BB:1

1093 Words
"Kanor handa na ba ang lahat?" Maligayang sambit ni Donya Isabella kay Mang Kanor habang pinapaypayan ang sarili. Ngayon na kasi ang uwi ng kaniyang kambal na apo mula sa Australia kaya't sobrang excited siya. Mahigit tatlong taon rin niyang hindi ito nakita dahil abala sa pag-aaral ang mga ito. "Lola pumasok po muna kayo sa loob ang init-init dito eh." Sambit ng isang dalagang matinis ang boses na nakapapak na naman ng sampalok na hilaw. "Oh, Alexis apo kanina ka pa ba dumating?" tanong niya sa dalaga. Naglakad ito palapit sa kaniya at nagmano. "Kararating lang po lola. Hali na kayo ang init na eh," aya niya sa Donya. "Init ka riyan, eh malapit na ngang mag-ala sais ng gabi oh ikaw na bata ka talaga," nakangiting sambit ng Donya kay Alexis. Ang kaniyang tinuturing na apo. Mahigit dalawang taon ng nakatira sa poder niya ang dalaga mula nang mamatay ang mga magulang nito dahil sa sakit sa puso. Gustong-gusto ng Donya na magkaroon ng babaeng apo kaya walang pag-alinlangang kinupkop niya ang dalaga at pinagtapos ng pag-aaral. Kasalukuyang 4th year college na sa kursong business-administration. Mabait si Alexis at masipag, manang-mana sa mga magulang idagdag mo pang masiyahin at sobrang kulit. Sobrang ganda din nito kaya't marami-rami din ang manliligaw niya. Ewan din niya dahil kahit mga guwapo naman ito at may kaya sa buhay ay hindi niya magustuhan. "Lola naman joke 'yun eh," yamot niyang ani. Kahit sa sarili niya alam niyang waley ang jokes niya. Tumawa na lamang ang Donya. Biglang bumukas ang gate at niluwa du'n ang dalawang itim at halatang sobrang mahal na kotse. May nakita pa siyang jaguar sa ibabaw ng kotse at sa isa naman ay RR. Kaagad na kumunot ang noo ng dalaga. "Halika apo, makikita mo na ang mga apo ko." Excited na yaya ng matanda sa kaniya. Maski siya ay kinakabahan batid pa niyang kasing edad niya lang ang mga ito. At sa tanang buhay niya ngayon niya lang ito makikita, sa mga larawan niya lang kasi ito nakikita. Excited din siya kasi sobrang bait daw ng mga ito. Her mouth hanged open as two men entered. Mala griyegong diyos ang mga mukha. Perpektong-perpekto ang pagkakahulma ng katawan ang tangkad at ang sobrang among mga mata. A guy who wore a v-neck gray shirt looked at her side at agad namang binawi ang tingin nito. Samantalang ang isa naman ay di na nag-abalang tingnan siya. Napailing siya habang nakatingin sa mga ito. "Mukhang peyk news ang pagka-mabait ah," ani niya sa sarili. "Alexis! Apo, halika rito ipapakilala kita sa mga apo ko," tawag sa kaniya ng Donya. Agad naman na lumingon sa kaniya ang lalaking naka white long sleeved shirt at kunotnoong tinitigan siya. "P-po?" kinakabahang sagot niya. Sa pagkakataong ito hinugot niya ang kaniyang sampalok sa bag at pinapak. Ganito siya 'pag kinakabahan. Hindi naman niya alam kung bakit ganito ang reaksiyon ng katawan niya. Kinagat niya ang sampalok at nahihiyang naglakad papalapit sa kinaroroonan nila. Lalo pang kumunot ang noo ng binata nang makita ang hawak-hawak niya. "Alexis, I want you to meet my grandsons. This is Kleinder and Kendrick, they're twins but not identically kita mo naman. Mga apo, this is Alexis Julie but you can call her Alexis." Pagpapakilala sa kaniya ng Donya. 'Yung naka gray ay si Kendrick 'yung naka white naman ay si Kleinder. Nadalian oang siya kasi fraternao twins naman ang dalawa. Halos hindi na siya makapagsalita sa uri ng titig sa kaniya ni Kleinder, samantalang si Kendrick naman ay busy sa cellphone nito. Lumingon lamang si Kendrick sa kaniya at nakipagkamay. Samantalang si Kleinder naman ay nakatungangang nakatingin sa kaniya na pumapapak ng sampalok. "Hey ugly, is that tamarind?" tanongni Kleinder, napakislot naman siya nang magsalita ito. Sobrang manly ng boses nito at american ang accent. Kung maka- ugly nga lang kala mo kung sino. Mapapasubo pa yata siya sa pag-e-ingles nito. "Obyos ba? Gago," mahinang sagot niya at bumalik sa kinakain. "Lola? Tomorrow I will be leaving. I'll stay in Manila. My company needs me there," saad ni Kendrick. Parang sa magkapatid ay si Kendrick ang matino. Agad naman na nalungkot ang Donya sa sinabi ni Kendrick. Sa sobrang yaman ng mga ito ang daming business. Nag-aaral pa ito pero may sarili nang naipundar na kompanya. "Don't worry lola, Kleinder and I talked about this already he choose to stay here and manage the Salvi Ranch at Hacienda La Sedilva." "Is it true apo? You'll stay here for good? Thanks God I'm sure magiging mas maayos ang lahat dahil tutulongan ka ni Alexis 'di ba Alexis?" Nakangiting sambit ng Donya sa kaniya. She was surprised upon hearing those words from Donya Isabella. Ayaw man niya ay wala siyang magagawa dahil ito ang legal na apo at tunay na may-ari ng bilyones nitong ari-arian. Tatango na sana siya nang magsalita si Kleinder. "I can manage it alone grandma. I don't need a tamarind girl interfering with my works. Baka ano pang kapalpakan ang gawn niya sa ranch," malditong ani ng binata. Agad naman na bumalatay sa mukha ni Alexis ang pagka-inis sa binata. Pinapak na naman niya ang sampalok kaya't umasim ang mukha ng magkapatid. "Kung makapagsalita kala mo kung sino. Sipain ko kaya ang puwet nitong gagong 'to?" mahinang ani niya sa sarili niya habang nakatingin sa binata. "But if she wants, she can be my personal maid," mapanuksong sambit nito. Napalunok si Alexis habang nakatingin sa binata. Para bang kay sarap jitonggutay-gutayin. Kung bulkan lang si Alexis siguro pumutok na siya sa sobrang inis na nararamdaman niya ngayon. Sinamaan niya ng tingin ang lalaki at pansin niyang nag-smirk lang ang kapatid nito sa gilid. "Lola, magbibihis lang po ako ha at maghihilamos na rin may nakita kasi ang mga mata ko ng isang nilalang na sobrang nakakapuwing baka sakaling mawala ito at nang mapatay ko," nagngangalit ang ngiping ani niya. "Oh sige, apo," nakangiting sambit ng Donya. Ngumiti muna siya sa matanda at inirapan si Kleinder tsaka tumalikod. "Bwesit na lalaking 'yon. Akala mo kung sinong gwapo madapa sana bwesit, ay!" Kinain lahat ni Alexis ang sinabi niya. Talagang masama ang magtanim ng galit sa kapwa dahil muntik na siyang madapa sa hagdan. Lumingon siya sa sala at nakitang nakatingin ang tatlo sa kaniya. Walang sabi-sabing tumakbo siya papunta sa kwarto niya. Nakita pa niyang inismiran siya ng binatang si Kleinder. "Hinayupak talaga!" inis niyang ani. TBC Zerenette
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD