Synopsis

402 Words
Ang dami ng taong nasaktan ko para lang makalimutan ka. Pero hanggang ngayon, ikaw pa rin pala talaga... ? Minsan may nagmahal sakin ng totoo, Tinanggap niya ang buo kong pagkatao, Di niya ako hinusgahan bagkus minahal pa ng todo, Di naghihintay ng kapalit na kung ano... Ginawa niyang lahat mapaligaya lang ako, Sinunod niya bawat sabihin at gusto ko, Diko man lang narinig na kahit minsan siya'y nagreklamo, Basta't para sa kanya masaya siyang pagsilbihan ako... Kapag nagagalit ako tahimik lang siya, Naghihintay kung kailan ko papansinin saka lang sakin lalapit at magsasalita, Ang haba ng pasensiya kaya ako'y tuwang tuwa, Lagi kong pinagtitripan pero alam ko nakakahalata na rin siya... Childish kasi ako minsan, Gusto ko pansin niya'y sakin lang, Sabihin man ng ibang ako'y baliw sa kalokohan, Wala akong pakialam bahala silang mag isip ng ganyan... Siguro'y napagod na rin siya, Sa kaka intindi't kauunawa sa ugali kong kakaiba, Nagulat na lang ako ng bigla siyang nawala, Lumayo sakin ng wala man lang sinabi kahit isang salita... Nasaktan ako sa kanyang ginawa, Magsisi man ako pero may mababago pa ba? Wala na ang lalaking nagmahal at sakiy sumamba, Iniwan akong luhaan at nagdurusa... Kung maibabalik ko lang sana, Ang mga panahong kami ay magkasama, Pahahalagahan at mamahalin ko na talaga siya, Pero huli na ang lahat at wala ng pag-asa... Sana pala nag asawa muna ako, Bago ko inabot ang mga pangarap ko, Kasi marami ng nasayang at nawala sa buhay ko, Lalo na yong lalaking pinakamamahal ko... Sabi ko lang pala yon na naka move on na'ko, Pero ang totoo nasasaktan at diko pa rin matanggap ito, Lagi ko pa ring hinahanap ang pagmamahal ng lalaking pinapangarap ko, Wala na'kong magagawa dahil wala na siya sa buhay ko... Sayang ano? andami ko pa lang pagkakamali na nagawa, Diko kasi muna pinag isipang mabuti ang mga desisyon kong ginawa, Nag pabigla bigla ako't nangibang bansa, Huli na ng marealized kong hindi pala ito tama... Kung maibabalik ko lang ang dating ikot ng mundo, Babaguhin ko ang mga priority in life ko, Yong di gaya nito nabubuhay akong puro panghihinayang at pagsisisi ang nasa puso, Masaya ka nga pero deep inside nandoon ang lungkot at hinanakit nakatago... Alaala na lang siya sa buhay ko, Alaalang iniingatan ko dito sa puso ko, Mahirap makalimutan ang taong pinakamamahal mo, Lalo na kung siyang nagbigay ng saya at kulay sa buhay mo... ?MahikaNiAyana
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD