Episode 3

1892 Words
ANASTACIA POV Pagkalabas ng elevator mukha na kaagad ng Sekretarya ni Philippe ang nabungaran ko. Sumama na naman ang araw ko. Siya ang lagi nagpapasama ng maganda kong aura at araw. Napasulyap ako sa malaki niyang tiyan. Hindi kaya nahihirapan ang babaeng ito at kahit super big na ang tummy niya nagwowork pa din? O baka naman ayaw niya pang magleave dahil binabantayan niya si Philippe? In her dreams na maaagaw niya sa akin si Philippe. He is mine! Pero balita ko ngayon palang nagfile ng leave si Alessandra. My god sa tingin ko manganganak na siya dapat 7 months palang nagfile na sya. Mukhang ilang araw na lang yata manganganak na ang babaeng ito. Ano nga ba pakialam ko sa kanya? Inayos ang buhok ko. Napatingin si Alessandra sa akin tsaka ngumiti ngunit tinaasan ko siya ng kilay. Napaka plastic niya akala naman niya madadala niya ako sa pagngiti. Nagkukunwari pang mabait if I know sa loob niyan masama ang ugali niya. I'm so thankful mawawala ng mga ilang buwan si Alessandra. That's the time na makukuha ko na si Philippe. Gagawin ko lahat mapasa akin lamang siya. Pumasok na ako sa loob ng opisina ni Philippe. Napangiti ako nang makita ko siya na busy sa ginagawa niya. " Good morning Phil!" bati ko sa kanya. Napaangat siya ng tingin. Napangiti din siya sa akin ng makita ako. Lumapit siya sa akin at hinagkan niya ang pisngi ko. " Good morning." He greeted me. Pinaupo niya ako sa sofa. Napasulyap ako sa ibabaw ng lamesa ni Philippe puno ng mga papeles. Kawawa naman siya umaga palang mukha ng stress si Philippe sa trabaho. Napaismid ako ng makita kong pumasok si Alessandra. May ibinigay na folder kay Philippe. Napansin kong todo ang titig ni Philippe kay Alessandra. Hindi naman napapansin ng isa. May kung anong kirot sa puso ko dahil hindi ginagawa ni Philippe sa akin iyon. Kaya sagad hanggang langit ang galit ko lay Alessandra. Ano bang meron ang babaeng ito? Napaka plain lang niyang tingnan. Ni wala kang special na masasabi sa kanya kung hindi simple, period. Hindi ko man aminin pakiramdam kong may pagtingin si Philippe kay Alessandra. Nandoon ang tingin niyang malagkit at para bang ayaw na niyang bitawan sa tingin palang. Binabalewala ko lamang iyon dahil ayokong isipin na meron na nga. Mas lalo ang pagpupuyos ko ng galit kay Alessandra. Sa isipan pinapatay ko na siya. 2 months later Dalawang buwan ang lumipas naging malapit kami ni Philippe to the point na parang may relasyon na kami o ako lang nag-aassume na meron. Kahit hindi man aminin ni Philippe na si Alessandra ang hinahanap niya sa presensya ko, nilunok ko ang pride ko para lang makuha ang loob niya. I did try to get his heart but I failed.  Lagi na lang tanghali kung pumasok si Philippe at kung uwian maaga naman umuuwi. Hindi ko alam kung saan siya pumupunta. Naiinis ako kapag naiisip kong sa babaeng iyon siya pumupunta. Sa sobrang bad trip ko kay Philippe I always ended up in the bar para mag-inom. Gusto kong makalimot at maibsan ang nararamdaman kong sakit. I know I am desperate to love someone who has no value to me and to my feelings. He doesn't even care about me. Ano bang kulang sa akin. I have everything a man wants. I turned to the man who spoke. I rolled my eyes. Siya na naman. Bakit ba sa lahat ng bar siya ang lagi kong nakikita. Is he following me wherever I go? "Hello there, darling. It's good to see you again." I ignored him and kept sipping my beverages. " Please contact me if I can help you in having a good time." Mukha kang namatayan ha?" sabi