"Tita, bangon ka na daw sabi ni Lola." rinig niya ang tawag ni Lele sa labas ng kanyang pintuan. Mahina ang pag-katok nito sa pinto. Pero hindi naman na niya kailangan gumusing, dahil ang totoo ay hindi pa siya natutulog. Hindi niya magawang ipikit ang mga mata niya dahil sa mga nag-halo-halong problema na kinakaharap niya. Noong isang araw nalaman niya ang katotohanan sa pagkatao ni Alex, na kung ano ang saya na pinagsaluhan nila ng umaga na iyon ay dalamhati ang ipapalit sa sandali na iwan niya ito upang putulin na ang kung anong namamagitan sa kanilang dalawa. Naalala niya ang sandali ng sumakay siya sa sasakyan at iwan si Alex sa parking lot, hindi niya napigilan ang sarili na talagang humagulgol habang nagda-drive papalabas sa establishemento at nakikita ito s