Chapter 1

2397 Words
Chapter 1 Hindi maproseso ng kaniyang utak ang nangyayari sa ngayon. Paano nalaman ni Lester na narito siya sa gusaling ito? At bakit ang lakas ng loob nitong halikan siya na tila walang pakialam sa paligid gayong nasa bingit sila ng kamatayan? Hindi pa rin ito tumitigil sa paghalik sa labi niya. Akma na niyang yayakapin ito nang makarinig siya ng putok ng baril kasabay ng paghiwalay ng kanilang labi. Mahigpit siyang niyakap nito at binaril ang taong nagtangkang pumasok sa silid na iyon. Madilim sa gawi nila at kitang-kita nila ang sinumang papasok sa silid dahil doon mismo sa pinto tumatama ang liwanag ng buwan. "Istorbo," usal ni Lester nang matanaw na bumagsak sa sahig ang isang lalaki. Ibinaon nito ang mukha sa kaniyang leeg at nagsalita, "Can't resist that delectable lips of yours." Mula sa leeg pinagapang nito ang labi papunta sa labi niya at namilog ang mga mata ng dalaga nang makita ang pagsungaw ng ulo ng isang lalaki. "s**t!" mura niya at mabilis na kinuha ang baril mula sa kanan niyang tagiliran at itinutok mismo sa pinto. Dalawang bala ang pinakawalan niya kaya hindi naituloy ni Lester ang gagawin sana nitong paghalik sa kaniya. "Well-prepared," komento nito. "I've learned from an expert," tugon niya. Dumapo ang labi ni Lester sa kaliwa niyang pisngi at base sa galaw niyon, alam niyang nakangisi na naman ito. "Let's get out of here," bulong nito. "At baka hindi ako makapagpigil, pasabugin ko ang building na ito kasama ang mga lintik na tauhan ni Drago." "Do that and suffer the consequences. Alam mo ang ugali ni Dad." "At iyon mismo ang iniingatan ko. Galit pa sa akin ang dad mo at ayokong dagdagan pa iyon, pero kanina pa ako kating-kati na magpasabog." "Ano?" bulong niya nang nakakunot ang noo. "Ibig mong sabihin hindi ikaw ang may kagagawan ng pagsabog ng dalawang barko sa pier?" Wala siyang sagot na natanggap dito, bagkus isang bagay ang narinig nilang bumagsak malapit sa kanila. Umusok iyon kaya hinila siya ni Lester papunta sa pinakamalapit na bintana. Tumama ang liwanag ng buwan sa mukha nito kaya nasilayan niya ang piniligilan nitong pagtawa. "Mga baguhan," wika nito at isinuksok sa tagiliran ang hawak na baril. "Hindi nila ako madadale sa tear gas." May kinuha itong tali mula sa sukbit nitong bag. "Don't tell me, 'yan ang gagamitin natin para makaalis dito?" "Yup, Babe. Eighth floor lang ito. Walang-wala ito sa tinatalon kong building noon." "Pero..." "Walang pero-pero, Isabella. Come on, kumapit ka sa akin." Hinapit siya nito sa baywang at tumalon sa bintana kaya napapikit na lang siya sa sobrang takot. First time niyang tumalon sa isang building at nangangamba siya sa kahihinatnan nila. Gusto niya pang mabuhay, pero itong si Leester ay tila gusto ng mamatay. Parang hindi ito natatakot sakaling bumagsak sila at magkabali-bali ang katawan. Niyakap niya ito nang mahigpit at lihim na humihiling na maayos silang makababa. "Babe, narito na tayo," bulong ni Leester. Nakayakap ang kaliwang braso nito sa baywang niya habang nakahawak ang kanan sa tali. Humalakhak ito nang mapansin ang hitsura niya. Mahigpit kasi ang pagkakayakap niya rito at pati ang mga paa niya ay nakapulupot sa baywang nito. "I'm not a tarsier," galit na wika niya para mapagtakpan ang hiyang nararamdaman. "I didn't say you look like one." Nakangisi pa rin ito. Hindi na siya nakapagsalita dahil pinaulanan sila ng bala ng mga kalaban. Mabilis siyang hinila ni Leester papunta sa loob ng building habang panay ang mura. "s**t, s**t, s**t! Wala pa naman akong dalang kotse." Sinuntok nito ang pader. "Damn those men! Hindi pa natuluyan." "May dala akong kotse," saad ni Isabella. "Naroon sa likod, kaya lang may mahihirapan tayong makalapit, makakahalata sila." "Dala mo si Saviour?" "Hindi. Kotse ni Cathy ang dala ko." "Damn! Sa dinami-dami ng kotse na pwede mong gamitin, 'yon pa ang napili mo," wika nito at hinawakan siya sa braso. Binalaan siya nito na huwag mag-iingay habang paunti-unting lumalapit sa nakaparadang kotse. Napabuga ng hangin si Isabella, para siyang nabunutan ng tinik nang makitang matagumpay na nakapasok si Leester sa kotse at pinaandar iyon. "Sakay!" sigaw nito matapos buksan ang passenger seat. Nang makasakay na siya ay mabilis nitong pinaharurot ang sasakyan palayo sa lugar na iyon habang pinapaulanan ng bala ng mga lalaking nakaengkwentro nila kanina. "Ikaw ang nagpasabog ng dalawang barko?" tanong ni Isabella. "Hindi ako, Babe." "Kung ganoon, sino ang may gawa niyon? Sixty caliber lang na bala ang dala ko, Raine. Tamang-tama lang para mapatay ko ang hayop na 'yon. Hindi no'n basta-basta mapapasabog ang dalawang barko. Isa pa, kitang-kita ng dalawang mga mata ko na hindi pa tumatama sa target ang pinakawalan kong bala ay sumabog na ang barko," mahabang paliwanag niya. "I know, hindi ikaw ang may gawa niyon." "Kung gano'n, sino ang may gawa niyon?" Naguguluhan niya pa ring tanong. "Hindi ikaw at hindi rin ako. Sino?" "f**k!" sigaw ni Leester kasabay ng biglaang pagtigil ng kotse. Halos suntukin nito ang manibela at kung hindi sila naka-seat belt, malamang tumilapon silang dalawa sa dash board. Madalang ang sasakyang dumadaan sa parteng iyon ng highway dahil hatinggabi na. Wala ring mga bahay sa gawing iyon at mangilan-ngilang mga punongkahoy ang makikita sa magkabilang bahagi ng highway. At dahil kabilugan ng buwan, mas madali silang matutunton ng mga kalaban kapag nagtagal pa sila sa highway na 'yon. "F*ck!" muli nitong mura nang makalabas na sila dahil kahit anong gawin nila ay hindi na umaandar ang kotse. "Wala talagang taste ang kapatid ko pagdating sa sasakyan!" Pinagsisipa nito ang gulong ng kotse sa sobrang galit. Mayamaya ay may kinuha ito sa bag at itinapon sa loob ng kotse. "Let's go, babe." Hinawakan nito ang kamay niya at nagmamadaling umalis sa lugar na iyon. "Anumang oras, maaaring sumabog ang bulok na kotseng 'yan." Hindi na siya nakasagot dahil sumabog na ang kotse, maigi na lang at nakalayo na sila. Minabuti ni Leester na huwag nang dumaan sa highyway, bagkus ay naglakad sila sa tabi ng hindi naman masyadong kalakihang mga puno pero sapat na iyon para may mapagkublihan sila sakaling may nakasunod na mga kaaway. Mayamaya, ay napalingon si Isabella sa highway na pinanggalingan nila. Kitang-kita niya na nagliliyab pa rin ang kotse pero ang hindi niya inaasahan ay ang pagdating ng dalawang kotse na may sakay ng mga armadong kalalakihan. Maging si Leester ay nagulat sa pagdating ng mga iyon. Mabilis silang tumakbo palayo habang hindi pa sila nakikita ng mga iyon. "Babe, may tao ba sa mansiyon n'yo?" tanong ni Leester matapos ang mahigit isang oras na pagtakbo. Hinihingal sila nang maupo sa nakahilig na puno, hawak pa rin ni Leester ang kamay niya. "Wala ng nakatira roon simula nang umalis sila dad papuntang Spain. Gusto mong pumunta roon?" "Doon tayo magpalipas ng gabi. Hindi tayo pwede umuwi sa mansiyon, may posibilidad na makita tayo ng mga gagong 'yon. Isa pa, sumabog na ang bulok na kotse ni Cathy kaya wala tayong masasakyan." "Pinasabog mo," pagtatama niya. Naaninag niya ang pagngisi ni Leester dahil sa liwanag ng buwan. Bigla-bigla ay parang gusto niya itong halikan, nasasabik siya sa labing iyon. "Babe...?" natitigilang tanong ni Leester nang mapansing nakatulala lang ang kasintahan. "What...uhmm—" hindi na ito nakapagsalita pa dahil sa pagdampi ng mga labi ni Isabella. "I miss this," bulong ng dalaga. "I miss you." "Isabella." Waring may iniindang sakit si Lester nang sambitin nito ang pangalan ng kasintahan. Sinuklian din nito ang halik na iyon at nang hindi makapagpigil ay tuluyan na nitong pinaupo ang dalaga sa kandungan at mahigpit na niyakap habang magkahinang ang mga labi. Ilang minuto rin sila sa ganoong posisyon nang walang anu-ano ay may narinig silang sunod-sunod na putok dahilan para maghiwalay ang kanilang mga labi. "F*ck! Mga istorbo!" Napalakas ang pagkakasabi niyon ni Leester kaya tinakpan ni Isabella ang bibig nito. "Let's go, babe." Tumayo na si Leester habang karga si Isabella. "Malapit lang rito ang mansiyon ninyo." Bumaba muna siya at inayos ang damit na nawala sa lugar dahil sa malikot na kamay ng binata. "San Felipe 'to, Raine. Malayo pa rito ang bahay namin." "Tatawid lang tayo ng ilog at limang minutong lakaran, makikita na natin ang mansiyon ninyo. Kabisado ko ang lugar na ito. Halika, papasanin kita." Tumalikod ito para makasampa siya sa likod. Hindi na siya nagreklamo dahil kanina pa siya napapagod katatakbo pero si Leester ay tila mabilis na nawala ang pagod kahit ilang minuto lang silang nagpahinga. "Thank you, babe," bulong ni Isabella nang magsimula na itong maglakad habang pasan siya. "Niligtas mo na naman ako." Habang nagsasalita ang dalaga ay hindi sinasadyang dumampi ang sariling labi sa leeg ng nobyo dahilan para mapamura ito nang hindi sinasadya. "Stop kissing me, Isabella or else I will take you right here." May pagbabanta sa boses nito. "I didn't kiss you," tanggi ng dalaga pero ang baba niya ay nakapatong sa balikat ni Leester dahilan para dumampi na naman ang labi niya sa leeg nito. "Where here," saad ni Lester nang nasa harap na sila ng mansiyon. Bumaba ang dalaga at inilagay ang code para bumukas ang gate. Kaagad iyong isinara ni Leester at mabilis silang pumasok sa kabahayan. Pinagbawalan siya nitong buksan ang ilaw kaya maliit na flashlight ang ginamit nila papunta sa kuwarto. Nang makapasok sila sa kuwarto ay mabilis na tinungo ni Isabella ang banyo dahil kanina pa nanlalagkit ang katawan niya. Ilang oras din siyang nagpagulong-gulong kanina sa maalikabok na gusali at tumakbo nang ilang oras para makalayo sa mga kalaban. Alas dos na ng madaling araw, inaantok na siya habang nakababad ang katawan sa maligamgam na tubig sa bath tub. At dahil pinagbawalan siya ni Lester na buksan ang ilaw, ilang scented candles lang ang nagsisilbing tanglaw niya. Ipinikit niya ang mga mata at pilit na inaalala ang mga nangyari kanina, simula nang pumunta siya sa gusaling iyon hanggang sa makaalis siya sa tulong na rin ni Leester. Hindi pa rin niya naitatanong dito kung paano nalaman na naroon siya sa gusaling iyon at hindi pa rin niya nalalaman kung sino ang pumatay sa taong dapat sana ay papatayin niya. Napadali nga ang trabaho niya pero nanghihinayang siya dahil hindi sa mga kamay niya namatay ang taong iyon. At ang labis na nagpapagulo sa isipan niya ay kung sino ang hitman na may gawa niyon. Nakapikit pa rin ang kaniyang mga mata nang may maramdaman siyang tila nakatitig sa mukha niya. Bigla niya iyong iminulat kasabay ng pag-igkas ng kaniyang kanang kamao ngunit hindi niya iyon naituloy dahil mukha ni Leester ang tumambad sa kaniya. Natigilan ito sa ikinilos niya. "I'm sorry," wika ni Isabella saka ngumiti. "Wanna join me?" Pinasadahan niya ng tingin ang hubad na katawan ng binata. Nakatapi lang ito ng tuwalya at may hawak na baso na may lamang alak. "Sure," pabulong na sagot nito at matapos ilagay sa gilid ng bath tub ang baso ay inilapit ang bibig sa labi ni Isabella. "Oops!" pigil ni Isabella. "Take that off," tukoy nito sa tuwalyang nakapulupot sa ibabang parte ng katawan ni Lester. "Do it," utos ni Lester saka ngumisi nang makitang ipinikit ng dalaga ang mga mata. Tila nahihiya itong makita kung ano ang nakapaloob sa ilalim niyon. "Don't worry, it's all yours just like before when—" "Shut up!" saway ng dalaga saka pinamulahan ng mukha. Hindi siya sanay makarinig ng mga ganoong salita. Almost three months lang ang itinagal ng pagsasama nila ni Raine noon at sa loob ng pitong taon ay hindi siya nag-entertain ng manliligaw kaya estranghero sa kaniya ang mga salitang namumutawi sa bibig ng nobyo. "Hindi ako sanay—" "I know," mabilis na sagot ni Leester at tinanggal ang tuwalya saka tinabihan si Isabella at bumulong, "Still the innocent Isabella I met years ago." Kinuha nito ang bote ng alak at sinalinan ang baso saka ibinigay sa dalaga. Malugod naman tinanggap iyon ng huli saka lumagok ng alak. "I'm sorry, Babe," panimula ni Leester saka uminom ng alak. "Hindi ito ang buhay na ipinangako ko sa 'yo." Bumuntong-hininga ito at muling sinalinan ng alak ang hawak na braso. "Hindi mo man sabihin, pero alam ko nahihirapan ka sa—" "It's okay, Raine." Nilingon niya ang binata. "Ayos lang ako. Lalo na ngayong nakumpirma ko na buhay ka. Kahit ano gagawin ko. Kahit mahirap, basta magkasama tayo." Mayamaya ay pinaupo ni Lester si Isabella sa harap, isinandal ang ulo sa matipuno niyang dibdib at niyakap ito. "I'm sorry for everything," bulong ni Leester sa dalaga habang panaka-nakang hinahalikan ang balikat nito. "Wala ako sa tabi mo habang ipinagbubuntis mo ang kambal. Sinalo mo ang responsibilidad na dapat sana ay ako ang gumawa. Dapat—" "It's okay, Raine." Hinahaplos niya ang pisngi nito habang patuloy lang ito sa paghalik sa leeg niya. "Nakaraan na iyon. Ako dapat ang nagso-sorry sa 'yo dahil bigla akong umalis ng bansa." Napaungol siya nang pisilin nito ang kabila niyang dibdib at sipsipin ang ibabang parte ng kaniyang leeg. "I love you, Isabella," usal nito bago angkinin ang mga labi niya na kanina pa nasasabik sa mga halik nito. Ang mainit na halikan nila sa bath tub ay nauwi sa kama. Hindi siya tumutol nang pagapangin nito ang labi pababa sa dibdib niya. Pitong taon din siyang nanabik sa mga yakap at halik nito. "Damn!" Dinig niyang mura nito. Maging siya ay nagtaka kung bakit nakaramdam pa rin siya ng sakit. "It's not your first time but—" "I haven't been with anyone since you're gone, Raine," saad niya habang yakap ito. "It's you, it's always been you." "Thank you, Babe," bulong ni Leester habang nakadagan sa kaniya at pinugpog ng halik ang mukha niya. Nagtaas-baba ito kaya humigpit ang yakap ni Isabella dahil nayanig ang mundo niya sa kaligayahang nadarama. Mga ungol ng dalawang taong sabik na sabik sa isa't isa ang maririnig sa apat na sulok ng kwartong iyon at tanging liwanag lang na nanggagaling sa buwan na tumatama sa bintanang salamin ang saksi sa ritwal ng pag-ibig na nagaganap sa kasalukuyan. Hindi alintana ng dalawang taong abala sa pagpapaligaya sa isa't-isa ang init, ang pagod at maging ang mga anino na kanina pa umaali-aligid sa mansiyon at naghihintay lang ng pagkakataong makapasok sa loob para gawin ang kanilang balak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD