BB:2

964 Words
Matapos magbihis ni Alexis ay bumaba na siya at dumiretso sa dining room nila. Gulat na napatingin siya sa mga nagwa-gwapohang mga binata. Kung kanina ay dalawa lang ngayon ay limang griyegong lalaki ang nakikita niya. "Oh, apo? Halika na kumain na tayo. Siya nga pala apo this is Seb, Reuchi and Xander mga apo 'yan ng kapatid ko kararating lang din nila," sambit ng Donya. "Hello, ako si Alexis," nakangiting pagpapakilala ng dalaga. "You're beautiful," komento noong Xander. Nginitian na lamang niya ito. Nagsimula na silang kumain ng tumunog ang cellphone niya. Nahihiyang sinagot niya ang tawag at nag-excuse. "Hello Merian saan ka na?" tanong niya sa kaibigan. "Nandito na ako sa labas Alexis, pinapasok na ako ni Mang Lando asan ka na?" balik tanongnito sa kaniya. "Sige, wait lang ha going na ako," sagot ng dalaga. Nahihiyang bumalik si Alexis sa hapag at tumingin sa Donya. "Lola, nandito po si Merian," saad niya rito. Agad naman na lumiwanag ang mukha ng Donya. "Mabuti naman kung ganoon. Papasukin mo na and let her join our dinner," nakangiting saadng Donya. "Sige po," sagot niya. Mabilis na umalis si Alexis at lumabas. Nandon si Merian nakasuot ng mahabang puting palda at long sleeve na puting damit at may belo sa ulo. Si Merian ang bestfriend ni Alexis na ilang taon na lang magiging ganap na madre na. "Merian? Halika na sumabay ka na sa aming kumain ng dinner," nakangiting sambit ni Alexis. "Teka lang, dala mo ba ang request ko?" tanong ng dalaga.Tinutukoy ni Alexis ay ang sampalok na dala ni Merian. "Ah, oo nga pala ito oh," mahinahong ani nito. "Ahy! Ang bait talaga ni, Tito Mayor salamat ah halika na," ani sa kaniya ng dalaga. Kaagad naman silang pumasok sa loob. Mayor sa La Sedilva ang ama ni Merian Contuillo. May taniman kasi sila ng Sampalok na gustong-gusto naman ni Alexis. Agad naman silang pumasok ng dining hall at ang limang pares ng mga mata ay nakatingin sa kanila ni Merian at Alexis. Ngumiti ang Donya at sinalubong ng halik sa pisngi si Merian. Nailang naman agad si Merian nang mapansing nakatitig sa kaniya ang isang pares ng mga mata. "Okay everyone this is, Merian Alinna Contuillo anak ni Mayor Zandro Contuillo. At alam niyo ba ilang taon na lang magiging ganap na siyang Madre." Pagpapakilala ng Donya kay Merian. "I bet you're 24 years old now. You're beautiful bakit ka mag mamadre? Did your first love hurt you?" Napalingon lahat sa sinabi ni Reuchi at mapaglarong ngisi ang gumuhit sa mga labi nina Kleinder at Seb. Si Reuchi ang tipo ng taong masyadong pihikan. Kapag ayaw niya sa tao hindi niya pinapansin. It would be a miracle if he will say something towards a woman. Miraculously, it's Merian a soon to be nun is the fortunate girl. "Reuchi, magmamadre si Merian she's not available anymore," nakangiting ani ng Donya sa apo niya. "She's not a nun yet grandma, I bet If given a chance, I can change her decision," sagot ni Reuchi habang nakatingin nang deritso kay Merian. Napayuko naman ang dalaga dahil nagiging uncomfortable na siya. Nagulumihan naman agad si Merian at ngumiti na lamang si Alexis. Alam niyang masaya si Merian sa pinili niya. Pero kung siya ang magdedesisyon ayaw niyang maging madre si Merian. Gusto niyang maranasan nito ang buhay na may asawa at may anak. Subalit wala naman siyang magagawa, desisyon iyon ng kaibigan niya. "You're not bluffing bro?" nakangiting tanong ni Seb sa kaniya. Nanatiling nakatitig si Reuchi kay Merian na hindi makatinginng deritso sa kanila. "Nagbibinata na ang mga apo ko. Come now hija let's eat," aya ng Donya. Napansinna rin siguro nitong nagiging uneasy na si Merian. Nagsimula na silang kumain, napapansin ni Alexis na panay ang sulyap ni Reuchi sa kaibigan niya. At nakatitig din sa kaniya ang hinayupak na si Kleinder. "So Merian kailan ang punta mo ng Rome?" Pagwasak sa katahimikan ng Donya. "P-po? Sa susunod na buwan na po Lola," sagot ng kaibigan niya. Tumigil sa pagkain si Reuchi at tiningnan si Merian. She laughed with the scenery. Aksidenting napatingin si Alexis sa gawi ni Kleinder at napaismid. Ang sama pa ng tingin sa kaniya. Agad niyang kinuha ang bread knife at iminuwestra na puputulin ang leeg niya. Ibig sabihin na papatayin niya ang lalaki kapaag siya naasar. Kleinder just smirked and saluted her with his middle finger. Mabuti na lamang at hindi sila nahuhuli ng Donya. Paniguradong mapapagalitan sila. "Napaka-arogante talaga. Alam na ngang nasa hapag nag fa-f**k you sign pa. Mabulonan sana," bulong ni Alexis. Kinuha ni Alexis ang sampalok na dala ni Merian at kumuha ng sobrang hilaw. Nang-iinis na kinuha niya ito at nilantakan. Kitang-kita niya kung paano mangasim ang mga mukha nila. Maliban kay Merian at Donya Isabella na sanay ng tingnan si Alexis na kumakain ng sobrang asim na sampalok. Napapalunok sa sariling laway sina Kleinder, Kendrick, Seb, Reuchi at Xander. "Ang sarap talaga. Ang asim thank you talaga sa sampalok Merian ha. Ang sarap parang suka na sobrang asim. Iyong tipong tutulo ang laway mo sa sobrang asim. Tutulo ang luha mo dahil sa asim nitong taglay," nakangiting sambit ni Alexis at napatawa na lamang si Merian. Sarap na sarap siya sa pagkain samantalang halos isumpa na siya ni Kleinder sa ginagawa nitong pagpapalaway sa kanila. "Yuck! Kadiri ka Seb, tumutulo laway mo," sambit ni Kleinder. "Shut up, Kleinder! As if sa iyo hindi," ani ni Seb at napapalunok ng wala sa oras. "F**k!" mura ng binata. Napa-pahid naman agad sa sariling bibig si Kleinder at.. "You imbecile! Wala naman ah?" inis na sambit ni Kleinder. "Just joking, Mr.Salvi," nakangiting ani ni Seb. TBC zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD