Chapter 2

2166 Words
Chapter Two   "Ako kaya mata-type-an ng isang Jeany Mae?" Biglang tanong ni Mr. Biglang Yakap na ayon sa kanyang pagkakadinig ay Jon ang pangalan.   Parang ang big deal ng pangalan ko sa kanya? Pasok ka sa banga sa hotness meter ko. Pakawalan mo ako dito kung may mas hihigit pa sa bet ay baka ikaw na 'yon! "Wag mo akong libangin! Sino kayo?! Para saan ito?! Andami ko ng tanong! Nailista niyo ba? Pakisagot naman lahat oh! Or else ibaba niyo na ako!"   "Palaban talaga. Parang si madam. Hahaha!" Komento naman ng lalaki sa kanyang kaliwa saka nagtawanan ang mga ito.   "Hahaha!" Kunyari'y tumawa si Baby. "OP here! Share niyo na kasi sa akin ang lahat oh! Please!"   "San Juan City lang tayo Ms. Jeany Mae. Malalaman  mo rin ang lahat. Utos talaga sa aming biglaan kang kuhanin. Si madam na raw ang magpapaliwanag sayo ng lahat. Lagot kami dun kapag nagkwento kami sayo." Si Mr. Biglang Yakap na ang tumugon saka ito humilig sa kanya with his shades on. Napahilig naman siya patungo sa kaliwa. Nakaka-distract ang kagwapuhan nito. "I'm telling you. You are safe. Katabi mo ako oh."   "Tse!" Wala na nga siyang nagawa. Kahit ayaw niya ay tila nakumbinse na naman siya nito. Mabilis naman ang takbo nila. Hihintayin nalang niya ang paghaharap ng sinasabi ng mga itong madam. Wala siyang kalaban-laban sa tatlong taong-bato na nakapalibot sa kanya. Lalo na sa nag-uumapaw na hotness ng nasa gawing kanan niya. Ang kanyang tadhana bilang babaeng bayaran o burger patty ay tila hindi na niya matatakasan.   Sisilim na. Isang pribadong subdivision ang pinasok ng van. Kung saan mga naglalakihan at glamorosang mga mansyon ang makikita sa paligid. Sindikato nga ang nagpakuha sa akin! Reyna ng sindikato!   "Nandito na tayo." Saad ni Jon ng nasa tapat na sila ng isang dambuwalang gate na gawa sa kahoy at metal. Nagbukas iyon ng kusa. Isang napakagarang pinagsamang puti at itim na kulay ng mansyon na binigyan ng ilang kulay pulang emphasis. Modern and classic ang mababakas sa awra sa bahay.   "Wow! Ang ganda ng bahay ng magiging bugaw ko o ng tagagiling ng laman ko." Komento niya. Kahit kabado ay hindi maiwasan ni Baby na mamangha sa pagkaelegante ng bahay. Natatanaw niya iyon sa windshield at sa bintana sa gilid ng sasakyan.   "Ano'ng sinasabi mo dyan?" Tanong ni Jon. Pagtigil ng sasakyan ay bumaba na ang dalawang lalaki. Naiwan sila ni Jon sa loob. Naisip niyang tumakas. Hindi niya pa rin basta-basta isusuko ang kanyang p********e at ang kanyang karne. "Yan ang Palace kung tawagin ng pamilya nila, hindi basta-basta mansion yan.Palace dahil bukas yan sa publiko na nais humingi ng tulong."   "Sa laki ng gate at dami ng security bukas talaga sa public no?" She sarcastically replied.   "Kapag nalaman mo na kung sino siya malalaman mo rin ang ibig kong sabihin. At if I were you wag kang maging dramatic kapag nakaharap mo na siya. Chill lang. Lagi naman kasing mainit ang ulo 'nong si Madam." Tila binibigyan siya nito ng payo.   "Alam mo Jon? Jon nga ba? Tama?" Hinigit niya ang suot nitong itim na t-shirt. Ito naman ang isasailalim niya sa kanyang charm. Susulitin niya ang sinasabi ng ibang maganda raw siya. Panahon na upang pakinabangan niya ito. Sa ngalan ng pagtakas.   "Jon Ervir actually, Jon Ervir Cabiling." Nagpakilala naman ito.   "Oh really." Dinikit niya ang mukha niya rito. Literal na gusto na talaga niya itong halikan. Pero hindi pwede. Inaakit niya lang ito. Hindi maaaring sa kanya na naman bumalik ang kanyang ginagawa. "Mas bagay sayo ang Ervir. From now on, Ervir na ang tawag ko sayo." Pinadulas niya ang kanang hintuturo niya sa dibdib nito pababa sa tiyan nito. May humps sa loob ng suot nito, anim na pandesal.   "Whoah! Ikaw palang ang tatawag sa akin ng ganyan kapag nagkataon. Pangalawa ka pala. Si madam kasi ang una." He smirked. Tila epektibo ang pang-aakit niya rito.   Lumiyad siya patungo sa kabilang pinto ng van. "Halika nga rito." She teased him.   "Uy ano to? Bawal to! Magagalit si madam!" Tugon ng lalaki. "Hindi mo ako madadaan sa ganito Ms. Jeany Mae. I know I have a killer charm and muscles all over my body. Pero hindi pa rin ako manyak no! Hindi ako bastos. Marunong akong gumalang ng babae." Para itong bata na umaayaw sa paborito nitong pagkain. Natuwa naman siya sa ganoong attitude ni Ervir, mas gusto niyang ngalan nito kesa Jon. May tinatago pa rin pala itong pagiging maginoo sa katawan. Iyon ay kung hindi siya nito binobola. Pero isa lang ang hindi madadaan sa pambobola, ito na ang tamang pagkakataon para tumakas siya.   Dagling binuksan ni Baby ang pinto saka sinipa sa mukha si Ervir. Bago pa siya makalabas ng sasakyan ay buong lakas na siya nitong nahigit pabalik sa loob. Mahigpit siya nitong kinulong sa mga bisig nito. Ang matindi pa ay magkalapat ang kanilang mga labi. Hindi nalang ito Mr. Biglang Yakap. Ito na rin si Mr. Biglang Halik.   Nag-eenjoy palang siya sa pangyayari at dinadama palang ang mga labi nito, este iniisip palang ni Baby ang tamang gawin ay si Ervir na mismo ang kumawala sa halik na iyon. Sampal! Iyon ang naisip niya. "Biglang halik ka na rin! I hate you na talaga!" Bulalas niya.   "That was an accident! Hindi ko sinasadya! Tatakasan mo na naman ako oh." Tugon nito habang nakayakap pa rin sa kanya.   "Ewan ko sayo!!! Palusot pa more!!! Aaaaaahhhhh!" Sumigaw at tumili siya sa abot ng kanyang makakaya. Nakabukas na ang kabilang pinto ng van kaya marahil dinig hanggang sa labas ang kanyang boses.   "Where is she?! Who the hell is screaming?! Shut that mouth or else I'll shot all of you with the mouth of a gun!" Sa kabila ng kanyang pagsigaw at sa sitwasyon nila sa loob ng sasakyan ay isang tinig pa rin ng babae ang nangibabaw. Palapit iyon ng palapit sa kanila.   "Psssssshhhhh.... si Madam na ang naririnig ko. Sanay na ako sigaw pero iba ang sa kanya kaya tumahimik ka na please." Pagpapatigil sa kanya ni Ervir. Gayunpaman ay pinagpatuloy pa rin ni Baby ang pag-iingay.   "What are you doing?! What's the meaning of this?!"   Sabay silang napalingon sa babaeng nakatayo sa bukas na pinto ng sasakyan. Dahan-dahan ng lumayo sa kanya ang lalaki. Hindi naman siya makapaniwala sa nakita. Umayos din siya ng upo.   "It is a bluff." Nakangangang sambit ni Baby. "Sabihin mo sa akin Ervir na hindi totoo ang lahat ng ito. Shooting to no? Hindi ako ibubugaw at hindi rin ako gagawing burger patty. Gagawin niyo talaga akong artista sa isang show. Tapos sa show my impersonator." Niyugyog pa niya ang braso ng lalaki.   "Hindi siya impersonator. Siya si Madam. Siya ang totoo. Wala ka sa isang show. Totoo ang lahat ng ito. Siya si..." hindi na nakatapos pa ang lalaki.   "Shut up Ervir! I want silence in my place. Take her out. Tell her to stop screaming because her voice is irritating." Tumigil pa si Madam upang lumanghap ng hangin. Bawat salitang lumabas sa bibig nito ay tila batas na dapat sundin. Bawal pumalpak. "Dalhin mo siya sa opisina ko kapag kalmado na siya. I'm ready for a question and answer portion. Para hindi siya nagkakaganyan na parang babaeng walang pinag-aralan. Sigaw ng sigaw." Umalis na ito at muli silang naiwan sa loob ng sasakyan.   Napatakip ng bibig si Baby. "S-sino ba namang hindi sisigaw di ba? Isang araw paggising ko may gustong kumuha sa akin. Pero..." saka siya tumawa ng malakas. "Pero ang pinaka-epic 'don ay ang idolo ko ang dulo ng lahat ng ito. Siya ang dadatnan ko. Ang tinutukoy niyong Madam ay si Senator Abelle Villones?! Wow!" Tama. Ang nag-iisang Stone Lady ang dinatnan nila. Tila panaginip lang ang lahat kay Baby. Napuno ng sandamakmak na katanungan ang kanyang isipan. Tanong na kailangan mabigyan ng kasagutan habang nakalutang pa siya sa ere. Napatunayan niya rin na true to life pala ang katarayan ng kanyang idolo. Gusto niya itong makilala. Ano ang pakay nito sa kanya. Nawala na sa loob niya ang kapalpakan at gulong dinulot sa kanya ni Ervir. Handa niya itong pansamantalang kalimutan.   "Sabi ko naman sayo safe ka di ba?" Huminga ng malalim si Ervir. "Di kami pwedeng magsalita eh. Narinig mo naman handa na siya sa mga tanong mo. Siya ang dapat na sumagot sa mga katanungan mo. Kaya kung ready ka na rin ay ihahatid na kita." Malumanay na dugtong nito.   Siya naman ang humugot ng isang malalim na paghinga. "Magiging ready ba ako? Parang ang hirap naman yata. Tara na. Samahan mo na ako para makauwi na rin ako kaagad."   Inalalayan siya nito palabas ng sasakyan. Ngayon lang kumabog ng ganoon ang kanyang dibdib. Halos lumuwa na ang kanyang puso palabas. She was about to have a face to face with her idol for an unknown reason. Parang hihimatayin siya sa katotohanang iyon. Daglis siyang kumapit sa bisig ni Ervir. Napalingon ito sa kanya.   "Pakapit lang ah. Wag kang feeling na bet na bet ko ang paghawak sayo. Kailangan ko ng lakas." Agad niyang pagkontra sa kung anuman ang nasa isip nito.   "Hindi naman charger ang muscles ko." Pilosopong tugon nito. Saka niya ito tinarayan at pinagtaasan ng kilay. "Joke lang! Sorry na! Kapit ka lang! Kung sa ganyang paraan makakatulong ako. Kahit di ka na bumitiw." He sweetly said. Kahit papano ay aminado siyang nakatulong naman talaga ang lalaki para mabawasan ng kahit konti ang kanyang kaba. Binagtas nila ang modernong hallway ng mansyon. May mga nakasabit na abstract painting. May ilan ding mga palamuting sa unang tingin palang ay masasabi ng hindi basta-basta ang presyo. Hanggang sa labas ng isang kulay pulang pinto ang kanilang tinigilan.   "Nasa loob siya. Hindi na ako pwedeng pumasok. Ikaw lang dapat. Handa ka na ba talaga?" Masuyong paniniguro nito.   "H-hindi ko nga alam di ba? Bahala na." She took another deep breath. "Papasok na ako. Hintayin mo naman ako rito sa labas. Okay lang?" Wala na siyang ibang kilala sa bahay na iyon. Kay Ervir na niya ipagkakatiwala ang lahat ng pwedeng mangyari.   "Trabaho kong mangalaga. I'll be here. Sagot kita Ms. Jeany Mae." Seryosong tugon nito.   "Salamat Ervir. Baby nalang ang itawag mo sa akin. Hindi pa kita napapatawad sa biglang yakap at halik mo sa akin. Pati na rin sa pagdukot niyo sa akin. Pero baka bigyan kita ng chance na maging mas okay tayo kapag nakalabas ako ng buhay sa kwartong ito."   Napangiti ito na mas bagay naman dito. "Palabiro ka talaga. Sige na pumasok ka na. Wag ka ng kumatok. Inaasahan ka niya."   Tinalikuran na niya ito at saka hinarap ang pinto. Nangingig niya itong binuksan. Isang malawak na silid ang tumambad sa kanya. May mesa sa kabilang dulo ng kanyang kinatatayuan. Lalo siyang kinabahan ng marinig niya ang pagsara ng pinto. Sa pagkabilang gilid ay puno ng libro. Binalik niya sa gitna ang kanyang pansin ng umikot paharap sa kanya ang swivel chair. Matamang nakatitig sa kanya si Senator Villones. Nakakatakot pala talaga siya ng live na live.   "H-hi po." Nauutal niyang binasag ang katahimikan.   "Come here. Maupo ka. Welcome to our home, the Villones'very own palace mansion. Every weekends ay binubuksan ito sa publiko na nais humingi ng tulong.Sinimulan iyon ng aking yumaong ama. Kaya naman this mansion is not just a mansion, it's public and it's a palace. And I'm  optimistic to live in Philippines' palace soon, the Malacañang Palace" Utos nito. Nanginginig ang kanyang tuhod habang naglalakad siya palapit dito. Napakarami na nitong nasabi. Napagtanto niya alam na niya ang tungkol sa palace dati pa dahil tagahanga nga siya ng senadora. Hindi lang agad nag-sink sa kanya dahil sa takot. Naupo siya sa nag-iisang upuan sa harap ng mesa nito. Pinagmasdan siya nito habang tila sinusuri. Naiilang siya sa ginagawa nito. "Jeany Mae Cuarte. Bente anyos." Sambit nito.   Hindi niya alam kung tutugon ba siya. Pero naisip niyang sumagot. "Opo tama po. From Guadalupe Nuevo, Makati City, Philippines!" Para siyang nasa beauty contest nagawa pa niyang itaas ang kanyang kanang kamay. Pinapairal nalang niya ang kanyany kakwelahan para maibsan ang kanyang kaba.   "I know." Napalunok siya sa tugon nito. "May mga sinabi ba sayo ang mga kumuha sayo?"   "Ah eh wala po. Bawal po yata silang magsalita ng tungkol dito. Kung anu-ano na nga po ang naisip ko. Na baka sindikato na gagawin akong Magdalena o kaya naman burger patty. Kaya nga po..."   "Enough." Napatigil siya. Napahaba yata ang eksplanasyon niya. "Magaling. Sumunod sila sa utos ko. Baguhan palang kasi ang mga 'yon. So now ask me Jeany Mae. Go ahead. Alam kong maraming katanungan sa isip mo." Umayos ito ng upo sa swivel chair. Tila nag-aabang na ito sa kanyang unang tanong.   "G-gusto ko lang naman pong malaman kung para saan po ito? Bakit niyo po ako pinakuha?" Lakas-loob niyang tanong.   "You'll going live here. You're going to help me with my campaign." Tugon nito.   Napaigtad pa si Baby. "Ayun! Sa tingin ko po ay nagkamali nga kayo! Hindi po ako ang hinahanap niyo. Wala po akong alam sa pulitika. Mali po."   "No. Magkapatid tayo kaya matutulungan mo ako." Parang nasira ang kanyang eardrums at nagkamali siya ng dinig. Nangilabot din siya.   "Ano ho?"   "Magkapatid tayo Jeany Mae."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD