Kabanata 1

1119 Words
“Amara!” malakas na sigaw ni Beverly matapos kong tumalon mula sa aming bangka. Tanging hagikgik lamang ang ginawa ni Simeon matapos siyang hampasin ni Beverly sa kanyang braso. “Gago ka talaga, Simeon! Gusto mo bang mamatay ako ngayong araw?” gigil na sambit ni Beverly. “Beverly, hindi naman nakakamatay ang dagat. Kung tutuusin nasa isang paraiso tayo!” aniya ko sa kanya. Napairap na lamang siya hinablot ang lambat na hawak ni Simeon Napahalakhak na lamang ako dahil alam ko naman kung gaano siya kanerbyosa. Alam ko naman na nag-aalala lamang siya sa akin pero rito na ako lumaki sa Isla Paraíso. “Hintayin niyo ako, ha! Huwag niyo akong iwan kundi malalagot ako kay itay.” Lumangoy ako papalayo sa aming bangka dahilan upang mas magalit si Beverly sa akin. “Amara, isususumbong talaga kita kay Manong Pepito! Hindi ba pinagbawalan ka niyang lumangoy sa ilalim---” “Beverly, hindi naman niya malalaman kung hindi mo sasabihin.” “Aba, gusto mo pa akong magsinungaling sa tatay mo!” galit na turan niya. “Beverly, kalma, baka atakihin ka sa puso. Eh, kung sinagot mo na lang ako upang maging nobyo e'di sana, naglalambingan tayo rito sa bangka habang hinihintay si Amara.” Tumatawa si Simeon saka umaktong hahawakan ang kaibigan ko ngunit nakatikim lamang siya ng pingot. “Simeon, hindi ba sinabi ko sa'yo na dapat gawin mo ang lahat para yumaman! Ni hindi ka pa nga tuli!” Kinaltukan ni Beverly si Simeon dahilan upang umiwas si Simeon sa kanya. Nakita ko ang pagkintab ng kanyang mga mata matapos umaray si Simeon sa huling kaltok niya. Napangiti na lamang ako. Hindi ko rin gusto na istorbohin sila, mabuti na lamang nand'yan si Simeon upang pasayahin siya. Mabilis na sumisid ako papunta sa mga naggagandahang mga korals sa Isla Paraiso. Ang mga nagliliitan at naglalakihang mga isda ay labis na nagbigay ng kasiyahan sa aking puso. Hindi ako magsasawa na palaging lumangoy upang makita ang kagandahan ng dagat ngunit may parte sa akin na gusto rin masulyapan ang itsura ng siyudad. Lumipas ang ilang minuto nang ako'y lumangoy pabalik sa bangka. Ni hindi nga man lang napansin ni Beverly na umalis ako dahil ang atensyon niya ay tanging na kay Simeon lamang. Pigil ang ngiti ni Beverly habang binibilang ni Simeon ang nahuli nitong mga isda. “Amara!” Napasinghap ako nang narinig ko ang pagalit na pagtawag sa akin ni Itay. Naglalakad siya sa pangpang habang may hawak na tuwalya. “Pumarito ka! Matigas talaga ang ulo mo!” dagdag niya. “Nako po, si Manong Pepito!” gulat na turan ni Beverly. Naglakad siya paunti-unti sa gilid upang hatakin ako ngunit nagsimula na akong lumangoy papunta sa pangpang. “Magkita na lang tayo sa pangpang!” nakangising sabi ko sa kanila. Sa bawat hampas ng alon ay nagbibigay sa akin ng hudyat upang mabilis na ipadyak ang aking mga paa. “Amara! Hindi ka na bata!” Pagalit na ibinigay ni Itay sa akin ang tuwalya. Narinig namin ang pagtawa ng mga kasamahan niya sa pangingisda. “Manong Pepito, paano magkakaasawa ang anak mo kung palagi kang nakabantay?” “Aba, hindi pwede.” gigil na bulong ni Itay na tanging ako lamang ang nakakarinig. Ipinulupot ko ang tuwalya sa aking katawan saka ngumisi. “Itay naman, hindi ba ako pwede magka-crush?” tanong ko. “Crush? Saan mo naman nalaman ang salitang 'yan?” asik niya sa akin. “Narinig ko 'yong kaklase ko na may crush daw siya.” pag-amin ko. “Hindi pwede, naiintindihan mo ba? At saka hindi bat sinabi ko sa'yo na huwag kang lumangoy sa dagat at labis akong nag-aalala!” ”Tatay naman!” amok ko ng umakto siyang papaluin ako sa aking pwet. Naramdaman ko ang pag-init ng aking pisngi nang nasulyapan ko si Gergio na pinapanood ako. Hiyang-hiya ako dahil siya pa naman ang crush ko ngunit sinira ni itay ang imahe ko sa kanyang mga mata. Gusto ko na lamang magtago sa mga korals, maging si Dyesebel dahil parehas naman kaming kulot ang buhok. “Oh, Manong Pepito, heto ang manok. Sinamahn ko na rin 'yan ng malunggay at papaya para naman makapagtinola ka sa bisita mo.” sambit ni tatay Bernisto, ama ni Beverly. Napatalon ako sa tuwa saka niyakap si itay at sinabi, “Itay, sino ho ang bisita natin? Taga-maynila ba?” ”Tumigil ka nga, Amara---” Hindi na niya natapos ang kanyang sasabihin nang magsalita si Tatay Bernisto. “Nako, iha, mukhang taga-siyudad 'yon. Kulay gatas ang balat, mukhang anak mayaman.” sagot ni Tatay Bernisto. “Talaga? Bakit tayo may bisita, itay? Aalis ka po ba para pumunta sa siyudad ulit?” tanong ko na naman. “Itigil mo ang kakatanong. Mabuti pa ay umuwi na tayo dahil ayaw kong magkasakit ka.” Hindi niya man lang sinagot ang tanong ko at naglakad papalayo sa akin. Kagat-labing pinanood ko lamang si Itay, mukhang wala siya sa kondisyon na makipag-usap sa akin. “Itay, patawad na po! Hindi ko na uulitin.” malungkot na bulong ko habang sinusundan siya. Nangingilid ang aking mga luha nang lumingon siya sa akin. “Huwag mo ng uulitin. Ikaw lamang ang naiwan sa akin ng nanay kaya baka hindi na ako mabuhay kung mawala ka rin sa akin.” Napabuntong-hininga siya bago niya binigay ang malunggay sa akin. “Pinagmamalaki ko sa bisita natin kung gaano ka kasarap magtinola kaya galingan mo. Huwag mo akong ipapahiya.” dagdag niya. Napanguso na lamang ako ngunit hindi na nagkomento. Dumiretso siya papunta sa likod na parte ng aming bahay upang katayin ang manok at mabilis naman akong dumiretso sa aking kwarto upang kumuha ng aking bestida. ~ “Tawagin mo na ang bisita natin. Alam ko na gising na siya.” utos sa akin ni Itay. Hindi na lamang ako nagreklamo at dumiretso sa kanyang kwarto. Natigilan ako ng nakita ko ang isang magandang lalaki na nakatingin din sa akin. Napalunok ito ngunit bakas ang malamig na emosyon sa kanyang mga mata. “Kuya, ako ho si Amara, ipinapatawag po kayo ni itay.” nahihiyang bulong ko. Napayuko na lamang ako nang tumagal ang kanyang mga mata sa akin. “Where is Manong Pepito?” matigas na ingles na tanong niya sa akin. “N---No English...” nauutal kong sagot. Naramdaman ko ang pagkawala ng kulay sa aking mukha. Nag-aaral man ako ngunit hindi naman gaanong napagtutuunan ang ingles sa aming klase. “Really?” dahan-dahan umangat ang gilid ng kanyang labi na parang natutuwa siya sa pagiging tanga ko. “Nasaan si Manong Pepito?” “Kuya---” “My name is Ismael De Buenavista. You can call me Ismael.”

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD