Chapter Two

1633 Words
Melira’s POV “Oh, bakit hindi maipinta ‘yang mukha mo, anak?” tanong ni Mama Samara sa akin nang makita akong nakasibangot habang nakaupo ako rito sa harap ng vanity table ko. Nagtatanggal na ako ng makeup. Kakauwi ko lang kasi galing sa shooting ng isang TV commercial. The feeling of being tired and then losing something important to me. It’s really annoying. Saan ko kaya nawala ‘yun? Ang pagkakaalam ko kasi ay dala-dala ko pa ‘yun kanina nang sumakay ako sa kotse. “I’m annoyed, Mama. My favorite ballpen, which was custom-made by Papa Melecio for me, is missing,” sagot ko sa kaniya habang nagtatanggal naman ng fake eyelashes. That was a gift from Papa on my birthday. He told me to use it as my signature pen whenever fans would ask for an autograph. Among all the gifts I received, that’s the one I cherished the most, so I can’t bear to lose it. Kapag bigay pa naman ni Papa ang nawawala sa akin, hinayang na hinayang ako. Sobrang love na love ko kasi si Papa. Maka-papa nga raw ako kaya minsan parang nagseselos na si Mama. Eh, mas close kasi kami ni Papa. Mabait siya, hindi gaya ni Mama na habang nagkaka-edad ay nagiging masungit na. Nagiging kagaya na niya si Lola Amara. Nakakaloka. Mag-ina nga sila. Pero, madalang naman akong sungitan ni Mama Samara, kapag lang may nagawa akong sobrang mali ay doon lang siya nagiging dragon, madalas mabait at mapagmahal naman siya kaya love na love ko rin siya. Talagang mas lamang lang ang pagmamahal ko kay Papa dahil kailanman ay hindi pa niya ako napapagalitan. Humawak sa balikat ko si Mama. Hinimas niya ito para mawala ang tensyon na nararamdaman ko. “Don’t worry, ipapahanap natin ‘yan sa mga kasambahay natin. Baka naiwan mo lang kasi sa kung saan,” sabi niya kaya tumango na lang ako. “Thanks, Mama. It’s my favorite. It’s one of the most treasured gifts I received from Papa. I’ll feel really sad if I don’t find it.” “Kung ‘di natin mahanap, puwede namang magpagawa ako ulit. This time, sa akin naman galing,” sabi niya kaya napangiti ako. “Pero bago niyo po gawin ‘yun ay sana makita pa rin ang ballpen ko na ‘yun na minahal ko na talaga. Marami akong ballpen, pero ang ballpen na ‘yun ang hindi ko kayang mawala. Ang lungkot pa rin po talaga kapag hindi nakita ‘yun.” “Fine, magpahinga ka na at alam kong pagod ka. Babalitaan na lang kita kapag nakita na ang ballpen mo.” Bago umalis si Mama ay hinalikan pa niya ako sa pisngi ko. Hay naku, ang laki-laki ko na pero ginagawa pa rin niya akong bata. I proceeded to the bathroom to take a shower. I smiled when I got there. I’m sure Mama prepared my bathtub. It’s already fragrant and foamy. The wine I drink when I soak in here is also ready. Mama really knows my preferences when I want to chill. Kinuha ko ang phone ko. Mag-stalk muna ulit ako kay Nolan Rodrigo para mawala naman itong stress ko dahil sa pagkawala ng ballpen ko. Gusto kong malaman ang ganap sa buhay niya ngayon. Hay, kainis. Gusto ko na talagang lumipat sa kabilang station. Gusto ko nang lumipat sa KDC network para nakikita ko na siya palagi. Bakit kasi sa lahat ng lalaking guwapong artista ay siya ang hindi ma-partner-partner sa akin. Sabagay, isa siya sa star sa kabilang station. Habang ako naman ay sa star din ng LCS Network. Kumbaga, kailangan ng malaking paganap para magtambal kami. Pero alam kong malabong mangyari ‘yun. Magkakaroon lang talaga ng chance kung lilipat ako roon, pero napakawalang utang na loob ko naman kung gagawin ko ‘yun sa LCS Network. Nolan is actually in New York right now. He posted a picture while taking a break and sipping coffee. He looks incredibly handsome. Even in just a white t-shirt, he has such a strong presence for me. They are currently shooting his upcoming movie with Aria Mendoza as his co-star. Si Aria Medonza na balitang-balita na attitude kahit kanino. Hindi ko nga alam kung bakit isa siya sa star ng KDC network eh, sobrang maldita naman niya. Isa pa, halatang-halata raw na patay na patay ito kay Nolan. Panay nga rin daw ang buntot nito kay Nolan na minsan ay kinaiinis na ni Nolan. Ang feeling naman kasi niya masyado. Hindi naman sila, pero kung umasta, akala mo jowa na niya si Nolan. May nabalitaan pa ako na ayaw nito na may nagpa-picture kay Nolan na babae, lalo na kung magandang babe ang nagpa-picture. Binabakuran na niya si Nolan kahit ang totoo ay ayaw naman pala sa kaniya nito. Halatang-halata ang pagiging tanga niya. Updated ako sa mga ganap ng babaeng ‘yun dahil