Paglipas ng mahigit dalawang oras at sa tantiya ng eksaheradong utak ni Luis, matapos ang isang libong laro ng Uno cards, nagsawa rin si Simone sa paglalaro. Parehas silang malakas mang-asar kaya’t ang simpleng laro ay naging parang exhibition ng lakas at galing nila habang pinagtatawanan nila ang isa’t-isa. They were both covered in horrendous amount of lipstick and eye brow pencil on their faces, neck and arms. Ang tanging make-up na ginagamit ni Simone sa pag-aayos ng sarili ay naging instrumento para magmukha silang dalawa na vandalized slab of concrete wall. Napatingin ang babae sa mukha ni Luis at napangiti. “Why do you always laugh when you look at my face? Anong ni-drawing mo sa mukha ko na nakakatawa?” He wanted to look at the mirror each time she will draw something on his f