nito. Then he laughed. His laughter was annoying my blood boiled even more for him. I turned to him and gave him a sharp glance. " Just leave me alone. I don't need a company today. I just want to be alone! Don't you understand that?!" I growled at him. Instead, na umalis he stayed and ask a liquor in the bartender. Because of him, I've lost a lot of patience.Ayoko pa naman sa lalaking makulit. But he did not leave he just sat next to me. I gasped. Gaano kaya kakapal ang mukha nito? My god hindi man talaban sa kasungitan ko. Napatingin ako kay Trevor. Why don't I try to have fun with this guy? That's not that awful. "Are you always available?" I asked about him. With his expression amused, he glanced at me. I locked my gaze on him. Ngayon ko lang napagmasdan ang buo niyang mukha. Napaka guwapo niya pala talaga. Hindi ko lang napapansin dahil sa inis ko sa kanya. Mayroon siyang magandang mga mata na may mahahabang pilik mata. Daig pa yata ako. May matangos na ilong at may makinis na balat.He gave a big grin. "No, it does not. I always come here when I just want to unwind. Are you always available? Balik tanong niya sa akin. "Yes, because I want to drink to get rid of my resentment." When I consume alcohol, I temporarily shed my melancholy and feel better." ininom ko ang margarita na inorder ko sa bartender. "Is it possible for me to accompany you? Don't be worried; I'll be OK. You're my sister's bestfriend, therefore I'm not going to get into a fight with you." He stated. He smiled, which made him even more attractive. I grin. " Cheers!" We chucked our glasses, I said. NAGULAT ako ng pagkalabas ko ng elevator nakaabang na si Trevor sa may lobby ng building. Tumayo siya sa kinauupuan niya na nasa waiting area at sinalubong ako. " Hi" tipid na bati niya sa akin. Nakapamulsa ang dalawang kamay sa bulsa niya. "What exactly are you doing here?" In astonishment, I asked. I didn't say anything about where I worked. Lumingon ako at napatingin sa may bandang elevator baka naroon si Philippe makita niya akong may kausap na lalaki. When I was certain there was none, I returned my gaze to Trevor. "I'd like to extend an invitation to you to dinner. If that's all right with you?" I let out a deep sigh. Nothing was wrong with his being my friend, but pinagbigyan ko lang siya last time. Pero mukhang akala niya ayos na kami. " Okay" I agree. Wala naman akong magawa para tumanggi nandito na siya alangan naman ipagtabuyan ko pa. " Magconvoy na lang tayo." I suggested. Hindi naman ako puwedeng sumabay sa kanya I have my car. He nodded at my suggestion. Pagkarating ko sa parking lot napansin ko ang gulong ng harapan ng kotse ko. Flat. Napatampal ako sa noo ko nakalimutan kong ipaayos ang gulong ko kanina. Dahil sa kakaisip kay Philippe hindi ko na naalala na dalhin ang kotse sa talyer. I turned to Trevor who was looking at me. I approached him. I scratched the edge of my eyebrow. " I think makikisakay na lang ako sa iyo. Flat kasi ang gulong ng car ko" I gave a weak smile. Trevor gave a wide grin. He opened the door for me and assisted me in entering. Trevor is a gentleman, unlike Philippe, who is uninterested in me. TREVOR POV " Ang ganda ng ngiti natin ah? Care to share?" tanong ni Chris sa akin. " Asshole!" Sabi ko. " Bakit ano naman masama sa sinabi ko? Sino ba ang masuwerteng babae?" siniko niya ang tagiliran ko. Malakas pa naman ang pagkakasiko niya kay napangiwi ako sa sakit. I frowned. " Gago ka talaga ang sakit ng pagkakasiko mo!" I complain. Chris just laughed foolishly. Napailing ako at tinungga ang bote ng beer.  " Si Anastacia ba ang nagpapakislap ng mga mata mo at nagpapatibok ng puso mong mailap?" nagsign pa ito ng papuso na kamay at pinagalaw na parang tumitibok. Natatawa akong napailing sa kalokohan ni Chris. " We are just friends. Hindi pa ako nanliligaw. I invited her to have dinner with me. That is all. Ayoko naman biglain baka lumayo. Pinapaamo ko pa nga dahil sobrang mailap niya. Hindi siya ordinaryong babae na mangitian mo lang bibigay na. She's different." I said. " Well good luck sa pagpapaamo mo sa babaeng tiger." sabi ni Chris sa akin. " Tiger talaga? Asshole!" Sabi ko. Pinuntahan ko sa restaurant ang kapatid ko para dalawin siya. Gusto kong makipag bonding sa kanya. Ilang taon na din na wala kaming bonding na dalawang magkapatid. Naging busy na kaming magkapatid sa aming mga trabaho. I glanced at the table by accidentally when I walked in. Nag-igting ang panga ko. Si Anastacia at ang Kuya ni Henry na si Philippe ay magkasama. Nakita kong hinalikan ni Anastacia sa pisngi ang lalaki. Ang isa naman parang wala lang sa kaniya ang ginawa ni Anastacia. He was a true asshole than us. Lumapit ako sa kanila para istorbohin ang kanilang date. " Hi Mr. Philippe Escobar" bati ko kay Philippe na may pekeng ngiti. Gusto ko siyang undayan ng suntok. Napaangat ng tingin si Philippe. Napangiti siya ng makilala niya ako. "Trevor, it's good to see you again. You are welcome to join us here." Ako, hindi ako masayang makita ka. Isinaisip ko na lang. He invited me to join them. I sat down next to Anastacia. Ang sama ng tingin niya sa akin. " Hindi mo ba kasama si Henry?" He asked me. I shook my head. Hindi ko alam kung saan pumupunta ang lalaking iyon. Madalas may kasamang babae. Hindi na nagbago napaka babaero pa din. " No, may ibang pinuntahan si Henry. I don't know where." napatingin ako kay Anastacia na masama na ang tingin niya sa akin. Baka nainis dahil inistorbo ko ang moment nila ni Philippe. Lihim akong natuwa dahil parang hindi naman nag-eenjoy ang kasama. Nag-ring ang phone ni Philippe kaya nag-excuse siya sa amin para sagutin ang tawag. " Bakit ka narito nang-aasar ka ba? You see, I'm having a date with Philippe then suddenly you pop up para lang mang-istorbo!" inis na reklamo ni Anastacia. "Oh my goodness. Whoah. I just happened to be there to see my sister. I had no idea you and Philippe were dating. Please do not become enraged." Sabi ko. Magsasalita pa sana ako nang dumating si Philippe. " I'm so sorry Anastacia may emergency kasi sa bahay. Mauuna na muna ako." sabi ni Philippe. Bumaling ang tingin niya sa akin. " Trevor ikaw na muna bahala kay Anastacia." humalik siya sa pisngi ni Anastacia at hindi na hinintay na magsalita pa siya. Akmang tatayo na siya nang pigilan ko. " Narinig mo naman sinabi ni Philippe ako na ang bahala sa iyo." Pagpipigil ko sa kanya. " Wala akong pakialam sa sinabi niya. I'm going home! " napabuntong hininga ako. " Okay calm down ihahatid na kita" suhestiyon ko. I hold her hand. " Magtataxi na lang ako! Puwede ba let go of my hand!" iwinaksi niya ang braso nito na hawak ko. Pero hindi ko hinayaan na makawala siya sa pagkakahawak ko. " Ihahatid na kita huwag matigas ang ulo mo." seryosong sabi ko kaya wala ng nagawa ang pagrereklamo niya. Konting pasensya pa Trevor at mapapaamo mo din si Anastacia. Maybe a little bit more effort mapapalambot mo din ang kanyang matigas na puso.Copyright © 2021 by coalchamber13
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD