Chapter Two

1879 Words
 “SAAN ka naman pupunta?” natigil si Fina sa paglabas ng pinto ng department nila nang bigla na lang siya harangin ni B1 and B2 este si Alyssa saka si Audrey lang pala.           Ito lang naman ang dalawang kaopisina niyang wala na `atang ibang alam na gawin kung hindi ang i-harrass siya, o kaya naman katulad kanina na ipahamak siya sa supervisior.           Ang dalawang `to lang naman ang walang ibang ginawa kung hindi mag check ng social media o maglagay ng kolorete sa mukha respectively.           “Aalis na,” diretsong sagot niya, na para bang walang makita ang mga ito. Obvious namna siguro hindi ba lalo pa at hawak na niya ang bag niya.           “Uuwi? You still have worked to do,” Alyssa’s perfect eyebrows arched. Hindi niya maiwasang ikopara ang nipis ng kilay nito sa evil step mother ni Snow white except that the woman in front of her is a wicked witch.           “News flash? I’m finish with my work. Bakit ba hindi na lang ang trabaho mo ang intindihin mo kaysa `yung akin? Pinapasweldo mo ko?” literal na hinawi niya ang dalawang `to sa harap niya, they scoff in disdain dahil sa ginawa niya. Wala rin nmang magawa ang mga ito, isa pa aware ang lahat ng mga katrabaho niya na ilang araw na siyang nagka-kampo sa opisina. Kahit si Sir Arman nang sinabi niyang maga-out siya ng maaga ay hindi na nagkomento ito pa kayang mga `to na wala pang ni-isang trabaho na natatapos? “`Kala ko hindi ka pa lalabas, “ sumulyap ito sa likuran niya. Kaya pati siya ay napalingon din siya likod niya nakita niya ang pamumutla sa mukha nila Alyssa bbago mabilis na nagsipulasan ang mga ito. Napatingin siya sa kaibigan, saka lang niya naalala na nakatikim na pala ng sabunot ang mga ito kay Jo.             They were newbies back then at nauna lang ng isang taon sa kanila ang dalawang `to.Sa kanila halos pinapagawa ang mga trabahong hindi naman sa kanila, kaya naman literal na nakipambuno dito ang kaibigan niya.           Pagkatapos imbes na ang mga ito ang kampihan ng supervisor nila ay si Jo ang pinaburan sa kabila ng pagtataka niya dahil ito ang may katwiran which she agree. Kahit na ba literal na isinugod ang dalawa sa clinic ng kompanya because they are black and blue. Na-trauma din ang mga ito sa ginawa ni Jo kaya kapag nasa malapit ang kaibigan niya ay literal na tumitiklop ang dalawa.           Medyo naglie-low lang ang mga ito, pero nang ma-transfer ang kaibigan niya sa ibang department ay siya ang pinagtuunan ng pansin ng mga ito. Hindi pa nakabuti ang paggagad ng mga kaopisina niya sa ginagawa ng mga ito.           Tatawa-tawang marahan niya itong itinulak papunta sa elevator. “Tara na.”             “What? Wala naman akong ginagawang masama,” katwiran nito saka sila napatigil na dalawa sa harap ng elevator bago pumasok `don.           “Oo na, anyway thanks sa pagsundo,” hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi niya.           “Oo may pa special escort ka pa, kakaloka!” saka ito umabrisete sa kanya. “Alright! Lezzgow!”           Halata sa boses nito ang excitement, at kahit siya ay hindi na niya mapigilan ang mahawa sa energy ng kasama niya. Isa pa, matagal na rin ata simula nang makapamasyal siya.               “WAIT,” pigil ni Fina kay Jo habang nakatingin siya sa shop ng isang sikat na brand ng damit.           Napadpad sila ng kaibigan niya sa pinakamalapit na mall sa Makati, pero hindi niya talaga maintindihan kung bakit sa dami ng pwede nilang puntahan ay doon pa sila sa high end mall pumunta malapit lang naman ang Landmark doon with beautiful yet cheap prices of clothes.           Mapapasubo pa ata siya kagagawan ng kaibigan niya `ni minsan `ata sa buhay niya ay hindi siya gumastos ng higit sa isang libo para lang sa isang damit. Paano pa `tong mga nasa harap niya na isang sulyap pa lang niya alam na niyang seven digits ang presyo?           “Bakit?” nagtatakang tanong nito sa kanya na parang hindi nito nakikita ang problema.           “Ang mahal dyan!”           Napakunot noo ito na para bang trivial lang ang pinoproblema niya. “Ahh, don’t worry ako nang bahala.”            Sa kabila ng pagpo-protesta niya ay hinatak pa rin siya ng kaibigan papasok sa mall.  Agad silang sinalubong ng isang sales lady looking prim and proper, ibang-iba sa itsura niya na mas mukhang haggard pa sa nag byahe from Cavite to Manila.           Hindi niya maiwasang mapalunok habang nililibot niya ang tingin sa buong lugar. It screamed rich from floor that you can almost see the mirror of yourself, hanggang sa magarang chandelier na halos ayaw niyang hawakan ang mga damit sa takot niya na madumihan.           “Fina! Ano bang ginagawa mo dyan?” natatawang tanong sa kanya ng kaibigan saka siya nito hinila paupo sa isang sofa. “Upo ka lang dito, pipili ako ng bagay na damit para sa`yo.”           “Hindi na ahm, may damit pa pala ako sa bahay,” katwiran niya saka tumayo para lang hawakan siya sa magkabilang balikat ni Jo at paupuiin ulit.           “Wag nang makulit ako nang bahala.”           Hindi niya maiwasang malito sa sinasabi nito saka kung may mapili naman itong magandang damit para sa kanya hindi niya kayang i-afford ang mga damit sa lugar na `yon.           Pamilyar siya sa shop na `to, pero `ni minsan ay hindi siya nag-isip na pumasok dito lalo pa at isang tingin lang niya alam naman niyang hindi kakayanin nag budget niya ang mga ganito kagarang damit.           “My dear Serafina, pwede ba kahit this time? Let me be your fairygod mother?”           “You are too beautiful to be a big fat old fairy chanting a weird spell.”           “Why thank you, saka this time hindi mawawala ang magic ko pagdating ng twelve midnight mahirap kayang magka-curfew.”           Sandali silang napatingin sa isa’t isa saka sabay na natawa. Kahit siya ay nawe-weirduhan na sa pinaguusapan nila.           Not in her life she believes to have a Knight in shining armor or Prince Charming, she only believes with mister right rather a man she only saw in fairy tales.           “Sige, dyan ka lang wag kang aalis, hahanapan kita ng bagay na damit para sa`yo.”           Napailing na lang siya sa ginawi ng kaibigan niya, alam niyang it’s just for her kaya naisip niya hindi rin naman sigurong masamang gamiting ang inaaagiw niyang credit card hindi ba?             “NEXT,” iyon ang sabi ni Jo nang makita siyang lumabas ng fitting room. Hindi na alam ni Fina kung pang ilang damit na ang naisukat niya pero hindi pa rin makontento ang kaibigan niya sa sarili outfit niya.           “Hindi ba pwedeng ito na lang?” tanong niya habang nakatingin sa back less pink knee length dress, saka napangiwi hindi pala niya keri ang ganito.           Pinagtaasan lang siya ng kilay ng kaibigan.  “Gusto mo?”           “Ayaw.”           “See? Konting tiyaga na lang at matatapos na tayo.”           Napabuntong-hininga na lang siya saka muling pumasok sa fitting room. Bakit ang sabi ng iba nakakatanggal daw ng stress ang pagsa-shopping ng mga babae? Bakit siya hindi maramdaman `yon?           Pagkabalik niya ay basta na lang niyang kinuha ang kung anong inabot sa kanya ng sales assistant.           Pagkaharap niya sa salamin kahit siya ay hindi makapaniwala sa nakita niya.           It was a short sleeveless white dress na may simpleng palamuti na green vines sa may sidsid ng skirt it was simple  yet elegant at para sa kanya ay napaka-komportableng suotin mabilis siyang lumabas para ipakita `yon kay Jo.            “Gusto ko nito,” nakangiting sabi niya dito.           Bahagyang kiniling ni Jo ang ulo nito saka pinaikot ang hintuturo indicating her to turn around. Bago ito nag thumbs up sa kanya.           “Bagay na bagay sa`yo.”           Wala sa sariling napangiti siya habang hinahaplos ang damit. Ito ang unang beses na pakiramdam niya ay ginawa ang damit na `yon para lang sa kanya.           “Thanks,” she smiled sheepishly bago siya muling pumasok sa dressing room at hubarin na ang suot.           Nanghihinayang man siya sa perang magagastos niya sa damit na `to. Pero sa tingin niya ay wala namang masama sa gagawin niya. Besides it was worth it on her part at hindi lang naman ang pagkakataon na `to ang pwede niyang paggamitan ng dress.           Inayos niya ang salamin niya sa mata saka lumabas na ng dressing room bago inabot ang damit sa nakaantabay na sales lady saka sila nito iniwan.           “So, ano pa bang kulang sa outfit mo?” tanong ni Jo habang nakakiling ang ulo at nakatingin sa kanya.           “Seryoso ka? Okay na sa`kin `tong dress, may mga sapatos pa naman ako.”           “Right! You still need shoes tamang-tama,” napahilot na lang siya sa sentido nang tawagin nito ang sales lady at humingi ng referral sa magandang sapatos na pwedeng bumagay sa damit niya.           “Sure Ma’am, ano pong size?”           Kung paano nahulaan ng kaibigan niya ang size niya ay wala na siyang ideya at bago pa siya makapag protesta at umalis ang tinawag nito ilang buwan kaya ang dapat niyang bunuin para makabayad sa card niya?           Hindi na niya masyadong namalayan pa ang mga sumundo na nangyari dahil sa inaalala niyang bayarin.           Kaya naman ganon na lang ang gulat niya nang pagdating nila sa counter ay basta na lang ang ibinigay sa kanya ang mga paper bags.           “Wait, hindi pa ko nagbabayad,” aniya habang kinukuha niya ang wallet sa bag niya.           “Your bill is already settled, Ma’am,” napipilan sa sinabi ng cashier saka napatingin kay Jo.           “Ang mahal nito,” kahit na hindi nito sabihin sigurado siyagn ito ang nagbayad ng lahat ng mga kinuha nila.           “Girl, andami kong nakaimbak na anda sa bangko sayang kung hindi gagamitin,”           “Pero kasi ikaw na nga `yung nagbigay sa`kin ng ticket `eh, pati ba naman `yung damit ko ikaw pa din?”           “Para ka namang others, isa pa you’ve been a true friend. Your sincerity is enough for me.”           “Pero Jo, hindi naman tayo naging magkaibigan kasi lagi mo kong nililibre isa pa ako nga dapat ang magpasalamat sa`yo ikaw palagi `yung nandyan tuwing kailangan ko ng tulong.”           “Believe me, may mga bagay na hindi nakikita ang ibinibigay mo sa`kin.” Pero hindi pa rin kasi talaga maatim ng konsensya niya na hayaan na lang na ibigay ito sa kanya ng kaibigan ng libre isa pa hindi naman niya birthday para regaluhan siya nito. “Fine, bayaran mo na lang sa`kin ng paunti-unti, okay?”           Napangiti na lang siya sa sinabi nito kaya naman kahit na papano ay gumaan ang pakiramdam niya.           “And oh, one more thing.”           “Ano `yon?” nagtatakang tnaong niya           “You have contacts, right?” Tumango siya, usually ginagamit lang niya `yon tuwing may special occasion pero madalas ay nakatengga lang `yon sa may drawer niya. “Good, let’s go? Nagugutom na ko.”           Doon lang niya napansin na malalim na pala ang gabi at mangilan-ngilan na lang ang tao sa mall kaya naman pumayag siya sa suwestyon nito, lalo pa at kahit siya nagugutom na rin.           But this time ay siya naman ang nagbayad ng hapunan nilang dalawa. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD