"Hello, Ma? Pasensya ka na kung hindi ako agad nakatawag sa 'yo kagabi. May inasikaso lang po." Sabi ni Sugar sa kaniyang ina na nasa kabilang linya.
Ngayon pa lang niya ito tatawagan pagkatapos na magising at makita ang napakaraming missed call nito.
"Pinag-alala mo ako, akala ko kasi ay uuwi ka rin. O anong oras ka pala makakauwi niyan?" tanong nito sa kabilang linya na tila isang studyante pa lamang siya.
Natuwa naman siya dahil ngayon na lang tumawag ang kaniyang Mama upang tanungin kung nasaan siya. Marahil ay naisip nito na naligaw siya.
Naligaw naman siya, sa piling nga lang ni Alex.
Napangiti siya ng maalala ito. At ang maabutan na nakayakap ito sa kaniya ng magising siya. Iniwan niya na lamang ito sa condo nito na hindi kalayuan sa bar na pinuntahan nila kagabi kaya naman ay madali niya lang nabalikan ang sasakyan niya. Pagkatapos non ay bumalik muna siya sa hotel na pinagtutuluyan niya upang maligo at mag-ayos bago pumunta sa GAI.
"Ma, mukhang kailangan ko mag-stay ng ilang ilang araw rito sa Manila. Yung project kasi ayaw ipa-transfer ng client sa ibang Project manager. Papunta ako ngayon sa company para makausap ko sila kung anong mangyayari." Sagot niya pa sa kaniyang ina.
Naka-loudspeaker lang ang cellphone niya habang nag-da-drive siya ngayon papunta sa GAI para sa mangyayaring meeting tungkol sa project.
"O sige pala, mag-iingat ka diyan." Sagot ng kaniyang Mama.
"Yes, Ma. Pasabi na lang rin kay Candy na, sakin muna itong sasakyan niya ha?"
wika pa ni Sugar habang ipinasok sa building ng GAI ang kaniyang sasakyan.
"Sus, ayos lang 'yan, hindi naman 'yan ginagamit ni Candy. Pero hayaan mo sabihan ko mamaya, hindi pa sila nakakadalaw ng mga bata ngayon eh." Sagot pa ng kaniyang ina.
"Di bali, tatawagan ko rin siya mamaya," pagkasabi niya non ay nagpaalam na siya sa kaniyang Mama at pinatay ang engine ng sasakyan pagkatapos ay bumaba na.
Pusturang-pustura na naglakad si Sugar. Papasok ng main lobby ng kumpanya. At kagaya ng tagpo kahapon ay nakatingin sa kaniya ang mga naroon.
Tila nabibighani sa kaniyang kagandahan at poise habang naglalakad suot ang kaniyang mamahaling high heels at signature dress na kulay dilaw na hapit na hapit sa hubog ng kaniyang katawan.
She's feeling great today. Sino ba ang hindi sisigla sa mga bitamina na kaniyang inilunok kagabi?
Namula ang mukha niya. Napakagat siya sa kaniyang labi ng maalala ang tagpo kagabi. Ang sandali na halos mapuno ang kaniyang bibig sa dami ng pinakawalan nito. Na hinabol pa ng kaniyang mga daliri ang mga tumulo sa kaniyang leeg upang dalhin sa kaniyang bibig.
Napahinga siya, ipinaglapit ang kaniyang hita ng maramdaman niya ang kaniyang pagkabasa.
Inalis niya muna ang naiwang pagnanasa na nasa isipan niya bago lumabas ng elevator.
Tumungo siya sa opisina kung saan siya kikitain ng board. At kagaya ng kaniyang inaasahan ay nagumpisa na ang mga ito.
"Hi! I'm sorry, I'm late." Wika niya ng buksan ang pinto ng conference room na nababalot ng salamit at nakikita ang mga nasa loob mula sa labas.
"It's okay, Ms.Perez, please have a seat." Wika ng Vice President ng department.
Napatingin siya sa paligid at nakita ang bakanteng silya sa tabi ni Vivian na mukhang kanina pa rin siya inaabangan.
Kapwa na sumilay ang ngiti nila. Binigyan siya nito ng makabuluhang tingin. At ng maupo siya sa tabi nito ay naramdaman niya pa ang pag-kurot nito sa tagiliran niya. Na tila ay handa na makinig sa mga chika niya pagkatapos ang meeting.
"Ms.Perez called me last night regarding the project with Mr.Guevara. And a while ago I also received a call from Sir. Alex regarding the confirmation of his preferred design for his new bar." Wika ng VP nila kaya nagkatinginan sila ni Vivian.
"And he insist na wag ng ilipat pa ng project manager lalo pa at ang design naman na gagamitin ay ang kay Ms.Perez. What do you think Ms.Perez?"
Napatingin siya sa VP. Naalala niya si Alex, parang ang hirap ng tumanggi matapos ng nangyari kagabi. "It's fine with me. But sir I need to coordinate with NYC Gold since nandito lang ako sa Pilipinas for my Vacation. If I will be handling the project, I need to inform them na I have to stay here for a couple of months or even a year if ako ang hahawak ng project na iyan," paliwanag niya pa rito lalo na at hindi naman ganoon kadaling tapusin ang plano para sa project.
"Actually, we already informed them regarding this. At pumayag sila for you to stay here that long, since na-anticipate na namin ang itatagal ng project. NYC Gold told us na it will be posible if the CCIO of GAI Philippines will be transfered in New York as your replacement pansamantala,"
Napatingin sila kay Vivian na nagulat sa sinabi ng VP. Hindi nito alam ang tungkol doon. At bilang siya ang CCIO rito ay siya ang ipapadala sa New York habang narito si Sugar. "Wait, Sir? I'm going to Nee York?" tanong ni Vivian na hindi makapaniwala.
"It depends if pumayag na si Ms.Perez. If against her will to handle ang project with Sir Alex ay hindi naman natin pipilitin. It's for her to decide if she will accept it ang let you to be her replacement as CCIO in New York." Sagot pa ng VP.
Napatingin siya kay Vivian. Alam niya kung gaano ka-gusto nitong pumunta ng New York. Na ilang beses na itong nag-nais na mag-resign to apply a job abroad. Hindi lang matuloy-tuloy dahil mahal nito ang trabaho sa kumpanya.
Naisip niya si Alex. Bago pa ang mangyari sa pagitan nila ay nakapagdesisyon na siyang tatanggapin niya ang project. Hindi niya lang maisip ang magiging setup lalo pa at umuwi talaga siya sa Pilipinas para lang magbakasyon. At kung ipipilit na matapos ang project sa buwan ng leave niya habang narito siya ay mawawala talaga ang oras niya sa kaniyang pamilya.
Naisip niya ang kaniyang pamilya. Kapag tinanggap niya ang offer na sinasabi ng VP ay hindi lang sya magkakaroon ng oras kasama si Alex ng matagal. Kundi maski na ang kaniyang pamilya. Oo narito siya sa manila pero maaring umuwi siya sa probinsya kung kailan niya gustuhin.
Magkakaroon siya ng oras para sa kaniyang mama, at ng oras sa umuusbong na relasyon kasama si Alex.
"Okay sakin." Sagot ni Sugar kaya napalabi si Vivian.
"Huy, Sugar! Are you sure? You can say no naman."
Umiling si Sugar. "Our client wanted me to handle the project, so I will do it. Besides, Viv. I think it's your time now to go to New York. And I know NYC Gold will be happy that you will be joining them, while I'll be here in the Philippines to take your position for a while." Aniya pa kaya napangiti ang mga naroon.
Agad na hinawakan ni Vivian ang kaniyang kamay at pinisil iyon.
"Kung ganoon, I think wala ng problema pa? I will be coordinating with the HR regarding the replacement ang transfer of Vivian," wika ng VP bago tumayo upang tapusin na ang meeting.
Nagsilabas ang mga naroon maliban kay Vivian at Sugar. Agad na niyakap ni Vivian si Sugar sa labis na tuwa.
"Oh, My God! I can't believe it! Sigurado ka ba?" naniniguradong tanong ni Vivian sa kaniya. Tumango naman si Sugar bilang sagot.
"Huy Sugar ha? Grabe! Hindi ko inaakala!"
Napatingin si Sugar sa paligid at bumulong kay Vivian. "Pagdating mo doon wag ka ng magpapabalik sa Pilipinas. Maraming posisyon na pwedeng applyan doon ako na bahala sa iyo," wika niya pa.
Natawa si Vivian. "Iyon nga ang gagawin ko." Mahina niyang sagot at pareho silang natawa.
"I'm sure matutuwa ang hubby ko. After a year na nasa New York ako, I can petition na mag-migrate sila ni Baby doon. Hayy.. sa wakas! Matutuloy na ang New York dream namin."
Muling lumapad ang ngiti ni Sugar. Niyakap niya si Vivian. "I'm so happy for you."
"Pero sure ka na ayos lang sa 'yo? I mean is.. nandito ka lang sana for vacation tapos biglang magpapalit tayo?"
Lumapad ang ngiti ni Sugar. "Nag-congratulate ako sa 'yo. It's your time to congratulate me."
"Congratulations for the project!" Bati nito at napa-iling si Sugar.
"Gaga, hindi iyon. Higit pa." sagot naman ni Sugar habang hindi naalis ang ngiti sa labi niya.
"Ha?" Nagtatakang tanong ni Vivian.
Para naman nagningning ang mata ni Sugar. "I think, this is it na talaga... Na wala pala sa New York ang mapapangasawa ko.. kundi narito sa Pilipinas."
"Ha?" Tanong nito nguniti hindi kalaunan ay nanlaki ang mata ni Vivian na tila na-gets ang sanasabi ni Sugar. "Oh, My God! Don't tell me--" napalingon si Vivian sa paligid. "Don't tell me na nag-s*x kayo ni Mr. Guevara kagabi?"
"Shhh--" hinatak niya si Vivian na malapad ang mga ngiti. "Hindi kami nag-sex." Napakagat si Sugar sa kaniyang labi. "Tinikman ko lang, tinignan ko kung masarap." Aniya kaya halos mapasigaw sa kilig si Vivian.
Ngayon ay namumula ang mukha ni Sugar.
"So ano? Masarap ba?" Tanong ni Vivian.
Muling napakagat si Sugar sa kaniyang ibabang labi pagkatapos ay idinala ang ilang hibla ng buhok niya at inipit iyon sa kaniyang tainga bago napangiti.
"Sarap.. nakaka-adik. Busog na busog ako sa kaniya, Viv. I can't stop thinking of him na. I think... He is the one na."