Chapter 3

2250 Words
Chapter Three   It was all a dream. Nais na ni Baby na magising. Can someone slap me on my face? Mag-asawang sampal isama pa ang anak nila sa loob at sa labas.   "Natulala ka? Alam ko hindi kapani-paniwala. Parang plot twist ba sa paborito mong libro o sa sinusubaybayan mong drama program? I'm telling you Jeany Mae. Magkapatid tayo. Magkapatid sa ama." Pero ang senadora na mismo ang nagdugtong at naggiit na totoo ang lahat. Hindi ito panaginip lang.   "Ah eh..." walang salitang nais kumawala sa bibig ni Baby. She was so speechless. Magulo pero hindi naman niya pamalinaw. Kung hindi siguro senador ang magsasabing kapatid niya ay baka hindi ganito ang kanyang reaksyon. Malala ay ang idolo niya pang public servant.   "Okay fine!" Pabigla itong tumayo mula sa swivel chair. "Baka maubos mo na ang alphabet pero wala ka pa ring natatanong. Ako na. Ako na ang magpapaliwanag ng lahat."   Nilahad nito na ang kanyang tunay na ina ay isang dating kasambahay ng pamilya Villones, si Leni Cuarte. Dalawampung taon na ang nakararaan nasa kasagsagan ng karera sa pulitika ng mga panahong iyon si Senator Ruben Villones ng magkaroon ito ng lihim na relasyon sa kanyang ina. Nabuntis ito at nalaman iyon ng ina ni Abelle na si Doña Ireyna Villones. Si Abelle, dalawampu't limang taong gulang palang noon at nag-iisang anak lang sana ay labis na humahanga sa ama ngunit biglang naglaho ang paggalang dito. Pinalayas ang kanyang ina sa mansyon ng mga Villones. Lingid sa kaalaman ng pamilya ni Ruben ay pinasunod nito sa kanyang ina ang isa pang katulong, si Fely. Ito ang lihim na nagbibigay ng sustento sa kanila. Hanggang sa siya ay maisilang bilang Jeany Mae Cuarte. Sa kasamaang palad ay namatay ang kanyang ina sa panganganak sa kanya. Si Fely na matandang dalaga ang boluntaryong nag-ampon sa kanya at minahal siya na parang isang tunay na apo at anak.   "Nakapag-aral ka. Simple man ang naging buhay mo pero hindi kayo naging salat ni Nana Fely. That's because of daddy. Inaabutan pa rin niya kayo. Lihim na nagkikita ang nana at kung sinumang mautusan ni dad sa security group ng pamilya." Patuloy sa rebelasyon si Abelle. Napagtanto ni Baby kung bakit pamilyar ang kasuotan nila Ervir. Katulad iyon ng mga nakikita niyang bigla nalang kausap ng kanyang Lola Fely. Sugo pala iyon ng kanyang... tunay na ama.   May inabot itong papel sa kanya. "That was DNA test result noong bata ka pa. Baka sakaling ayaw mong maging bahagi ng aming pamilya. Ayan na ang katibayan."   Nagliliwanag na ang lahat sa isipan ni Baby habang pinagmamasdan niya ang hawak na papel. This was a fact and not a bluff. Nagkaroon na siya ng lakas ng loob na magtanong sa kapatid... na senador.   "Kung lihim lang po ng dating Senator Villones ang lahat ng ito. Ang pagtatago sa akin. Ang sustento. Paano niyo po nalaman? Hindi ba't sabi niyo nagalit at nawalan din kayo ng paggalang sa kanya? Nine years na po siyang patay. Iyon ang simula ng inyong senatorial career. Ang ina niyo naman po ilang taon na ring patay. Bakit nagpatuloy pa rin po ang sustento namin ni lola? Naka-graduate po ako at napalibing si lola ng walang problema sa pera." Lumabas na ang tunay na siya pagdating sa tanungan at paghayag ng mga saloobin. Gayunpaman ay parang may daga sa kanyang dibdib. Tinatanong niya ang babaeng kilala sa mga palabang sagot at pahayag. Sadyang mataray ang mga titig nito sa personal.   "I don't want to answer those questions. Wala na yang kinalaman sa pagkatao mo. It's my privacy that you want to invade. Hindi pa tayo close. Nandito ka for a mission. For my campaign. Do you have other questions na pwede kong masagot?"   Wala rin siyang nakuha rito. Iwas pa more! May tanong ka rin pala na iiwasan eh madam! At closeness talaga ang batayan ah?! Paano ako maliliwanagan nito? Gusto niya itong sagutin ng pabalang pero pinili niyang manahimik at ibahin ang tanong. "Ano po 'yung misyon na 'yon? Bakit may kinalaman sa kampanya niyo?"   "That was the perfect question Jeany Mae."   "Baby nalang po." Pagputol niya.   "Hindi pa tayo close. You can call me Abelle but not yet ate or sis or any sibling endearment. Can I proceed?"   Andaming arte! Closeness talaga ang batayan ah? "Sige po madam." Sa huli'y pinili niyang madam ang itawag dito.   "Masyadong walang puso ang tingin sa akin ng mga tao. Stone lady nga hindi ba? Matalino lang daw ako. Magaling. But I don't have the heart to serve for the people." Bigla itong tumahimik. "For God's sake! Hindi pa sapat sa kanila 'yon?! Napapakain ba sila ng mabait lang? Nakakagawa ba ng matitinong mga batas ang may mabuting kalooban?! Utak pa rin ang ginagamit!" Nabigla siya ng tila ma-highblood ito. Bigla nalang ito sumigaw. Kaya pala sanay na sila Ervir.   "Ipapakilala kita sa publiko. Na may kapatid ako. Na kahit pinagtabuyan ka ng mga magulang ko ay handa kitang tanggapin. That would appear that under my government everyone are welcome. Lahat kaya kong alagaan. Kahit pa ang isang katulad mo na anak sa labas and the likes. Ikaw ang magbibigay ng puso sa aking pagtakbo bilang bise-presidente."   Gusto niyang tumayo at palakpakan ito. Napakaganda ng naisip nito. Bibigyan siya ng pagkakataon bilang isang... anak sa labas. Pero imbes matuwa ay bumigat ang kanyang dibdib. She wanted a family. Pero hindi sa ganitong paraan na gagamitin lang siya. Hindi siya ipokrita. May prinsipyo siyang tao.   "Pwede po bang pag-isipan? Hindi ko po kasi alam kung ready na ako sa lahat ng ito. Naghahanap po ako ng trabaho ngayon para maging abala. Sariwa pa po ang pagkamatay ni lola." Tumayo si Baby na walang takot. Tila naubos ang lahat ng paghangang minsang inilaan niya sa babaeng nasa kanyang harapan. Mabuti nga'y pag-isipan pa ang kanyang naging pasya. Paggalang na rin hindi sa dugong parehong nananalaytay sa kanilang mga ugat kundi sa posisyon nito.   "Ready? Ano pa ang dapat mong paghandaan? It should be a priviledge on your part na maging bahagi ka ng pamilyang ito! Na kahit wala na si nana Fely ay may bago kang matutuluyan. May pinag-aralan ka naman hindi ba? Dapat hindi ka na mapag-inarte!" Para siyang bata kung pagsabihan nito. Lalong nagpantig ang kanyang tainga.   "'Yon na nga po. May pinag-aralan ako. Alam ko ang kahulugan ng panggagamit." Akmang tatakiluran na niya ito. "Siya nga po pala, wala na akong pamilya. Hindi ko na yata kailangan ng bago." Kitang-kita niya ang pagbabagong timpla ng mukha nito. Nagawa niyang pamutlain ang isang Abelle Villones. She was hurt. Wala sa kanya ang intensyong insultuhin ito. Mas nangingibabaw lang ang sakit kaysa sa dapat sanay saya para sa isang bagong pamilya.   "Juancho!!!!!" Narinig niyang sigaw ng senadora. Ilang sandali lang ay isang lalaking may edad na ngunit maganda pa rin ang pangangatawan ang pumasok sa loob. Nakipagtitigan siya rito hanggang sa tuluyan siya nitong lampasan. Bago siya tuluyang lumabas ay sumulyap na muna siya sa mga ito. Pagtingin niya ay magkayakap na ang dalawa. Binawi niya ang kanyang tingin saka lumabas. Hinayaan niyang naiwang nakalutang ang iba pang katanungan sa kanyang isipan.   "Ano'ng nangyari?!" Bungad ni Ervir na nag-aabang pa rin sa labas.   "Gusto ko ng umalis dito! Iuwi mo na ako sa amin!" Bulalas niya.   "Nakita mo yung pumasok? Si Sir Juancho 'yon. Siya ang head ng security ni Madam. Naandito rin siya kanina nag-aabang. Mahigpit niyang utos na anuman ang kalabasan ng pag-uusap niyo ay wag kang hayaang makaalis."   "So pilitan to?! Bawal na akong mag-decide sa sarili ko ganon?!" Iritableng tugon ni Baby. "Siguro nga dapat maging thankful ako dahil kapatid ko pala siya. Dahil ngayon kukunin na niya ako. Pero yung dahilan kung bakit niya ako pinapunta rito hindi naman..." tuluyang pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Ang bigat na kanina pa niya nadarama ay sa wakas nailabas na niya.   "Pwede bang dalhin kita sa lugar kung saan gagaang ang loob mo?" Tanong ng lalaki. Napatingin siya rito habang lumuluha. Tumango siya. Tila iyon ang kailangan niya. "Pwede bang akbayan kita para alalayan ka?" Hindi niya napansin ang kusang pagtango ng kanyang ulo bilang pagsang-ayon. Marahang isinabit ng lalaki ang braso nito sa kanyang balikat. Sabay silang naglakad palabas ng bakuran habang inaalalayan siya nito.   Mapapagalitan daw ito kapag gumamit ng sasakyan kapag gayong mga personal na lakad. Paglabas nila ay liwanag na ng mga ilaw sa poste ang tumatanglaw sa paligid. Tuluyan ng sumapit ang gabi. Sumakay sila ng jeep. Malapit lang naman daw sa San Juan ang kanilang tungo. Hindi niya rin alam kung bakit magaan ang kanyang loob na sumama sa lalaki. Marahil ay sa tiwala niya ritong dadalhin siya nito sa lugar na gagaang ang kanyang loob.   "Para po!" Hinatak pa ni Ervir ang tali sa itaas ng jeep para pumara. Nasa kahabaan sila ng Boni Avenue sa Mandaluyong at sa isang bulaluhan sila nakatapat.   "Bulalo?" Taas-kilay niyang tanong.   "Yup! Tara!"   Pagpasok sa loob ng bulaluhan ay agad itong um-order ng bulalo na good for two. Isang kanin para sa kanya at tatlo naman para rito. Hindi halata sa maskulado nitong pangangatawan ang malakas sa kanin. Burn na burn nito ang calories.   "Ang init ng panahon bulalo." She said with disappointment.   "Oy ah July na. May parating na nga raw na bagyo eh ayon sa PAGASA."   "Sa tingin mo gagaan ang pakiramdam ko sa bulalo? Baka lalo akong ma-stress dyan." Patuloy niyang pagkontra.   Bago pa ito makatugon sa kanya ay dumating na ang kanilang order. Amoy palang ng mainit na sabaw ay nakatawag na ng kanyang pansin. Infairness, gutom na yata ako. Ikaw ba naman ang makipaghabulan at makipag-usap sa isang senador. Gugutumin ka talaga.   "Patis na may kasamang kalamansi ang masarap na sawsawan dyan. Tikman mo na. Habang humahagod yan sa lalamunan mo mararamdaman mo ang paggaang ng pakiramdam mo." He smiled at her while looking at her eyes.   Kumuha siya ng kutsara saka sinunod ang sinabi nito. Napatigil siya bago siya humiwa ng karne saka iyon isinawsaw sa patis na may kalamansi. Hindi niya namalayang napapasarap na pala siyang kumain.   "Di ba ang sarap na sa pakiramdam?" Tanong nito.   "Huh?" Hindi siya kaagad makasagot. Puno pa ang kanyang bibig. "Gutom lang siguro talaga ako."   "Asus! Nagustuhan mo lang. Sikat kayang bulaluhan 'to. Simple lang ang ayos ng tindahan pero dinarayo. Lagi ako rito. Favorite spot ko kapag stressed out ako." Panunukso pa nito.   "Yung totoo din? Kasosyo ka rito no? Promotion pa more!" Muli siyang humigop ng mainit na sabaw.   "Haha!" Tumawa ito. She found him cute while laughing. Nawawala ang brusko nitong awra. "Hindi no. Pero mas sumasarap kumain ng bulalo dahil sa kasama mo. Tingnan mo dahil isang gwapong katulad ko ang kasama mo napasarap ang kain mo. Doble ang busog mo."   Hindi niya mapigilang mangiti. "Ang kapal mo talaga no! Hindi pa kita napapatawad sa mga nakaw na yakap at halik mo kaya wag ako. Don't me! For sure kaya alam mong masarap kumain ng may kasama rito ay dahil marami ka ng ibang babae na dinala rito."   "Sorry na talaga. Heto nga oh bumabawi na ako sayo. Don't me din ah! Lagi akong solo kung pumunta rito. You're the first woman I brought here. Ngayon ko nga lang din nalaman na mas masarap kumain ng bulalo na may kasama." Nag-sad face pa ito na parang bata. Hindi niya napigilan ang biglang pagguhit ng kung ano sa kanyang puso dahil sa sinabi nito. First woman daw oh? Atsutsutsu....   Nagsimula na ang isang mahabang kwentuhan. Nalaman niyang bente siete anyos na pala si Ervir. Hindi ito ordinaryong bahagi ng security group ng Villones. Graduate na muna ito ng Management bago sumabak sa pagsusundalo. Tulad ng kuya nito na si Juancho. Tama. Kuya nito ang head ng security ni Madam Villones. Dahil may pinag-aralan kaya naman mataas ang ranggo nito. Pwede na nga itong secretary s***h security. Tatlong taon na rin itong nagtatrabaho sa senadora. Ang kuya nitong si Juancho ang nagpasok dito. Mas malaki naman daw ang sahod nito sa mga regular na sundalo at katulad din ang thrill at adrenalin kaya hindi ito umaalis.   "Kaya pala ingleserong frog ka rin no? Mabuti hindi mo p-in-ursue ang management?" Komento ni Baby.   "Other way talaga 'yon ng pagsusundalo. Pwede kang mag-teacher na muna, doktor o ibang kurso tapos pasok ka na sa military. Mas madali actually. Ang advantage may dagdag na kaalaman ka pa. Ito talaga ang gusto ko eh. Nasa pangangalaga ng buhay ng iba ang calling ko."   Hindi niya mapigilang mapatulala habang nagpapaliwanag ito. He seems to be a man of dignity and passion. Kitang-kita sa paraan nito ng pagsagot at sa mismong kasagutan nito. Bente anyos palang siya kaya ang makakilala ng ganitong klase ng lalaki ay nagdudulot sa kanya ng labis na paghanga. Hindi katulad ng mga lalaki na kaedaran niya.   "Ang swerte naman ng mga inaalagaan mo at handa mong pagbuwisan ng buhay." She said all of a sudden.   "Siguro nga. Sana magawa ko rin 'yon sa babaeng mamahalin ko ng habang buhay. Aalagaan ko siya at kahit buhay ko ay handa kong iaalay para sa kanya." Alam naman ni Baby na hindi para sa kanya ang mga katagang iyon pero dahil sa kanya nakatitig si Ervir ay tumatagos iyon sa kanyang marupok na puso.   "Ikaw ah nakikiuso ka. Nai-connect mo talaga sa babae maka-hugot ka lang. Ang swerte naman 'nung girlfriend mo." Dagli niyang tugon.   "Wala nga akong girlfriend. Nagkaroon noong college. Pero magmula nang pumasok ako sa pagsusundalo at dito kay madam ay nalayo na ako sa mga babae. Kung darating naman darating eh. Sana dumating na siya. Kailangan ko na ng inspirasyon, hindi na ako bumabata." Her heart skip a beat. Sa kanya na naman ito nakatitig. Malay mo naman. Dumating na nga.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD