"Bakit hindi niya sinasagot?" Mahinang bulong niya habang nakatingin sa kaniyang cellphone. Kanina pa niya tinatawagan si Candy pero hindi nito sinasagot ang tawag niya.
"Baka busy," aniya, bago ay lumabas sa elevator. Hinila niya ang maletang dala at hinanap ang condo na pagmamay-ari ng kumpanya na siyang pansamantala niyang tutuluyan, sa mga susunod na buwan na kailangan niyang manatili sa Maynila. Inilipat siya rito mula sa hotel room na ang GAI rin ang nag-provide. Hindi rin naman siya naka-tulog doon dahil sa condo ni Alex niya natagpuan ang sarili kaninang umaga.
Speaking of Alex, agad siyang napangiti ng makita ang pangalan nito sa kaniyang cellphone na ngayon ay nag-ri-ring.
Agad niya iyong sinagot habang may malapad na ngiti sa kanyang labi. "Hello?" Napakagat pa siya sa kanyang labi upang pigilan ang kilig na nadarama.
"Hi, beautiful." Wika ni Alex. Mas lalong lumapad ang ngiti ni Sugar. "Where are you?"
"Kakarating ko lang sa Condo na binigay ng GAI. Papunta pa lang ako sa unit. Why?"
"Wala, Miss lang kita,” malambing pa na sabi ni Alex.
Pakiramdam ni Sugar ay halos mamula na ang kanyang pisngi dahil biglang nag-init iyon ng dahil lang sa sinabi nito na miss na siya.
Ikaw rin naman miss ko na, Alex. Miss ko ng dilaan ang--- Huy, Sugar! Ano ba naman 'yang iniisip mo? Parang ang libog naman ng dating. Iyan ang saway niya sa kanyang sarili. Pilit niyang ikinalma ang sarili at sumagot rito.
"Ikaw talaga."
"Totoo iyon. Haha sige na nga bye na muna. Pumunta ka muna sa unit mo para makapag-unpack ka. Talk to you later."
Muli siyang napakagat sa ibabang labi niya. Buti na lamang ay nagpaalam na ito. Baka kasi kung ano pa ang masabi n’ya kapag humaba ang usapan nila. Lalo na ngayon na halos wala pa s’yang tulog at pahinga.
Ibinaba niya ang cellphone at hinanap ang number ng unit na tutuluyan niya. At nang makita niya iyon ay agad siyang pumasok. Hinatak niya ang luggage papasok pagkatapos ay isinara ang pinto. Ngunit hindi pa siya nakakarating sa may sala ay may narinig na siyang kaluskos.
May tao sa loob, at mukhang nanggaling ang ingay sa may kusina. Kumunot ang noo niya at napatingin sa numero na nasa card na hawak niya at sa numero na nasa pinto.
Pareho naman? Hindi naman siya naliligaw. Ito ang unit niya. Hindi siya nagkakamali!
Agad siyang binalutan ng kaba. Hindi kaya may nanloob sa unit niya?
Agad niyang inalis ang isang sapatos niya at hinawakan iyon na nakaharap ang isang takong, tila isang weapon na handa niyang gamitin pang basag-ulo sa sino pan ang nandito sa unit niya.
Dahan-dahan siyang naglakad at sumigaw. "Sino nandyan?!" Nagtago siya sa may hamba ng pintuan. "Anong ginagawa mo sa unit ko?! Unit ko ito! Magpakita ka?! Sino ka?!"
Narinig niya ang mahinang tawa nito na kanyang kinaiinisan. Kaya naman ay agad siyang lumabas mula sa pagkakatago ay hinarap ang kung sino man ang nasa loob ng condo niya, ngunit sakto rin na lumitaw ito sa harapan niya.
"Santisima!" Napahawak siya sa kanyang dibdib sa sobrang gulat ng makita kung sino ang nasa harap niya. "Alex?!"
Ngumiti ito at biglang hinalikan ang noo niya. "Hi, Gorgeous."
"T-Teka---" nauutal na sabi ni Sugar.
Saglit pang hinawakan ni Alex ang baywang ni Sugar, pagkatapos ay lumayo ito at kinuha ang luggage niya bago dinala iyon sa sala. Sunod naman na bumalik ito sa paghihiwa sa counter top na mukhang kanina pa nito ginagawa.
Halos ma-estatwa si Sugar at hindi pa rin umaalis sa kanyang kinatatayuan. Tila na-glue na ang kanyang mga paa roon habang nakatingin kay Alex na nasa unit niya. Ganoon pa man ay halos mapangiti si Alex dahil sa sobrang halata na gulat ito. Naka-awang kasi ang bibig ni Sugar habang nakatingin kay Alex.
Nakatuon ang tingin ni Sugar sa katawan ni Alex. Wala itong suot na pang-itaas at tanging grey jogger pants lamang ang pambaba. Not to mention pa ang nakabakat doon na mukhang hawakan ng refrigerator.
Namumutok ang abs nito at mistulang kakatapos lang maligo. Halata iyon dahil sa basang buhok nito. Habang may maliit na towel na nakasampay sa balikat nito. Naamoy niya rin ang shower gel na ginamit nito sa katawan ng halikan siya nito sa noo.
Humahalimuyak, pakiramdam niya ay nagigising ang kanyang katawan sa bango nito.
Hindi siya makapaniwala. Naisip niya baka guni-guni niya lang si Alex dahil kanina niya pa minamanyak-- ay este inisip ito. At hindi mapagod-pagod sa kanyang isipan. Biglang pumasok sa kanyang isipan ang isang pantasya kung paano kaya ito bumayo sa kanya habang bakasubsob siya sa countertop kung saan ito nag-hihiwa ngayon.
"Diyos ko por santo!" Napailing siya at inalis sa kaniyang isipan ang maduming iniisip.
Napaagat muli ang tingin ni Alex sa kanya upang kunin ang kaniyang pansin. "Babe?, Sit down. Akala ko ay mamaya ka pa. Hindi pa luto ang pagkain."
Napalunok siya. Tinawag muli siya nitong Babe. So iyon na ba talaga ang itatawag sa kanya? Akala niya ay dahil lang iyon kagabi. Na kung ano ano ang iniisip kaya naman ay natawag siyang ganoon.
Sila na ba? Ano na status nila? Wala siyang naalala na nanliligaw ito. O tinanong siya kung ayos lang na tawagin siyang babe? Pero sa edad niyang ito ay kailangan pa ba iyon? Siguro noon magpapakipot talaga siya, pero ngayon habang tumatanda, basta nagkakaintindihan kayo ay wala ng ligaw-ligaw, mag-kainan na agad, Ay! Magkaintindihan na agad na nais niyong makapiling ang isat-isa
Pero sa itsura ni Alex, at sa sukat ng kargada nito alam niyang napakaswerte niyang tinawag siya nitong Babe? Naisip niya, hihindi pa ba siya? Matagal na rin simula ng may tumawag sa kanya na nakakapagpakilig ng t*ngil niya.
Napabungisngis siya bago nilapitan ito at mapang-akit na tinignan si Alex.
"Why are you here? Paano mo nalaman na dito ako tutuloy?"
Ngumiti si Alex habang naghihiwa pa rin. "I have my ways, Babe." Aniya.
Mas lalong lumapad ang ngiti ni Sugar at napatingin sa ginagawa ni Alex. "What's that?"
"Dinner. I know your hungry, hindi man lang tayo nakapag-breakfast kanina." Sabi ni Alex.
Pumunta naman si Sugar sa tabi nito at kinuha ang kutsilyo sa kamay ni Alex bago siya ang naghiwa. "Nag-abala ka pa. Pwede naman magpa-order." Sambit niya pa bago hiniwa ang cheese.
“I want to cook something for you,” Kinuha naman ni Alex ang cheese na hiniwa ni Sugar, kaniyang isinubo bago napatingin kay Sugar. "Ang sarap ng hiwa mo."
Napakagat si Sugar sa kaniyang ibabang bibig dahil tila iba ang tinutukoy nito.
Tila may iba rin na kahulugan ang sinabi nito kaya naman ay pakiramdam niya ay namula ang mukha niya.
Naalala niya na kamuntikan na silang humantong sa ganoon kagabi. Oo pinaligaya niya ito gamit ang kanyang bibig pero hindi niya muna pinayagan ang binata na bumaba sa kaniya para naman mas ganahan at hanapin siya nito.
"Ikaw talaga," Saway niya rito kaya mas lalong napangisi si Alex.
Kinuha ulit nito ang kutsilyo pagkatapos ay pinagilid siya. "Ako na bahala dito. Go get change, para ma-kain na kita."
Nanlaki ang mata ni Sugar. Ngunit mas nangingibabaw ang init na kaniyang naramdaman sa sinabi nito. Diyos ko po! Parang nanginig ang lamaan niya. Na nais ng ihain ang sarili upang manamnam nito. Alam niya napakabangis ng dila nito. Halik pa lamang ay parang dinadala na siya sa langit. Ano na lang kaya kapag ang isang labi niya ang nilaplap nito?
"Oh, I mean para makakain na tayo. Pero pwede rin naman yung unang sinabi ko." Biro ni Alex kaya pinisil ni Sugar ang ilong niya.
"Sige na, mag-sa-shower na muna ako. Dalhin ko na ito doon." Aniya pa bago napahawak sa maleta.
“Sige na kakainin kita?” Asar ni Alex at pinanlakihan siya ng mata ni Sugar.
“Ang pilyo mo, mamaya na.” saway ni Sugar bago hinila ang maleta.
"Just take a shower ako na bahala dyan." Pigil ni Alex sa kanya kaya nakaramdam ng pagka-kilig si Sugar.
Kinuha niya lang ang hygiene kit niya bago tumalikod. Hinampas pa ni Alex ang pang-upo niya bago siya lumayo kaya naman ay napuno ng hagikhik ang silid.
Tumungo siya sa kwarto dahil sa banyo roon niya balak maligo. Nang makita niya ang kama roon ay kung ano-ano na ang naglaro sa isipan niya.
Napasapo siya sa kanyang bibig pagkatapos ay napatakbo sa banyo. Namumula ang kanyang mukha na napaharap sa salamin.
Mukhang hindi na siya makakatakas ngayong araw na ito. Mukhang hindi na ito papayag na palipasin ang araw na ito upang hindi gawin ang bagay na dapat ginawa na nila kagabi.
"s**t, Sugar! Mapapalaban ka mamaya!" Aniya sa kanyang sarili bago napapaypay ng maramdaman niya ang biglang pag-init ng kanyang katawan.