bc

Castle In The Sky

book_age16+
40
FOLLOW
1K
READ
opposites attract
brave
sweet
city
intersex
actor
shy
like
intro-logo
Blurb

Serafina have a very ordinary life, maliban na lang siguro sa mga toxic niyang mga katrabaho. Wala naman espesyal sa buhay niya, hanggang sa isang araw nagulat na lang siya nang bigyan siya ng VIP ticket ng matalik niyang kaibigan para sa isan Fan meet ng paborito niyang Hollywood actor.

There she personally saw the top Hollywood actor, Cade Morgan. She thought that hanggang `don na lang `yon and she’s already satisfied admiring her Prince from afar.

Not untl she win an exclusive date from the one and only Cade Morgan, a once in a lifetime chance that she wants to remember for the rest of her life.

But just within the day, she reminded her of someone, a person that was close to her hear.

But can she carry the consequences of the truth? Or she will let her prince go back to his Castle in the Sky?

chap-preview
Free preview
Chapter One
How do you envision yourself in ten years? Iilang professor nga ba ang nagtanong kay Fina ng mga `yon na ang laging sagot lang niya? Gusto niyang magkaroon ng stable na trabaho para maibigay ang pangangailangan ng mga magulang niya. An 8 to 5 job in a four corners of a room was enough for her to provide with her family. Inaasahan na na niyang mahirap ang trabaho pero hindi niya lang akalain na pati ang  mga tao sa paligid niya ay mahirap ding pakisamahan. A great example? Itong nangyayari sa kanya ngayon.           “Fina! Ano ba naman `tong trabaho mo?”  Hindi siya kumibo, kahit na galit na galit na inihagis ng supervisor niya ang hawak nitong folder sa lamesa niya.            Tumigil siya mula sa pagtipa sa keyboard saka inayos ang salamin niya sa mata bago kinuha ang folder gusot gusot na sa tabi niya.           Huminga siya ng malalim, pinagtitinginan na siya ng mga kasamahan sa opisina lalo na at lumabas pa talaga ang supervisor nila sa opisina nito para lang puntahan siya.           Ibig sabihin lang `non na talagang mainit ang ulo nito dahil natanggap na dokumento. Tambak din kasi ang trabaho nila nitong mga nakaraang araw pero hindi ibig sabihin `non ay sa kanya nito ibubunton ang lahat ng stress nito.           Tumaas ang isang kilay niya nang makita ang lamang file sa folder. Oo, pangalan nga niya ang nakalagay `don pero hindi `yon ang project na hawak niya. Isa pa, hindi pa nga niya naipi-print ang sa kanya kaya paanong may nai-submit siyang dokumentong dispalinghado dito?           “Sir,” tawag niya dito, saka hinilot ang sentido, naramdaman kasi niya ang pagpitik `non.           “What?!”           Binuksan niya ang file niya sa may desktop niya saka itinuro, “This is my project, Sir. As you can see, ibang-iba `to sa natanggap niyong file. Hindi ito ang hawak kong project.”           Para itong biglang nabuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya, saka nito tinitigan ng maigi ang pinakita niya.           Ganon na lang ang paglalim ng gatla nito sa noo nang makitang tama nga ang sinasabi niya.           “Kaninong project `to kung ganon?”           Sinulyapan niya ang grupo nila Alyssa, agad na nagsisalisi ang mga ito paalis dahil sa narinig.           Mas pinili na lang niyang wag sagutin si Sir Arman, okay lang sa kanya kahit na lumaki ang gulong ginawa ng mga ito pero masyado siyang maraming ginagawa just to deal with them.           Nang wala itong nakuhang kahit na anong reaksyon sa kanya ay tumikhim ito at nag-iwas ng tingin, “I’ll take a look on this. You may go back to your job,” anito saka bumalik na sa sariling opisina.           Napabuga siya ng hangin saka ibinalik ang tingin sa ginagawa niya. Hindi niya talaga maintindihan kung bakit palagi nalang siyang binibigyan ng problema ng mga kasamahan imbes na gawin ng mga ito ang sariling mga trabaho.           Nagta-trabaho siya sa Storm Advertising Agency bilang Advertising Associate. She’s very competent with her job and finished her work that higher ups usually praise. Kaya hindi na siya nagtataka sa mga utak talangka sa opisina.           Iyon nga lang, minsan kasi ay nakakaistorbo ang mga ito sa trabaho na niya katulad na lang ngayon. Pinagkaisahan na nga siya ngnlahat para siya lang mag-isa ang magtrabaho sa isang project kahit na ung tutuusin ay dalawang AA ang kailangan dahil na rin komplikado ang proseso ng isang project.           She’s the only one to do the arrange meeting with the clients’, portfolios, and research all the data needed for the project. Lahat `yon ay siya lang mag-isa ang gumawa.           Masakit ang ulo niya at ilang araw na siyang walang maayos ang tulog tapos `eto pa sasalubong sa kanya ngayong umaga. Hindi na siya nagabala pang tignan o pakinggan ang mga sinasabi ng mga katrabaho.           Ilang minuto lang siguro ang kailangan niyang antayin nang muling lumabas si Sir Arman sa opisina nito but this time ay si Alyssa na ang tinawag nito. Mukhang nalaman na rin nito kung kaninong project ang naipasa dito.           Not that she cared pero minsan talaga karma is a sweet revenge.             Hindi niya talaga maintindihan kung bakit palagi na lang siyang pinagiinitan ng mga `to. As far as she’s concerned wala siyang ibang ginawa kung hindi ayusin ang trabaho niya.           `Ni hindi nga siya nakikihalubilo sa mga ito at never siyang naging sipsip sa mga nakakakataas, kung ano man ang meron siya ngayon ay dahil pinaghirapan niya.           Isang panibagong bulyaw na naman ang narinig niya, this time sa loob mismo ng opisina. Naramdaman na naman niya ang pagpitik ng sentido niya, pero tinapos na lang muna niya ang mga kailangan niyang tapusin bago niya na-save `yon.           Huminga siya ng malalim saka kinuha ang isa sa mga USB sa lagayan niya. Mas minabuti niyang gumawa ng kopya dahil hindi lang iisang beses may nagbubura ng mga importanteng files sa computer niya. Hindi niya kasi `yon malagyan ng password dahil na rin sa policy ng kompanya.           Pero Oo, may mga gabing kailangan niyang mag overtime dahil sa ginagawa sa kanya ng mga ka trabaho. Hindi naman siya makapagreklamo dahil sinasabihan siyang nagdadahilan lang siya.           Hindi lang nga miminsan na naisip niyang mag resign, pero hindi naman niya magawa. Kailangan kasi niya ng trabahong `to at kahit na halos tatlong taon na siya dito at nasasanay na siya sa ‘pagmamaltrato’ ng mga kasamahan niya sa trabaho hindi ibig sabihin `non na kapag hindi siya nakakakita ng oportuunidad na makaganti sa mga ito ay hindi niya ginagawa.           Iyon nga lang ay hindi niya magawa dahil una sa lahat kailangan niya ng trabahong `to, saka maliban sa mga toxic niyang katrabaho maganda naman ang benefits ng kompanya kaya hindi rin niya mabitawan.           Pagkalabas ng opisina nila ay tinungo niya ang elevator saka pinindot ang ‘Up’ button bago ang pagpindot ang ‘P’ button.            Gusto niyang makasagap ng sariwang hangin at makapagpahinga na rin kahit na konti. Bahala nang hanapin siya mamaya sa baba hindi niya dala ang cellphone niya saka she doubt kung hahanapin siya ng mga ito kaya wala na siyang pakialam.           Pagkarating sa top floor ay dumiretso siya sa may fire exit saka pumasok sa may roof top.           Tinungo niya ang barandilya saka sumigaw ng pagkalakas-lakas `don pero tulad ng dati ay tila ba nalunod lang ang boses niya sa maingay na syudad ng Makati.           Napangiwi siya saka hinilot ang sentido, dapat pala inisip niyang masakit nga pala ang ulo niya dahil puyat siya. Ano ba kasing na isip niya at ginawa niya `yon? Napabuntong hininga siya saka sumandal sa sa barandilya.           Inilibot niya ang tingin sa lugar the place looks like a leaisure park, open area ang lugar at may mga nakakalat na benches sa buong floor. May designated smoking area din sa may dulong pahagi ng rooftop. Walang katao-tao `don ngayon dahil busy rin ang karamihan sa mga empleyado sa trabaho.           “Ano, girl, saya ka sa ginawa mo?”             Napalingon siya sa nagsalita.           Nakangiting itinaas ng kaibigan niyang si Josephine ang hawak nitong plastic na sigurado siyang may laman ng paborito niyang ice cream saka ito lumapit sa kanya.           “Kahit na mapatid `yang litid mo, Girl.  Hindi mo matatanggal na gago talaga ang mga kasamahan mo,” anito saka sumandal sa tabi niya..           “Ikaw yata `yung gustong mawalan ako ng boses,” reklamo niya, tukoy niya sa dala-dala nito.             Kinuha nito ang ice cream sa supot sa iminuwestra sa kanya, “Ayaw mo?” taas kilay na tanong ni Jo.             “Gusto,” saka nakangising tinanggap ang ibinigay nito, bago siya naghanap ng pwede niyang pwestuhan sa may bench.            Parang nawala lahat ng nararamdaman niyang inis nang makita niya ang isang pint ng paborito niyang Pistachio ice cream, agad niyang inabot ang disposable spoon bago niya binuksan ang lid saka nagumpisa nang lantakan ang hawak hindi niya na pinansin ang kaibigan na umupo sa tabi niya.            “Uhm, hello? Andito pa ko? Bayaran mo muna sa’kin `yan.”           Natigil siya sa pasubo ng kutsara dahil sa sinabi nito, “Wait, kala ko ba libre `to?”           Naitirik nito ang mga mata, saka kinuha ang share nito na ngayon lang niya nakita na nakalagay din sa supot. “Of course, it’s free! May nakalimutan ka lang kasing sabihin,” nakataas-kilay na tanong nito.           “Thank you, Josephine Marie Tuazon.”           “`Susme, I want a simply thank you, `wag nang buuin pang name ko. `Kakaloka,” anito saka sinimulan na ring kumain katulad niya, ube ice ccream naman ang hawak nito.           “I know, hindi ko talaga alam ang gagawin ko kung wala ka.”           “Girl, hindi tayo talo.”           “Baliw.”           “But seriously,” kumain ito ng ice cream. “Dapat talaga nire-report mo ang mga `yan. I mean you’re doing your job and they’re not. ”           “Hayaan mo na sila, gusto ko lang naman gawin ng maayos ang trabaho ko.”           Itinuro nito sa kanya ang hawak na disposable spoon. “Ganyan, masyado ka kasing mabait, galaw-galaw din minsan, Girl. Kaya ka nabu-bully dito sa office kasi akala nila pwede kang kayan-kayanin.”           Natahimik siya habang patuloy pa rin sa pagkain may point din naman kasi ang sinasabi sa kanya ng kaibigan.           Five years na siya sa trabaho, dito siya napadpad ng maka-graduate siya ng Advertising Management sa kolehiyo. Kasabayan niya si Jo nang makapasok sila sa kompanya pero hindi katulad niya walang naglalakas ng loob na apihin ang kaibigan niya dahil lalaban talaga ito.           Ang totoo niyan mas malala pa ang bullying niya sa trabaho noong umpisa pero dahil kay Jo na nakipagaway talaga sa kapwa nila katrabaho ay nabawasan ang pambu-bully sa kanya.           Pero dahil na rin nalipat ito sa ibang department dahil sa maganda nitong performance kaya ngayon pinag-iinitan na naman siya ng mga kasamahan niya.           “Paano mo nga pala nalaman na may nangyari sa`kin?”           “Sa lakas ba naman ng boses ni Mr. Santiago sa tingin mo ba hindi ko malalaman na may nangyari sa`yo? Halos isang hallway lang ang layo ko sa inyo `no para naman pababayaan na kita agad-agad?”           Napangiti siya sa sinabi ng kaibigan may pagka-mother hen kasi ang ugali ng kaibigan niyang `to, hindi nga niya minsan maintindihan kung bakit siya nito nakasundo magkaibang-magkaiba kasi talaga silang dalawa. She prefers conservative dresses while the later was always seem to be in trend kahit sa itsura aminado siyang `di hamak na mas nakakaangat ito.            Jo also have a morena skin, beautiful arch eyebrows, with beautiful honey colored eyes, matangos din ang ilong nito at defined ang cheekbone, pouty lips at heart shape face na nababagayan ng layered black hair nito mas mukha itong modelo lalo na kung naglalagay ito ng light make-up sa mukha at hindi iilang beses na nga bang niyang narinig na may crush dito lalaking single nilang kaopisina.           Outspoken kasi ito, at kapag alam nitong nasa tama ito ay mangangatwiran talaga ito. While she chooses to handle her co-workers in a nonchalant manner, Jo is always upfront with her emotion. In short, hindi nito kayang makipagplastikan sa mga kasamahan nila kaya nga mas pinili ng supervisor nilang ilagay ito sa ibang department. Kaya ending siya lang tuloy ang nagha-handle na mag-isa sa mga utak talangka niyang mga katrabaho.           Napansin nito ang pananahimik niya, saka ito tila ba may naalala saka may hinugot sa bulsa ng suot nitong skinny jeans bago inabot sa kanya. “Oh,`eto, nang  sumaya ka naman.”             “Ano `yan?” nagtatakang tanong niya.           “Ticket.”           “Para saan?”           “You’re a fan of Cade Morgan, right?” tukoy nito sa paborito niyang Hollywood actor. Ganon na lang ang panlalaki ng mga mata niya nang marealize niya kung ano ang ticket na yon.           