bc

Between Love and Contract [Isla Paraiso 1]

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
billionaire
forbidden
HE
dominant
heir/heiress
drama
bxg
bold
like
intro-logo
Blurb

Dalawa lamang ang tanging kagustuhan ni Amara Rodriguez, iyong ay ang makatungtong sa Maynila at makaalis sa Isla Paraiso na kanyang kinalakihan. Gagawin niya ang lahat upang makuha ang gusto niya kaya nang dumating si Ismael De Buenavista, isang dayo na isinalba ng kanyang tatay ay nahulog na ang loob niya sa binata.

Isang masamang siglo ang naganap sa Isla Paraiso na naging dahilan upang kupkupin siya ni Ismael at gawin siyang nakababatang kapatid, na lubos niyang hindi matanggap. Dahil sa labis na desperasyon ay ginawa niya ang lahat upang makuha si Ismael at maagaw sa kanyang papakasalan.

Sa pagtungtong niya nang ikawalong gulang, isang masamang balak ang kanyang ginawa na naging dahilan upang magalit sa kanya si Ismael at labag sa loob na pinakasalan siya.

chap-preview
Free preview
Panimula
“1 million pesos for her!” Nanginginig ang aking mga kamay habang tinitingnan ang mga lalaking handang maglabas ng malaking pera para sa amin. Lihim akong napabuntong-hininga saka hinawakan ng mahigpit ang aking kamay. Hindi ko mawari kung uuwi ba ako ng luhaan o hahayaan ko na lamang na masira ang aking dignidad. Dignidad? Mayroon pa ba ako no’n? Pagkatapos lumipas ang limang taon ay wala na yatang respeto na natitira sa akin. Isang sikreto na aking itinatago, isang sikreto na gusto ko na rin kalimutan. Wala na nga yata akong dignidad dahil kahit anong pilit ko na magtrabaho para lamang mabuhay ay hindi pa rin sapat. Siguro nga, tama lang yata na gawin ko ang bagay na ito. “Come here!” tawag sa akin ng host. Marahas niya akong tinulak papunta sa gitna saka umirap at bumulong, “Ayusin mo! Hindi ba kailangan mo ng malaking pera ngayon? Tandaan mo, fifty percent ang sa’yo kaya dapat makakuha ka ng matandang lalaki na malapit nang mamatay.” Napangiwi na lamang ako sa kanyang sinabi. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit sigurado siya na magiging mabenta ako. Karamihan ng babae yata na nakapila ngayon ay virgin pero ako lang yata ang hindi. “She’s the best woman tonight. Maganda, seksi at saka inosente. I know most of you gentlemen likes a woman like her!” pagbebenta niya sa akin. Daig ko pa ang isang produkto na kailangan niyang ialok sa lahat dahil kailangan niya ng incentives. Naglakad siya papaikot sa akin habang nakangiti. “Ang start bidding ay 5 million pesos!” anunsyo niya na ikinalaki ng aking mga mata. Naging tahimik ang buong bidding room na parang hindi sila makapaniwala sa presyo ko. Hindi ko rin maintindihan kung bakit ganoon na lamang ang presyong napagdesisyonan nila sa akin. Kung tutuusin, malaki na ang limang milyon ngunit paano kung walang may gusto? Hindi ko mapigilan ang pagpawisan dahil sa labis na kaba. Daig ko pa ang natatae ngunit hindi available ang toilet seat. Inabot na yata ng limang minuto ngunit wala man lang nagtangka na bumili sa akin. “Ano bang ginagawa mo, Raymond? Hindi ba usapan natin na dapat ay---” Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang may sumigaw. “10 million pesos sa isang gabi!” sigaw ng isang lalaking sanggano. Hindi ko mawari kung dahil ba walang ilaw ay parang hindi ko na siya makita. Daig niya pa ang isang aninong kapre na nagtutobako sa isang gilid. “Wow, 10 million pesos!” hindi makapaniwala na bulong sa akin ng baklang si Raymond. “Ayaw ko sa kanya! Nakikita mo ba na nakakatakot siya?” singhal ko. “Gaga ka! Pasalamat ka nga handa siyang magbayad sa’yo ng sampung milyon para lang sa isang gabi. At saka blessing na ‘yan siguro na malaki taguro niya!” natutuwang komento niya. Napalakad ako papatalikod dahil sa kanyang sinabi. Alam ko kung ano ang taguro na tinutukoy niya. Lintek siya! Hindi porke ay sanay na siyang mag-ice cream kung kani-kanino ay ihahalintulad niya na ako sa kanya. “Alright, mukhang wala na yatang balak na bumili sa’yo. For 10 million pesos ay sa’yo---” hindi na natapos ni Raymond ang kanyang sasabihin ng may sumigaw ulit. “20 million!” Parehas kaming napasinghap dahil iisipin pa lang namin ang porsyentong makukuha namin ay handa na kaming mamatay. Si Raymond ay umaktong mahihimatay ngunit napatikhim ito nang pinandilatan siya ng manager. “Wala na bang last offer?” tanong niya, tunog naninigurado. “30 million dollars!” Halos napigil ko ang aking hininga nang narinig ko ang lalaking iniiwasan, tinataguan ko. Si Ismael De Buenavista ay ang anak ni Governor Ramon De Buenavista, nirerespeto sa buong lugar ng Alegria. “N--No! Raymond, please, okay na ako sa panget na ‘yon!” takot na sabi ko sa kanya ngunit hindi niya ako pinakinggan. Pigil ang luhang pinanood ko na lamang na umakyat si Jonathan sa stage upang akayin ako papunta kay Ismael. Gusto kong tumakbo at magtago ulit sa malayong lugar. Hindi ko kaya na makausap siya. Wala akong lakas ng loob na ipakita sa kanya na matapos ang limang taon ay wala man lang akong achievements sa buhay ko. “Ask someone to assist her. Make her presentable. Halatang dukha.” galit na turan ni Ismael habang naglalakad siya papalayo sa amin. Napayuko na lamang ako ng aking ulo dahil alam ko naman na ganoon pa rin, ako pa rin si Amara Rodriguez, isang anak ng mangingisda sa Isla Paraiso. Iisipin ko pa lamang na makakasama ko siya sa isang gabi ay nasusuka na ako sa kaba. Pakiramdam ko ay huminto sa pag-ikot ang aking mundo, na ang tanging pundasyon na pinipilit kong buuin ay nawasak. Pinapasok ako ni Jonathan sa isang silid, napaawang ang aking labi nang napansin ko ang isang matandang lalaki na nakaupo katabi ni Ismael. Napangiwi ako sa tuwing lumilihis ang aking skirt dahil sa sobrang ikli. “Sir here, honey! Ismael, you make me the happiest man tonight! Hindi ko akalain na gumastos ka pa para sa babaeng ito.” nakangising anya ng matagal na ikinatakot ko. Kinuha ni Ismael ang wine glass saka ibinigay sa akin. Puno ng kaseryosohan ang kanyang gwapong mukha at may bahid ng galit sa kanyang mga mata. Napasulyap ako sa wine na ikinatigil ko. “Drink this. Kailangan mo ng lakas at determinsasyon ngayong gabi. I want you to please him since I wasted my thirty million dollars just for a garbage like you.” pagalit na turan niya sa akin. Nanginginig ang aking kamay nang kunin ko ‘yon. Namumuo ang aking mga luha habang nilagok ko ng isang lagukan lamang ang wine na ibinigay niya sa akin. Pakiramdam ko ay bumalik ay isang alala na gustong-gusto kong kalimutan. Isang alaala na hinihiling ko na sana ay hindi ko na lamang nagawa. “Oh! Aggressive! Possibly, she’s good in bed, too.” masayang sabi ng matanda. Gusto ko na lamang ngumawa, magwala ngunit hindi… kailangan kong lunukin ang natitirang respeto ko dahil kailangan ko ito. “Well, you’re right, she’s good and cunning. Masyadong decieving ang kanyang magandang mukha.” malamig na pagsang-ayon ni Ismael. Napahawak ako sa aking sintido nang naramdaman ko ang unti-unting pag-alog ng aking paningin. Unti-unti sibukan kong tumayo ngunit hinila lamang ako ng matandang katabi ko saka hinimas ang aking braso. Daig ko pa ang lalagnatin dahil sa labis na init sa aking katawan.. Napalingon ako kay Ismael nang tumayo siya at saka naglakad papunta sa pinto. Tumingin siya sa akin ng puno ng pag-uuyam. “She’s all yours tonight. You know the only one rule, I want her to remain breathing tomorrow because I’m not yet done with her.” dagdag niya, “Kuya Ismael!” sigaw ko sa kanyang pangalan.

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook