*Mafia Palace*
Dito ginaganap ang mga transaction at pagbibigay ng mga mission sa buong nasasakupan ng Mafia Family. Tulad ngayon, Si Blaire at Ian ang namamahala ng Mafia Palace dahil sa hindi pa kaya ni Bhe at Chris patakbuhin ito. Parehas din hindi aktibo ang dalawa kaya naman napuinta muna ito sa magkasintahan na si Blaire at Ian.
Kakapasok lang ni Blaire sa kaniyang opisina at umupo sakanyang swivel chair. Tinignan ang lamesang puno ng mga dokumento na kailangan ipasa sa araw na iyon. Kumatok ang sekretarya nito upang ipaalala ang meeting niya kasama si Ian at ang Mafia Council.
Pero lingid sa ating kaalaman, ang isa sakanila ay may tinatagong sikreto na makakalutas ng kanilang mga problema sa Mafia.
Blaire’s Pov
Napakadaming kailangan ayusin. Simula nang mawala ang mga Europe para itago si Bhe ay napabayaan na ang Mafia Palace. Transaction was beginning to be illegal and no one stopping the other families for doing it. Nakilala ang Mafia family dahil sa hawak nitong mga gangs pero nang mamatay si ay nagkaron ng di pagkakaisa sa lahat ng gang.
Now, Ian and I are making sure that the Mafia Palace will be cleaned out of these filthy and dirty old hags and bastard. Lahat ay mapapalitan sa mga tungkulin nila at iccut- off ang connection ng Mafia Palace sakanilang pamilya.
Binabasa kong maigi ang mga dokumento patungkol sa mga transaksyon ng bawat pamilya. Mukhang malinis pero hindi ang katulad ko ang mapapaikot nila sa mga illegal na transaksyon nila.
“Blaire, ito na ang mga reports na kailangan mo for the Ching Family. Ito namang isa ay para sa Ferdinand Family. Mukhang hindi maganda ang kutob ko dito” Gulat akong napatingin sa taong pumasok ng aking opisina.
“Hindi ka ba marunong kumatok?” tanong ko dito.
“Ah pasensya na wala sa isip ko. Pero ito na ang mga kailangan mo” paghingi ng tawad ni Ian.
“Salamat, irereject ko ang transaksyon nila pero magpadala ka ng mga assassin na magmamatyag sakanila baka mamaya ay ituloy nila ang transaksyon ng mga goods na to na walang pahintulot galling sa Mafia Palace” pagbibigay ko ng instruction dito
“Okay babe as you wish. May balita ka na ba sakanila?” Tanong nito
“Wala pang ibinibigay ang mga Private Detective ko sa akin. Babalitaan kita sa kung ano man ang balitang matatanggap ko. Huwag ka mag-alala babe. Kaya nilang alagaan ang mga sarili nila. Sa ngayon, hayaan natin sila mag-enjoy at isang linggo na lang ay pasukan na sa DJ Univesity.”
“Salamat babe, tayo rin naman ay pa-graduate na. Excited ka na ba?” tanong nito
“Oo naman, lalo na papakasalan mo pa ako haha” pagbibiro ko dito
Bigla itong natahimik at tila parang kinakabahan. May iniisip? May nasabi ba akong masama?
“Ian? Are you okay? Pinagpapawisan ka maigi. Gusto mo bang lakasan ko ang aircon?” pagalala kong tanong dito.
“Ah eh, ayos lang. Siya nga pala, The American Branch wants to invest in the Mafia Palace. Tingin ko okay lang na payagan ang mga ito since they have been established a good relationship with us for 5 years.”
“Okay, padalahan mo na ng kontrata para ma-i-settle natin ang mga bagay na kailangan nila for them to buy the stocks”
“At saka, gusto ng mga Europe muling bumalik sa paghahandle ng Mafia Palace. Tingin ko magandang Ideya ito. They wanted to buy half of the stocks kasama na dito ang stocks ng mga employees na may atleast 1-5%. Kung i-add ang lahat ng iyon, Europe will own atleast 40% of the stocks plus the 10% of the employees’ stocks”
“I’ll agree on this one. Para siguro kay bhe kaya napagpasyahan nilang bumalik sa pag-aasikaso ng Mafia Palace. To begin with, Europe and Hanston are the ones owned the Mafia Palace. Kasagsagan ng kanilang pamilya ay malago ang Mafia Palace.”
“Mukhang dahil nga kay Bhe, gusto din nila ipagpatuloy ang paghahandle ng mga transaction in and out of the country plus training new assassins na loyal sa atin.”
“Kung ganoon ay unahin na natin papirmahin ang Europe. They will be the new owner of the Mafia Palace. To support this, My Family, Froze will give 10% of our stocks to them para magkaron ito ng Lead sa mga Madrigal.”
“Babe, Madrigal? How much do they own right now?” tanong nito
“They own at least 70% since they are the council. They have the rights to buy most of the stocks to stay in the top. Sa ngayon plano palang ang gagawen ng mga Europe kailangan natin sila mapapirma para tayo ang mamahala ng Mafia Palace” sabi ko dito
“Kung ganoon, ibibgay ng Seuk Ji Family ang 20% ng stocks naming. We own a lot of stocks sa ibang council family kaya magiging malaking tulong ito para sa mga Europe. We own atleast 15% stocks from the Madrigal” sabi nito
“Great! That will be good news sa side natin. Ito na ang mga dokumento. Ipasa mo agad sa mga Europe upang mapirmahan kaagad” sabi ko dito at sabay abot ng mga dokumento.
Humarap akong muli sa aking computer para i-tally ang mga transaction na magaganap sa araw na ito. Nang mapansin kong hindi pa din nakilos si Ian sa kinatatayuan nito. Tumigil ako sa pagtatype at tinignan ito. Malalaking butil ng pawis sa noo, nanginginig na mga kamay, palingon lingon sa orasan. Ano ba naman tong taong to.
“Babe kung natatae ka puwede ka nang lumabas ng opisina ko at pumunta ng banyo. Ibaba mo muna ang mga dokumento dito sa lamesa at bumalik ka pagkatapos” sabi ko dito at muling bumalik sa patatype.
“Ah okay babe. Babalik ako agad” sabi nito.
Lumabas na ito ng opisina. Malamig at tahimik na ngayon subalit ramdam ko ang malungkot na atmosphere dito sa opisina. Sigh, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang buhay si Ian. Di ko rin aakalain na mapagpapatuloy naming ang aming nasimulan. Nakakatuwa lang balikan ang mga alala.
Napangiti na lamang ako habang iniisip ang mga sandali. Narinig kong bumukas muli ang pintuan at iniluwal nito si Ian. Mukhang okay na ito sana lang ay wala itong sakit.
“Babe?” pumasok si Ian muli ng opisina.
“Okay kana ba? Baka naman may sakit ka” pagaalala kong tanong dito.
Tumayo ako sa pagkakaupo at nilapitan ito. Umupo ito sa sofa malapit sa table ko, kumuha naman ako ng tubig at snacks na puwede nitong kainin. Baka mamaya gutom lang ito.
“Uminom ka muna ng tubig may pagkain ako nilagay sa lamesa baka nagugutom ka lang talaga at kaya ka nagkakaganyan?” sabi ko dito.
“Salamat babe, actually di talaga ako gutom at wala din akong sakit. Kinakabahan lang ako sa gagawin ko at baka hindi mo ito magustuhan” sabi nito sakin.
“Gagawen? Baket ano bang meron? Hindi mo naman birthday, hindi ko rin birthday. Malayo pa ang pasko at isang linggo pa bago ang pasukan sa eskwelahan”
Bigla itong tumayo at unting unti iniluhod ang kanang tuhod nito sa lapag. Gulat ako nang makita itong lumuhod at tila ba ay may inaabot sa likod nito. Tinignan ako nito sa mata at sinabi ang mga katagang gusto ko na marinig.
“Blaire Froze, will you be kind enough to accept me as your soon to be husband? Will you marry me babe?” tanong nito at binuksan ang maliit na kahon na naglalaman ng isang singsing na may malaking diyamente sa gitna nito.
Hindi ko na napigilan ang luha at saya na nararamdaman ko. Tinakpan ko ang mukha ko sa sobrang kahihiyan, saya, at kilig. Ayaw ko ipakita kay Ian itong vulnerable side ko pero, I can’t contain the happiness that I’m feeling right now.
“Hush babe, alam kong masaya ka, masaya din ako pero” pagputol nito sa sasabihin niya.
Nakita kong may itinuturo ito gamit ang kaniyang mga labi at tinignan ko ang aking likuran. Lalo akong naiyak sa mga Nakita ko. Kumpleto ang Froze family, Seuk Ji Family, Europe family at ang gang nila Bhe at Chris na may hawak na mga cartonila na may katagang ‘Say Yes!’
“Ano ito? Kanina pa ba kayo andito?” gulat at saya kong tanong.
“Kanina pa kami dito Ate Blaire, sagutin mo na yang si kuya please baka biglang mahimatay sa kaba yan haha” pagbibiro ni GG
Muli ay tinignan ko si Ian, halata nga sakaniya ang kaba at mukhang hihimatayin ito sa kakaintay ng sagot ko. Hindi pa ba obvious? Malamang alam na niya dapat ang isasagot ko!
“Blaire Froze, uulitin ko, will you be kind enough to accept me as your soon to be husband? Will you mary—hmp” hindi ko na ito pinatapos at sinunggaban ng halik. Napuno ng tawanan ang opisina ko at kita sa mga mata nang mga magulang ko ang saya.
“Oo, Yes babe, I will f*****g Marry you!” sigaw ko dito at muli nagsalo ang aming mga labi.
Unang humiwalay sa halik si Ian para ilagay ang singsing sa aking kanang kamay at ring finger. Tinignan ko ito at niligon ang buong angkan naming upang ipagmalaki ang sing sing saknila. Hudyat na ako ay ikakasal na.
“I hope this will never end. I love you babe, Forever Blaire” sambit ni Ian habang yakap yakap ako.
“This will not end I promise, we will have kids of our own and be happy. I love you too babe, Forever Ian” sagot ko dito at niyakap siya ng mahigpit.
We celebrated inside the Mafia Palace, may gazebo dito at malaking garden. Mukhang pinaghadaan talaga ni Ian ang lahat. Paano kung hindi ako sumagot ng Oo eh di nasayang ang mga preparasyon na ito?
Halata naman di mangyayare yun kaya naman eto at nagsasaya ang buong pamilya sa Mafia Palace. Pangako sa angkan ng mga Froze, the Mafia Family will never die, I’ll protect it with my whole life.