain na tinanggap nila sa isla noong unang araw na dumating ito. Pormal at mukhang respetado. Ngayon ay may kasama ng angas kahit ang hilatsa ng mukha nit