It was almost nighttime nang magising si Luis. He looked at the clock and it was past six pm. Tanging ang mga ilaw mula sa labas ng bintana ng condo niya ang nagbibigay ng liwanag. He couldn’t hep but smile when he saw Simone still sleeping peacefully beside him on his bed. Naalimpungatan siya noong hapon at nakaramdam ng ngawit sa pwesto nila sa sofa kaya’t binuhat niya ito at dinala sa kwarto. Gusto pa sana niyang pagmasdan lang si Simone at namnamin ang pagyakap sa kanya nito under the covers ngunit kumalam na ang sikmura niya. Sigurado rin siyang paggising ng katabi ay magugutom na rin ito. He gently slid out of bed. Ipinalit niya ang isang unan sa dibdib niyang dinadantayan ng braso ni Simone. Nang makababa siya ay binuksan niya ang isang lamp shade at tuluyan nang lumabas ng silid. H