may bestfriend akong artista na taga network nila. Ito ay walang iba kung ‘di si Jelena San Jose. Isa siyang sikat na singer sa kabilang station. Star na star din siya roon dahil isa talaga siya sa pinakamahusay na mang-aawit ngayon na matunog sa buong Pilipinas. May mga bestfriend pa ako na sikat na sikat din ngayon. Ang isa ay vlogger habang ang isa naman ay model. Ang isang vlogger na bestfriend ko ay si Jada Vergara at ang model naman na sobrang sexy na bestfriend ko rin ay si Kaylani Santiago. Excited na nga akong mag sabado dahil aalis kami magkakaibigan. Mag-out of town kami. Binalak naming magpunta ng Baguio para makapag-chill manlang. Siyempre, hindi puwedeng puro trabaho na lang. Kailangan din naming mag-relax. After taking a shower, I dressed up. Before I could even step outside, my manager suddenly called. He told me to check my emails because there’s something I need to sign. I attended to it promptly to avoid my feisty manager, Sir Leo, getting upset again. Paglabas ko sa bedroom ko ay nakasabay kong bumaba sa hagdan ang kapatid kong si Samario na bihis na bihis ngayon. “Where are you going again?” tanong ko sa kaniya. “It’s my friend’s birthday. We’re going to Batangas today.” “Why don’t you have any belongings or even clothes with you?” Minsan, weird talaga itong guwapo kong kapatid. Ganoon pa man ay love na love ko ang bundol na ito dahil kamukhang-kamukha niya si Papa Melecio. Para silang pinagbiyak ng bunga ng puno ng buko. Iisa ang hulma ng mukha at ganoon na rin ang katawan. Silang dalawa na rin kasi ngayong ang mag-partner sa gym. Sabay sila palaging pumupunta roon. ‘Yun ang bonding na nilang dalawa dahil kadalasan ay wala itong si Samario. Sa ngayon, hindi pa masyadong nagpo-focus sa business si Samario, hinahayaan na muna siya nila Mama at Papa na mag-enjoy sa pagiging binata niya, pero kapag nagka-edad na siya, wala na siyang magagawa kundi ang asikasuhin na niya ang mga business namin na sa kaniya ipapahawak. Mabuti na lang at walang reklamo ang bunso kong ito. Mabait at masunurin kasi ito. “Ate, money is the key. Marami namang mall na madadaanan. Doon na lang ako bibili ng mga kailangan ako. Alam mo naman ako, ayoko nang may bitbit palagi,” maarte nitong sagot. Napailing ako. Kawawa ang magiging jowa nitong kapatid kong ‘to. Tiyak na mahihirapan siya sa kaartehan niya. Daig pa niya ako. ‘Yun lang ang hindi maganda sa bunso kong ito, ang dami niyang arte sa katawan. “Come here, Melira. There’s something you need to know,” tawag sa akin ni Mama Samara nang maghiwalay na kami ni Samario. Inaya niya ako sa living area. Naupo kami sa sofa at saka namin pinanuod ang video na kuha sa CCTV sa loob ng kotse ko. As I opened my car window, I saw my ballpen falling out when I flipped through the folder I brought earlier. I sighed in disappointment, knowing that I wouldn't be able to find it anymore. “Kung titignan mo ay isang lalaki na naka-stay sa isang waiting shed ang nakita sa video na naroon sa tapat na kung saan ay pinaglaglagan ng ballpen mo. Kung hindi kami nagkakamali ng driver mo ay maaaring nakita niya o nakuha niya ‘yun,” sabi niya. Harap, likod at dalawang gilid kasi ng kotse ay mayroong camera. “Ugh, it’s frustrating! I couldn’t even see the guy’s face. In the video, I could only see him from the neck down.” There’s really no hope of finding my favorite ballpen anymore. “It’s because of Manong Brent, he drives so fast that’s why my ballpen fell and flew away,” I complained. “Eh, kasalanan mo rin, Anak. Sinabi mo rin kasi sa kaniya na magmadali kayong umuwi at gusto mo nang magpahinga.” Totoo naman, kasalanan ko rin. “Masakit po kasi ang ulo ko, pero bigla namang nawala pag-uwi namin dito. Kaya lang nang hanapin ko na ang ballpen kanina ay bumalik ang sakit ng ulo. Tila wala ng pag-asang makita ‘yun. Nakakalungkot talaga.” “Ballpen lang ‘yun. Oo, regalo nga ‘yun ng Papa mo kaya mahalaga ‘yun sa ‘yo, pero malay mo, may dahilan kung bakit nawala ‘yun. Baka may mission ang ballpen na ‘yun sa ibang tao,” sabi niya kaya napabuntong-hininga na lang ako. I hope that whoever picked it up will cherish my ballpen. But I’ll still hold onto the hope that one day, my ballpen will be returned to me. Whoever that guy is, I hope he knows me. I hope he reads my name written on the ballpen so he can return it to me. Kapag nangyari ‘yun, bibigyan ko pa siya ng pera. Hindi lang ‘yun, makakapagpa-picture pa siya sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD