*Philippines*
Leo's Pov
Excited na ang lahat pumasok ng College. May isang linggo pa para ma-i-enjoy naman ang natitirang sandali. Kamusta nga ba ang lahat simula nang iwan kami ni Bhe? Hindi lahat ay maayos na natanggap ang pagkawala nito bagkus ang iba ay nagbago. Iba talaga ang epekto ng isang Boss Bhe Hanston.
May biglang pumasok sa Headquarters naming, originally bahay talaga ito ni Chris, isa sa mga bahay niya na namana niya galing sa lolo niya. We decided na ito ang magiging Headquarters ng parehas naming gang.
“What’s up guys?” sigaw ni Kee nang makarating ito sa sala. Nilingon naming ito at kinamayan bilang pag welcome sakanya sa headquarters.
“Ayos naman, inaantay na lang naming dumating si Sam para malaman ang lagay ng mga section natin.” Sabi ko dito.
“Hindi na ba kayo nauumay sa isa’t-isa at nagsama sama nanaman tayo sa iisang section? Haha ganoon ba natin kamahal ang bawat isa?” sabi ni Jace.
Binato ito ni Red ng unan sa mukha at bulls eye! Napuno ng tawanan ang buong sala ng biglang nagbukas muli ang pinto. This time sobrang lakas ng pagkakabukas na tipong masisisra na ang pinto.
“Guys! Nagawan ko ng paraan na maging blockmates tayong lahat!” sabi ni Sam
“How did you even do that? Ano ka anak ng presidente?” sabi ni Zack
Tumawa na lang ito at nagsaya ang lahat at least eh magkakasama pa din kami sa college, Importante din naman na magkakasama kami dahilan ng mga bagong mission na binibigay sa Mafia.
“Thanks Sam, you are the best” Sabi ko dito.
Ano na nga ba ang nangyare samin? TKR at ang GW ay nagkaron ng Unified Sealed Contract kung saan isinasaad na pagsasamahin ang dalawang gang into one at mabibigyan ng bagong pangalan. Hindi nagging madali ang transition due to Chris and Bhe’s disappearance. Dalwang Leader ng gang ang wala kaya naman napagpasyahan naming na magkaroon muna ng Second in Command for the two gangs.
Sam and I leading the TKR and GW decided to have its name replaced by—
“Guys nakuha ko na ang banner at tarpaulin natin!” Sigaw Jess na bitbit ang banner at tarpaulin.
“Uy ang cool nito! May maliit pa tayong flag” sabi ni Red
“Oo para sa mga kwarto natin. Ididisplay kasi natin tong Banner sa basement natin at ang tarpaulin naman ay dito sa sala” pagpapaliwanag ni Jess.
Iwinagayway ni Jake ang flag ng aming bagong simbolo at pangalan. Hindi ko lubos maisip na maari kaming pagsamahin. Parang kailan lang ay magkakaaway ang lahat. Kita mo naman ngayon. Lahat ay magkakasama at nagkakaisa.
“Ang ganda nga talga ng pagkakagawa dito. Sino ang nagdesign?” Tanong ni Princess na bagong dating lang at binusisi ang mga flag.
After mawala ni Bhe, Princess decided to learn more about this world. Since, the Europe Family are from in this lineage may Karapatan si princess na magdecide kung papasukin niya ito o hindi.
“Luna Asteri, Kuya Leo, pano niyo naisipan gawen ganito ang bagong pangalan ng dalawang gang?” Tanong ni Princes.
Yes, our new name is Luna Asteri, Latin word for Moon and Greek word for star.
“I don’t know, it just came up in my mind. Naisip ko kasi ang buong pinagdaanan natin bilang grupo. Thinking na akala natin walang pag asa. Luna Asteri means Moon Star, gives light and hope to people. Guided them in the midst of darkness. Yun tayo, sanggang dikit. Magkalayo man ang isa’t isa, tumingin ka lang sa kalangitan, iisa lang ang buwan at bituin na ating tinitignan” pagpapaliwanag ko.
Biglang tahimik ang paligid na napupuno ng tawanan. May mali ba akong nasabe? Tinignan ko sila isa-isa at tila bang nagpipigil ng ngiti. Ugh, mukhang may mali akong nasabi.
“Guys spit it out. Mauutot kayo jan pag di niyo itinawa yan” pagbibiro ko saknila. Muli ay tinignan ko ang mga ito. Malumay na ngumiti at tumingin sa akin.
“Leo, we know na mhirap pa ang situation na meron tayo. Hindi kami natatawa dahil sa sinabi mo. We are absorbing it. Di naman namin alam na ganoon kalalim ang meaning ng ating bagong pangalan.” Sabi ni Sam.
“I agree with your meaning, pag binabasa ko ang bago nating pangalan, naalala ko ang lahat ng pinagdaanan natin. Si bhe, si Chris, kung paano tayo nagsimula lahat.” Sagot ni Red.
Hindi ko namalayan na may tumulong luha sa mga mata ko. Ah sh*t bakit ba ganito kami ka-sentimental.
“Ayos lang yan kuya. Nagustuhan ko ang bago ninyong pangalan. Pinagisipan at magandan ang kahulugan. Sigurado akong magugustuhan ito ni Kuya Chris at Ate Bhe.” Sabi ni Princess. Tumango ako bilang pag sang-ayon sa sinabi nito.
“Tara tulungan niyo kaya kami magkabit dito?” sabi ni Zack.
Tumulong si Jace, Kee, Jake, At Jess para ikabit ang tarpaulin dito sa sala. Hindi biro ang pinagdaanan ng lahat pero alam naman naming magging ayos lang kami.
Natabig ni Red ang isang kahon na nakapatong sa side table na nakadisplay sa sala. Nalaglag ito at kumalat ang mga laman.
“Ah! Sorry ako na bahala mag ayos nito” sabi nito.
“Ako nang bahala Red, Samahan mo na sila sa basement at baka tabingi ang pagkakalagay sa banner” sabi ko dito. Tumango ito bilang pagsagot at sumunod sa basement.
Pinulot ko isa isa ang mga nahulog na gamit mula sa maliit na box na nakalagay sa side table. Inabot ko ang isang litrato at tinignan ito.
“Kamukha niya talaga Kuya Leo” Gulat akong may bumulong sa kanang tenga ko.
“Princess? Akala ko sumunod ka sakanila sa ibaba. Ginulat mo ako kala ko kung anong multo” pagbibiro ko dito. She pouted at tila naiinis.
“Ang ganda kong multo Kuya Leo. Nakakainis ka!” inis na sambit nito.
“Pero totoo, kamukha niya talaga. Sana maklaro ni Chris ang mga haka haka natin para mapanatag tayo” sabi ko.
Hawak ko pa din ang litrato ng kamukha ni Bhe na ipinadala sa amin nung Kailan. Hindi ko lubos maisip na maaring mangyare ang mga ganitong bagay. Kung totoo ng ana ikaw si Bhe, bakit hindi ka pa bumabalik sa amin?
“Ah natapos din kami!” Sigaw ni Sam. Agad kong itinago ang litrato sa box at muling ipinatong ito sa side table.
“Ipagtitimpla ko kayo ng Juice at ipagluluto ng meryenda” sabi ni Princess.
“Salamat Princess” Sabi ni Kee, ngumiti si princess sakaniya
“Tulungan na kita bunso” sabi ni Sam at tumakbo ito papunta sa kusina.
“Kamusta naman ang mga buhay buhay niyo may balita ba sa iba?” tanong ko sa mga natira.
“Ayos naman ang lahat may contact pa din kami sa 3-Beat.” Sagot ni Jace.
“Ang alam ko lang si Neriah at kumuha ng kurso sa Engineering, Industrial ata yun. Tapos si Denim nagtourism, then si Charry Accountancy at ang huli si Jhovine na kumuha din ng accountancy. Nasa iisang school lang naman tayo kasama sila kaya madalas pa din natin silang makikita” Pagpapaliwanag ni Jake
“Mabuti naman kung ganon. Mukang magagandang kurso ang kinuha ng mga girlfriend niyo” sambit ko.
“Matatalino eh” sabay sabay nilang sabi.
Nagtawanan nanaman ang lahat. Sana parating ganiton sa Luna Asteri. Tamang saya lang, nakakalimot sa kung ano ang nangyari pansamantala.
“Hello Guys! Kamusta naman?” Pasok ng isang lalaki sa sala. Si GG! Ang kambal ni Chris.
“Upo ka pre, ayos lang naman. Si Sam at Princess nasa kusina nag luluto ng meryenda” sabi ko dito
“Sakto pala ang dating ko.” Sabi nito
“Para sa meryenda?” pabirong sabi ni Red at nagtawanan kami.
“Hindi, I have something to discuss” Seryosong sabi ni GG
“Pero bago ang lahat magmeryenda muna tayo at kung pupwede ay huwag na natin isama si princess sa meeting na ito” dagdag pa nito.
Nacurious ako ng bahagya sa gustong sabihin ni GG, may kinalaman kaya ito sa pagiimbestiga ni Chris?
“Kain na! may Nakita akong isang bote ng Sprite sa ref tapos nagtimpla kami ni Ate Sam ng four season na juice. Oh hello Kuya GG” sabi ni Princess nang makalabas sa kusina habang buhat ang banana que at turon. Kasunod nito sis am na may dalang Softdrinks at Juice.
Tumayo ako para kumuha ng baso, pagbalik sa sala ay tahimik na nakain ang lahat. Mga pagod at gutom haha.
“Baket ka naparito kuya GG?” Tanong ni Princess. Hindi kasi basta basta napunta si GG sa Headquarters kung wala itong importanteng gagawen o sasabihin. Kaya nakakapagtaka talaga na nandito ito.
“Tinawagan ko siya kanina Princess, kaso late siyang dumating” pagpapalusot ni Jace.
“Ah oo, tapos narinig ko din na magluluto ka ng meryenda. Tutulong sana ako sakanila.” Sagot ni GG
“Ganoon ba? Hindi ka naman kasi nagagawi dito. Kaya ang weird lang na narito ka. Anyway, enjoy sa food. I have to go. Kailangan ako ni mama sa bahay” sabi nito. Inubos ni princess ang turon na kinakain nya at ininum ang juice.
“Thank you! Balik ako bukas” sabi nito at kumaway habang nalabas sa pinto ng sala.
“Ang bilis ng responde ni Jace, grabe ka” sabi ko dito
“Kinabahan din kasi ako, kaya inunahan ko nang sumagot tong si GG” pagpapaliwanag nito.
“Ano bang meron at bigla kang napadalaw?” Tanong ni Sam.
May hawak na envelop si GG na hindi naming alam kung saan niya ito hinugot. Binuksan niya ito at inilantad ang mga pictures ni Bhe?
“Nakuha ko to sa Private Detective namin na si Detective Tyrone. Kinunan niya ito ngayon lang, sinusundan niya si Chris at yung kamukha ni Bhe, ano nga ulit ang pangalan nun?” tanong nito
“Lorelie” sambit ko
“Yes, at ang report ni Detective sakin ay may iba daw dito sa Lorelie na ito na hindi niya mawari. Nahihirapan na siya sundan ito hanggang sa mansion nila. Bigla kasi najajam ang signal nya pag nalapit ito dito. Halatang may itinatago” pagpapaliwanag nitong muli.
“Alam na ba ni Chris ang mga natuklasan mo?” Tanong ko
“Hindi pa, pero balak ko itong tawagan para sabihin. Ifoforward ko din ang mga litratong ito sakanya. Kinakabahan ako ng sobra. Tinigni ko mali ang imbestigahan ang pamilya niya”
“Pero GG, siguradong sigurado na si chris sa mga balak at gagawen niya. Hindi na natin mapipigilan iyon” sabi ni Sam.
“Alam ko Sam, wala naman mawawala kung pipigilan ko siya kahit desidido na siyang ipursue si Lorelie.”
“Ang Mabuti pa tawagan mo na agad si Chris para maibahagi ang mga nalalaman natin” Sabi ni Red
“mamaya ay tatawagan ko ito pero Mabuti nang alam niyo ang nangyayare kesa hindi” sabi nito
Mukang nasa panganib ang buhay ni Chris. Kung kelan naman talaga magkakahiwalay kami saka pa ito nangyayare.