"Magiingat kayo ha?" wika ng Mama Zen niya sa kanila ni Alex. Niyakap siya nito pagkatapos ay napangiti. "Huwag masyadong magmadali na umuwi, maraming gagawa ng trabaho mo rito, mag-enjoy lang kayo ni Alex sa Manila." bilin pa nito bago kumindat kay Alex. "Sigurado ka ba Ma? hindi naman kami mag-stay ng matagal sa Manila, pwede naman ako umuwi agad incase na kailangan ni Alex mag-stay pa." sabi naman ni Sugar na tila nag-aalala rin lalo pa at marami silang orders at kaunti ang tao nila. Nakapag-hire siya ng dalawang ta-tao sa office sa hatchery pero kulang pa rin iyon. "Hayy, sinabi na ngang okay na eh, basta mag-enjoy na lang kayong dalawa. Nakausap ko na rin ang Tita mo at tutulungan niya ako sa pag-ha-hire ng kakailanganing tao. Basta huwag na kayong mag-alala." Niyakap