Ni minsan sa talambuhay niya ay hindi niya naisip na makipag-relasyon sa mas bata sa kanya, lalo pa at napakalaki ng agwat sa edad niya. Lumilipad ang isip ni Sugar. Wala siyang maisip kundi ang kagagahan niya. Akala pa naman niya ay kilala na niya ng lubusan si Alex pero hindi pa pala. Isang buwan ang lumipas pero ni wala man lang itong binanggit tungkol sa kung sino talaga siya. Tinawag niya pa itong Mr. Guevara at hindi man lang nito sinabi na hindi siya iyon. Buong akala niya ay ito si Mr. Guevara na VIP client lang, iyon pala ay ito ang anak ng mag-ari ng buong kumpanya na pinagtatrabahuhan niya. Pero hindi naman iyon ang problema. Ang ikinagalit niya ay pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya nito dahil ipinagkait sa kaniya ang katotohanan. Ngayon nang dahil sa kanyang mga na