Sunod-sunod na tango ang ginawa niya, bago ito natatawang inabot sa kanya ang ticket na hawak nito. Alam niyang kahit na hidni niya nakikita ang sarili sa salamin alam niyang literal na nagniningning ang mga maya niya dahil sa nakita.           Cade Morgan is the only Hollywood Actor na talagang sinubaybayan niya when she watch his first movie up until his recent. Nang mabalitaan nga niyang may Asia Premiere ang mga ito sa Pilipinas ay ganon na lang ang pagka excite niya, then they also announces that may fan meet ito isang araw bago ang premiere ng bagoo nitong movie.           Sabi sa forum na kasama siya dapat daw  sana buong cast ang magkakaroon ng fan meet pero dahil last minute na nag announcement na `yon ay si Cade lang ang nakapag adjust ng schedule.           Literal na nagkampo siya online para makakuha lang ng VIP ticket kahit na ba literal na mabubutas ang bulsa niya, but its okay, isa pa ngayon lang namna `to at isang bagsakan lang. Iyon nga lang kahit na anino ng VIP ticket ay hindi niya nakita.           Akala niya wala nang igaganda pa ang araw niya pero mukhang nagkamali siya.           “Saan ka nakakuha?” hindi pa rin niya inaalis ang tingin sa hawak.           “`Syempre sa`kin na lang `yon, anyway get you schedule free later, okay?”           Natigilan siya sa sinabi nito, “Bakit naman?”           “`Ay girl! Masyado ka naman atang lutang ngayon, we’re going shopping, My Dear. Alangan namang mukha kang manang kapag humarap kay Fafa Cade hindi ba?”           Napatingin siya sa suot niya. It was a simple white button up long sleeves at pencil cut skirt na binabagayan lang niya na black doll shoes. Sa init din ngayon, hindi na siya nagtataka kung bakit tagaktak ang pawis niya sa likod at sa mukha niya. Hindi kagaya ng katabi niyang fresh pang tignan. Siya? parang bilasang isda na hindi pa nagsisimula ang araw.  “Bakit anong problema sa suot ko?”           “Girl, you are beautiful believe me. Just a little retouch and confidence you’re a freaking masterpiece!” itinaas pa nito ang dalawang kamay para i-emphasize ang sinabi.           “Ikaw ata ang lutang sa`ting dalawa,” tatawa-tawang sabi niya saka inayos niya ang suot na salamin bago pinagpatuloy ang kinakain.           Marahas itong napabuntong hininga saka gigil tinusok ang hawak na ice cream gamit ang kutsara. “`Ay naku basta wag ka nang mag OT mamay sumama sa`kin sa mall.”           “May trabaho pa ko,” katwiran niya.           “Tatlong araw ka nang subsob sa trabaho, aba’y hayaan mo namang mag- ambag mga kasama mo,” pinandilatan pa siya nito na kapag nangatwiran pa siya siguradong sesermonan na naman siya nito ng pagkahaba-haba.           “Okay, fine.” May katwiran din naman kasi ang sinabi nito isa pa it’s once in a life time chance sayang naman kung hindi niya pagtutuunan ng oras hindi ba? Iyon ang nasa isip niya nang sunod-sunod siyang kumain para maubos na niya.           “Good see you later, tandaan wag mo nang pansinin ang pahaging sa`yo ng mga bruhilda mong kasamahan pag ako nainis sasabunutan ko na ang mga `yon,” Nakaingos na sabi nito.           “Shure,” Nailing na lang ito sa sinabi niya dahil punong-puno ng ice cream ang bibig niya. Kailangan niyang ipasa ang mga dapat ipasa para makaalis siya ng maaga.           “Hindi kaya mabilaukan ka sa pinagagagawa mo?” nakataas kilay na tanong nito pero halata naman ang concern sa boses nito.           Nilunok niya ang kinakain, “Expert na kong kumain ng ice cream don’t worry.”           “Right,” Jo said sarcastically           Tatawa-tawang nagpaalam na siya dito saka tinungo na ang elevator. Awtomatikong tumutok ang tingin niya sa floor indicator saka hinanda na niya ang sarili sa panibagong round ng opisina niyang minsan tinuturing na lang niya na isang war zone, sana lang makauwi siya ng maayos ngayon araw. Iyon lang ang pilit na dinadasal niya ngayon. 

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

My Favorite Subject

read
227.3K
bc

Billionaire's Secret Affection (Tagalog)

read
260.5K
bc

THE BILLIONAIRE'S SÊX SLÂVÊ R-18 (COMPLETE)

read
605.9K
bc

Escaping The Billionaire's Heir (SPG TAGALOG)

read
84.0K
bc

My Possessive Boss (R18+ COMPLETED)

read
5.3M
bc

My Millionaire Boss

read
1.7M
bc

A night with Mr. CEO

read
176.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook