Episode 4

1851 Words
ANASTACIA POV "You don't have the right para pangunahan ako kung ano ang magiging decision ko!" Galit na galit na sabi ni Philippe sa akin. Nalaman niya ang ginawa ko. Sinabi ko na magpapakasal na kami ni Philippe akala ko matutuwa siya sa ginawa ko. But I was wrong. He was furiously mad at what I did. Ano naman masama sa sinabi ko na magpapakasal na kami? Para na nga kaming couple. We dated and were constantly together, even when we were out of town. Kahit hindi man niya sinasabi na mahal niya ako nararamdaman kong he cared for me. " Bakit wala ba akong karapatan? Ako ang girlfriend mo! Doon naman ang punta ng relasyon natin!" sagot ko sa kanya. Ako na ang nag-assumed na girlfriend niya ako. Kahit walang level ang relasyon namin. Hindi pa ba patunay ang pagiging close namin sa isa't-isa? We even kissed many times. Napahilamos ng mukha si Philippe na parang nawawalan na ng pasensya sa akin. Napatingin siya sa akin. Ayokong isipin na mas mahalaga ang babaeng iyon kaysa sa akin. Ako ang girlfriend niya hindi si Alessandra! "I want to stop this; I can't continue this relationship; I'm sorry." Umawang ang labi ko sa sinabi ni Philippe. Ganoon lang ba 'yon? Para bang mabubura ang sakit na nararamdaman ko sa sorry niya lang? Bullshit! Nagkapira-piraso ang puso ko sa narinig mula kay Philippe. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi niya. Para bang tumigil ang pag-inog ng mundo ko. Hindi matanggap ng sistema ko ang sinabi niya. Hindi ako naniniwala baka nagbibiro lang siya. "Tell me you're joking, Philippe." Hinawakan ko ang kanyang braso. He just looked at me na para bang awa lang ang nararamdaman niya sa akin. "Why? H-hindi mo na ba ako mahal?" tanong ko sa kanya. Umaasa akong sasabihin niyang mahal niya ako. Dahil kung hindi , hindi ko matatanggap. Nangilid ang mga luha ko sa mata. Malalim itong napa buntonghininga. Napayuko si Philippe. "I-I'm sorry. I tried to love you, but... but I don't feel enough for you to enable us to continue this relationship because I have a lot to fix in my life that I have to focus on. I don't want to fool you anymore," he stated. So he just used me para maging panakip butas niya habang wala si Alessandra. Ako naman si tanga nagpagamit naman. I was blinded by my feelings for him. Napakuyom ang kamao ko. I walked up to him and slapped him on both cheeks. I want to hurt him till I'm exhausted. It's not enough compared to what I am feeling right now. He deceived me, he simply played my feelings. Pinagbabayo ko ang dibdib niya. Because I was in so much pain, I sobbed.Ang tanga tanga ko. Halos mapagod ako sa kakabayo sa dibdib niya. I want to punish him for giving me pain! I wept and cried till I was exhausted. Napasalampak ako sa sahig. I felt bad for myself because I had been fooled by this damn love. He deceived me. He just took advantage of me. I love him, but this is all I got. I get to my feet and face him. Isa pang malakas na sampal ang ginawad ko. Nanggigil ako sa galit. " Napakawalanghiya mo! Bakit ginawa mo sa akin ito! Manloloko ka! Pinaasa mo lang pala ako! Nagkulang ba ako sa iyo?! Ibinigay ko naman lahat. Minahal kita!" galit na sigaw ko sa kanya. Halos hindi ako makahinga sa  galit na nararamdaman ko. Nanginginig ang buong kalamnan ko dahil sa galit sa kanya at kay Alessandra. Napalayo ako sa kanya. I tightened my fist. " I'm sorry hindi ko sinadya na saktan ka. "I swear," he said as he reached out to touch me. I shook his hand and stepped away, my makeup almost smeared over my face, but I don't care if I look like a witch. Tears welled up in my eyes. Nagmahal lang naman ako bakit ganito ang kapalit? Is it possible that I am incapable of love? Sobrang sakit. " Si Alessandra ba?! Siya ba ang babaeng ipinalit mo sa akin?! Hindi ko matatanggap. You are mine Philippe. Walang babaeng makakaagaw sa iyo!" hindi ako makakapayag na maagaw si Philippe sa akin. Magbabayad ang babaeng iyon. I turned away from him and exited his office. HALOS sumabog ako sa galit. Halo-halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. He is breaking up with me because of that b***h! Nagmukha akong tanga dahil parang ako lang ang nagmakaawa sa relasyon na ito. Lumabas ako sa opisina niya. Napahinto ako paglalakad nang makita ko ang punot dulo ng lahat. Dahil sa kanya nasasaktan ako ng sobra ngayon. Inilang hakbang ko ang pagitan namin. Walang sabing hinablot ko ang kanyang buhok. Kaya hindi niya napaghandaan ang ginawa ko. Doon ko binuhos lahat ng galit ko para kay Philippe. " You b***h!" Napaluhod si Alessandra nang ingudngod ko siya. Itinayo ko siya at ginawaran ng malakas na sampal. Gusto kong maramdaman din niya ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Nang dahil sa kanya hiniwalayan ako ni Philippe. Halos mapaigik na si Alessandra dahil sa pagsabunot ko sa buhok nito. Hinawakan niya ang braso ko para tanggalin ang kamay ko na nasa buhok niya. Ngunit hindi ko hinayaan na makawala siya sa pagkakahawak ko. Dahil sa pagngudngod ko sa ulo niya sa lamesa. Nauntog ang ulo ni Alessandra. Napaiyak na siya sa ginawa ko. Dapat lang sa kanya ang masaktan. Walang sasakit pa sa ginawa nila sa akin! " Oh s**t! " Napamura ang taong dumating. Walang iba kung hindi si Henry. Hinawakan ako ni Henry sa kamay para ilayo kay Alessandra, nabitawan ko siya. Mas lalong umapoy ang galit ko dahil isa pa itong si Henry. Kinakampihan pa ang babaeng mang-aagaw! " Get off her baka makalimutan kong babae ka!" galit na sigaw ni Henry sa akin. Hinarap ko si Henry. " Bakit mo ipinagtatanggol ang babaeng 'yan! Dahil sa kanya sinaktan ako ng kapatid mo! Malandi siya! Mang-aagaw ka!" dinuro ko si Alessandra. Susugod sana ako pero hinawi ako ni Henry at pumagitna sa amin ni Alessandra. Hindi ko inaasahan ang ginawa niya sinampal niya ako. Halos mapaluhod ako sa lakas ng pagkakasampal niya sa akin. Napahawak ako sa pisngi ko, pakiramdam ko namanhid sa lakas ng pagkakasampal niya. Napakuyom ako ng kamao. Napakasama nila bakit nila ako sinaktan ng ganito? Hindi ko deserve ang treatment na ganito. Sumusobra na sila. " You deserve that wala kang karapatan saktan si Alessandra. Dahil wala naman siyang ginagawang masama sa iyo! You should place blame on my brother, not on her!" sigaw ni Henry sa akin. Tumayo ako at hinarap sila. " Magbabayad kayo sa ginawa niyo sa akin. Ikaw b***h hindi pa tayo tapos!" pagbabanta ko sa kanila. Umalis na ako dahil parang sasabog na sa sakit ang dibdib ko. Pagkalabas ng elevator pinagtitinginan ako ng mga taong nasasalubong ko. Awa ang nakikita ko sa kanilang mga tingin. Hindi ko kailangan ng awa nila. Umiiyak akong lumabas ng building. HINDI ako lumabas ng ilang araw sa bahay. Nagkulong lang ako sa silid ko. Ayokong makisalamuha sa kahit na kanino. Hindi na din ako pumasok sa opisina. Para ano pa walang kapatawaran ang ginawa nila sa akin. Nag-resign na din ako sa trabaho. Ano pa ba ang gagawin ko doon? Pasasakitan ko lamang ang sarili ko kung ipagsiksikan ko pa ang sarili sa lalaking walang puso. Gusto ko sanang bawiin ang pinagawa ko kay Kuya Gavin pero hindi ko na binawi. Ayoko nang ma-involve pa sa kanila. Hindi sila worth sa oras ko. Pinahid ko ang mga luha ko. Hindi ko dapat pinag-aaksayahan pa ng panahon ang lalaking nanakit sa akin. Hindi niya deserve ang iyakan. Dapat sa kanya kinakalimutan. Magmula sa araw na ito hinding-hindi na ako iibig. Dapat sa mga lalaki niloloko lang. They don't deserve my love. Pinahid kong muli ang luha kong walang katapusang ang pag-agos sa mata ko. TREVOR POV Nakita ko si Anastacia mag-isang nakaupo sa stool. Bakit umiinom na naman siya? Kailan lang nakita ko siyang nagpapakalasing. Dahil na naman ba sa Philippe na 'yon? Hindi siya worth na iyakan. Wala siyang kuwenta! Nagpasya akong lapitan si Anastacia. "Would you like some company?" napatingin siya sa akin. Kita na ang pamumula ng pisngi ni Anastacia dahil sa kalasingan. "No, go away! I don't need you or anybody else! Mga masasama kayo sasaktan niyo lang ako!" pagtataboy niya sa akin. Sumenyas ako sa bartender para bigyan ako ng isang shot. Binigyan ako ng isang shot ng bartender. Kilala na ako dito kaya alam na ng bartender kung ano ang iniinom ko. Tinungga ko iyon tsaka nagsalita. Naawa ako sa kanya. Makita ko lang Philippe na 'yon masasapak ko talaga kahit Kuya pa siya ni Henry. He's a jackass. " Would you mind telling me what's on your mind?" Gusto kong ipakita sa kanyang narito ako para pagaanin ang mabigat niyang dinadala sa dibdib. Pangungulit ko kahit alam kong itataboy lang niya ako. Napabaling sa akin ang tingin niya. Namumungay ang mga mata niya dahil sa kalasingan. Napatawa ng malakas si Anastacia.  " You know puwede ka na. Why not? " My brow wrinkled in response to what she said; what does she mean? " What do you mean?" tanong ko. Napaharap siya sa akin. Nabigla ako nang haplosin niya ang pisngi ko. Napalunok ako ng magtama ang aming mga mata. I like her eyes. Noong una kong nakita si Anastacia nabighani na ako sa kanya, hindi dahil sa maganda siya dahil siya ang tinibok ng puso ko. Unusual sa akin ang ma love at first sight. Dahil ito ang una na nagkaroon ako ng damdamin sa babaeng una ko palang nakilala. Iba na ang naramdaman ko sa kanya. Hindi lang basta paghanga ito para sa akin this is love. Alam kong kalokohan na masabi na unang kita palang love na kaagad ? Napaigtad ako ng haplusin niya ang labi ko. Napatitig ako sa kanyang mata. I took a deep breath and swallowed. " Kiss me" utos niya sa akin. Nabigla ako sa utos niya. Hindi na ako nag-aksaya ng sandali. Sinunod ko ang utos niya. Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanyang mukha. Napapikit ako ng maglapat ang aming mga labi. Parang may fireworks na sumabog sa kaibuturan ko. Napahawak ako sa kanyang leeg ng marahan ko siyang hinalikan. Sa una tantiya lang hanggang sa lumalim ang halikan namin. We don't care if we have audience. All I care is i am kissing the girl i really love. We parted our lips to catch our breath. Namumungay ang mata namin habang nakatitig sa isa't isa. " I want you" sabi ni Anastacia sa akin. Alam kong lasing na siya hindi na alam ang sinasabi niya. Ngunit inudyaukan ako ng sarili ko na pumayag sa kagustuhan ni Anastacia. Hindi ko alam kung bakit pumayag akong pagbigyan siya. Marahil dahil gusto ko din naman talaga. Napatango ako. Isang matamis na ngiti ang ibinigay sa akin ni Anastacia. Ngunit parang kinabahan ako sa nakita kong ngiti na sumilay sa kanyang labi.Copyright © 2021 by coalchamber13
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD