Chapter 2

2195 Words
Chapter 2 Mag-uumaga na nang magising si Isabella. Pumunta siya sa banyo para umihi, ngunit nang makabalik siya sa kama ay ayaw na siyang dalawin ng antok. Pinagmasdan niya na lang ang nobyo na himbing na himbing sa pagtulog. Hindi na niya tinangka pang buksan ang ilaw tutal natatamaan naman ng liwanag ng buwan ang bahaging iyon ng kaniyang kwarto. "Go back to sleep, Babe," usal ni Leester habang nakapikit ang mga mata. Pinaunan siya nito sa braso at niyakap. Ramdam niya ang init na nagmumula sa hubad nitong katawan. Ipinikit niya na lang ang mga mata at pinilit na makatulog. Mag-iisang oras na ang dumaan pero hindi pa rin siya makatulog. Nauuhaw siya kaya dahan-dahan niyang tinanggal ang braso ni Leester na nakayakap sa kaniyang baywang. Iniwasan niyang makagawa ng ingay para hindi ito magising. Kilala niya ang nobyo, kaunting kaluskos lang ay kaagad itong nagigising at tila isang ninja na laging handa sa anumang labanan. Matagumpay siyang nakalabas sa kwarto nang hindi nagigising ang nobyo. Nagmadali siyang bumaba papunta sa kusina dahil uhaw na uhaw na siya. Habang umiinom ay hindi nakaligtas sa pakiramdam ng dalaga na tila may kakaiba sa paligid. Bigla-bigla ay naging alerto siya, tinalasan niya ang pandinig dahil may kung anong ingay na nanggagaling sa sala. Kabilin-kabilinan ni Leester na huwag na huwag niyang bubuksan ang ilaw para walang makahalata na may tao sa mansiyon. Pero sa ingay na naririnig niya, tila may mga taong naglakas-loob na pumasok sa pamamahay nila. Kahit madilim ay kabisado ni Isabella ang pagkakaayos sa kusina, tinalasan niya na lang ang mga mata at kinuha ang ilang kitchen knife na naroon sa may sink. Kailangan niya iyon dahil hindi niya nadala ang baril. Dahan-dahan siyang lumabas sa kusina at pinakikiramdaman ang paligid. Nasanay na rin ang mata niya sa dilim kaya medyo naaninag na niya ang ilang kagamitan na naroon sa sala. Paatras siyang umaakyat sa hagdan para siguruhing walang nakasunod sa kaniya, nang walang anu-ano'y may bigla na lang may sumulpot na tao sa harapan niya. Akma nitong hahablutin ang kaniyang braso pero naging mabilis ang kilos niya. Inundayan niya ito ng saksak ngunit mabilis itong umatras para maiwasan ang tangka niyang pagsaksak dito. Naaninag niya na malaking lalaki ang umatake sa kaniya kaya hindi siya nagtangkang lapitan ito. Alam niya na mas malakas ito kaysa sa kaniya. Hindi niya maaninag ang hitsura nito dahil natatakpan ang mukha. "Ano ang kailangan mo? Bakit ka pumasok sa pamamahay ko?!" sigaw niya at naghahanda na para itapon ang hawak na kutsilyo. Walang imik ang lalaki kaya itinaas na niya ang kanang kamay at handa ng itapon sa gawi nito ang kutsilyo nang biglang may humawak sa braso niya dahilan para malaglag ang hawak niya. "s**t!" sigaw niya. Hindi niya akalain na may kasama pa ang lalaking umatake sa kaniya kanina. Kapag nagkataon hindi niya kakayanin ang dalawang ito. Bukod sa nanghihina siya ay masakit pa rin ang nasa pagitan ng kaniyang mga hita dahil sa ginawa nila ng kaniyang nobyo. Nasa pangatlong baitang siya ng hagdan at hindi niya alam kung maririnig siya ni Leester kahit magsisisigaw pa siya. "Babe! Help!" sigaw niya at tinalon ang balustre ng hagdan dahilan para mabitawan siya no'ng lalaki. Mabuti na lang at pajama ang suot niya kaya hindi siya nahirapang gumalaw. Nakaluhod ang isa niyang tuhod nang bumagsak siya ngunit bigla siyang inatake no'ng naunang lalaki kaya mabilis siyang tumayo at paatras na dinidepensahan ang mga suntok nito. Nabitawan niya kanina ang hawak na kitchen knife kaya wala siyang magamit laban dito. Halos mawalan siya nang pag-asa nang sabay siyang atakihin ng dalawang lalaking iyon. Panay ang suntok ng mga ito at iniilagan naman niya iyon hangga't kaya niya. Malakas, mabilis ang mga iyon ngunit nababasa niya ang mga kilos ng dalawang iyon. Parehas itim na damit ang suot ng mga iyon, nakatakip ang mga mukha at habang nakikipagpalitan ng suntok sa mga ito ay ramdam niya na tila nakaengkwentro na niya noon ang dalawa. Na hindi ito ang una nilang paglalaban. Nang malingat ang unang lalaking umatake sa kaniya, tumalon siya at sinipa ito sa panga. Bumagsak ito sa sahig sabay sapo ng parteng iyon. Nang walang narinig na boses si Isabella mula sa lalaking bumagsak, kaagad niya itong nilapitan, subalit humarang ang pangalawang lalaki at akmang papatirin siya. Mabilis siyang tumalon para iwasan iyon ngunit mabilis rin 'yong lalaki, nakatayo na ito at inundayan siya ng suntok sa tiyan pero nailagan niya iyon. Mabilis siyang umatras saka tumalikod para kumuha ng buwelo. Hindi niya alintana ang pananakit ng mga hita niya, bagkus ay ipinukos niya ang isip kung paano mapapabagsak ang pangalawang lalaki habang hindi pa nakakatayo ang unang lalaking sinipa niya sa panga. Nang makakuha ng buwelo, ay muli siyang tumalon at sinipa iyong pangalawang lalaki sa dibdib gamit ang kanang paa, kasabay ng pagdapo ng kaliwa niyang paa sa mukha nito. Bumagsak ito sa mahabang sopa at mabilis na sinapo ang nasaktang dibdib. Siya naman ay gumulong malapit sa pag-isahang sopa at doon niya napansin na may isa pang lalaki na prenteng-prente sa pagkakaupo. "s**t!" mura niya sa sobrang pagkagulat. Bakit hindi niya iyon napansin kanina? Tatlo ang lalaking pumasok sa bahay nila, pero ang pangatlong lalaki ay walang ibang ginawa kundi manood lang. Wala ba itong planong tulungan ang dalawa nitong kasama na ngayon ay hindi makatayo dahil sa mga sipa niya? Kahit nararamdaman na niya ang sakit ay kusa siyang tumayo at kinuha ang vase na naroon sa gilid at akmang ihahampas sa ulo ng lalaking prenteng-prenteng nakaupo sa pang-isahang sopa, ngunit mabilis na nakatayo ang lalaking iyon at kaagad na pumasok sa library para magtago. "Babe!" narinig niyang sigaw ni Leester. Nakasuot lang ito ng boxer shorts at sa unang tingin ay sobra ang pagmamadali nito sa pagbaba ng hagdan habang may hawak na baril sa magkabilang kamay. Ini-on na rin nito ang ilaw kaya tumambad sa kanila ang dalawang lalaki na hindi pa rin makatayo. "Ibaba mo 'yan, Babe!" tukoy ni Leester sa hawak niyang plorera. "Favorite vase 'yan ni Tita, huwag mong basagin." "s**t! Pinasok tayo ng tatlong lalaki," saad ni Rose at iminuwestra ang nakadapang dalawang lalaki. "Pumasok sa library 'yong isa. Akin na ang baril, Babe. Nanakit ang paa ko sa mga taong ito. Sesentensiyahan ko ang ulo ng dalawang ito." "Ang lalakas ng mga loob ninyo, ha," nakangising saad ni Leester sa dalawang lalaki na nakatakip pa rin ang mga mukha. Ikinasa na ni Isabella ang baril at itinutok na sa pangalawang lalaki. "Ma'am Isabella, huwag!" Napalingon si Isabella sa pinanggalingan ng tinig. Naroon si Vin sa may pintuan ng library at tila nakikiusap ang mga mata nito ba huwag niyang kakalabitin ang gatilyo ng baril. "Sina Boss Kyle at Boss Tooffer ang mga 'yan." Namilog ang mga mata ng dalaga sa sobrang pagkagulat. "Ano?!" "Anong pinagsasabi mo, Vin?" tanong naman ni Leester. "Kayo ang pumasok...? Damn!" Mabilis nitong tinabig ang kamay ni Isabella para hindi mabaril ang dalawang lalaking nakatakip pa rin ang mga mukha. Napaupo naman si Isabella sa pang-isahang sopa sa sobrang takot at panlulumo. Muntik na niyang mapatay ang dalawang lalaking malapit kay Leester. Hindi niya mapapatawad ang sarili kapag nangyari iyon. "F*ck!" sigaw ni Leester kina Kyle at Tooffer saka walang habas nitong tinanggal ang maskara ng dalawa. "Mga walanghiya kayo! Kamuntikan na kayong mabaril ni Isabella sa mga pinaggagagawa ninyo." Pinagsisisipa nito ang dalawa na iniinda pa rin ang sakit dahil sa mga sipa ng dalaga. "At ikaw, Vin," baling ni Leester sa tauhang kanina pa nakangisi sa dalawa. "Bakit hindi mo man lang pinigilan ang dalawang ito? Alam mo naman siguro na walang mintis ang mga pinapakawalang bala ni Isabella? Paano kung napatay ang dalawang ito?" "Gusto ko lang malaman kung hanggang saan na ang galing ni Isabella, Dude," sagot ni Tooffer. Nakaupo na ito sa sopa hawak ang panga. Katabi nito si Kyle na nakahawak naman sa dibdib at tila sising-sisi sa nangyari. "Mga walanghiya kayo!" sigaw ni Isabella at muling kinuha ang vase at ibinato kina Kyle at Tooffer. "Paano kung nabaril ko kayo?" "Sorry na, Isabella," wika ni Tooffer at dahil alerto sa mga galaw ng dalaga ay mabilis nitong nasalo ang vase saka ngumisi. "Matagal-tagal na rin nang makatikim ako ng suntok at sipa sa fiancee mo, Dude." Matalim na tinitigan ni Leester ang dalawa at pailing-iling na nagsalita, "Kung hindi ko narinig ang ingay dito sa baba, baka patay na kayo ngayon. Damn! Mga wala talaga kayong utak. Anong pumasok sa mga kukote ninyo at bigla n'yo na lang inatake si Isabella, ha?" "I'm sure may pustahan na naman ang tatlong 'yan!" Tumayo si Isabella at tinungo ang hagdan. "Inaantok pa ako. Bahala na kayo riyan." "Tang*na, Kuya," saad ni Kyle nang mawala si Isabella sa kanilang paningin. Hinawakan nito ang mukha saka umiling, "Walang pinagbago si Rose, ang galing pa rin." "Sabi ko na sa inyo, Boss," sabat ni Vin. "Huwag ninyong gugulatin si Ma'am Isabella at may kalalagyan talaga kayo." "Gago ka, Vin," saad ni Kyle. "Hindi mo man lang kami tinulungan ni Tooffer." "Oo nga, Vin," sang-ayon naman ni Tooffer. "Nakaupo ka lang habang nakatingin sa amin. Pinagsisipa na kami ni Isabella pero wala ka man lang ginawa." "Boss naman! Dalawa kayo, mga lalaki pa kumpara kay Ma'am Isabella. Ang akala ko kakayanin n'yo na. Isa pa wala sa usapan na tutulungan ko kayo. Mas malaki ang pusta ko kaysa sa inyo—" "So tama nga si Isabella," kaagad na wika ni Leester kahit nagsasalita pa si Vin. "Nagsipagpustahan na naman kayo." Iniumang nito ang baril sa kapatid. "Kuya naman!" angal ni Kyle. "Ibaba mo 'yan at baka aksidenteng makalabit mo ang gatilyo, paglamayan ako nang wala sa oras." "Lintik ka, Kyle!" sigaw ni Leester sa kapatid. "May atraso ka pa sa akin." Binitawan nito ang baril at akmang susuntukin ang kapatid pero humarang si Tooffer. "Chill ka lang, Dude. Kapatid mo 'yan. Saka ano bang pinagsasabi mong atraso ni Kyle?" "Makalat ang bahay namin ni Isabella dahil iniutos niya sa mga tauhan na manggulo roon. Ipalinis mo 'yon, Kyle, kung ayaw mong matikman ang kamao ko. Lilipat kami ni Isabella sa susunod na linggo." "Kayong dalawa lang, ha," saad ni Kyle sa kapatid. "Huwag ninyong isasama ang kambal." "Mga anak ko 'yon, gago! Natural isasama ko sila!" Tumayo na si Leester at tumungo sa hagdanan. "Init-init ng ulo," bulong ni Kyle. "Akala mo hindi nanggaling sa langit." Narinig ni Leester ang tawanan ng tatlo kaya hinablot nito ang flower vase na naroon sa ibabaw ng grand piano at ibinato sa kapatid ngunit mabilis na nasalo iyon ni Kyle na hindi pa rin maawat sa katatawa kahit may iniindang sakit. "Umayos ka, Kyle," saad ni Leester. "Sa susunod bala na ang lilipad papunta sa gawi mo." Tumalikod na ito at umakyat ng hagdan habang panay pa rin ang tawa ng tatlo dahil sa hitsura ni Leester na akala mo ay sasabak sa kickboxing sa iksi ng suot nitong boxer shorts. "Tang*na," muling saad ni Kyle sa dalawa nang masigurong hindi na nakikinig si Leester. "Dapat pala umakyat tayo sa kuwarto ng dalawa kanina. Sayang." Mahina nitong hinampas ang sandalan ng sopa saka muling nagsalita, "Bago pa naman 'yong cellphone ko, na-video-han ko sana ang mga kaganapan kanina." "G*go!" singhal dito ni Tooffer. "'Yan ang huwag na huwag mong gagawin. Alam mo naman kung paano magalit ang kapatid mo." Magsasalita pa sana si Tooffer pero may narinig silang putok ng baril na nanggagaling sa hagdan. Naroon si Leester at nakatutok ang baril sa kanila. "Hindi ba titigil ang mga bunganga ninyo sa kaiingay?" Muli itong nagpakawala ng bala sa gawi ng tatlo kaya napatalon si Kyle. "Kuya naman!" reklamo nito. "Patayin n'yo ang ilaw at huwag kayong mag-ingay kung ayaw n'yong pasakan ko ng bala ang mga bunganga n'yo." Tumalikod na ito at muling umakyat para bumalik sa kwarto. "I'm sorry, Babe," kaagad na wika ni Isabella nang humiga si Leester sa kama at niyakap siya. "Madilim sa sala at hindi ko sila namukhaan. Kung nagkataon napatay—" "Sssshhh," alo ni Leester sa nobya na kanina pa humihikbi. "Kasalanan nila iyon, huwag mong sisihin ang sarili mo." Ibinaon nito ang mukha sa leeg ng dalaga. "Matulog na tayo." "Sa palagay mo makatulog kaya ako gayong muntik ko ng mapatay ang mga kapatid mo?" Hindi niya mapigilang taasan ito ng boses. "Kung hindi ka makatulog, pwes hindi rin ako matutulog." Ngumisi ito saka bumulong, "Another round, Babe?" Ipinulupot nito ang braso sa katawan ng dalaga at akma ng hahalikan ang mga labi nito nang may marinig silang ingay sa labas mismo ng kanilang kwarto. "Kuya, may medicine kit ba kayo riyan? Wala kaming mahanap sa baba, e." "Damn!" sigaw ni Leester dahil naudlot ang tangka niyang paghalik kay Isabella. Mabilis itong bumangon at tinungo ang pinto. Halos sabunutan nito ang sariling ulo sa sobrang inis. Binuksan nito ang pinto at hinarap ang kapatid. "Damn you, Kyle! Walang gamot dito," saad nito at pabalibag na isinara ang pinto sa sobrang inis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD