Chapter 37

1566 Words

  "Huy! Sugar?! Totoo ba na syota mo na si Alex?" Tanong ni Anneth na isa sa mga chismosa sa labas ng bahay nila.   Hindi naman na maitatanggi ang relasyon nila ni Alex lalo pa na lagi silang magka-holding hands lalo na pag lalabas. Madalas pang maging sweet sa kanya si Alex, aakbayan o kaya naman ay bigla siyang hahalikan na lang bigla kapag naglalakad sila. Si Alex yung tipo ng tao na walang pakialam kahit sabihan sila na PDA. At dahil din doon kaya naman ay madalas silang usapan hindi na lang rito sa kanilang street kundi maski na sa palengke kapag pumupunta sila roon.   "Oo kami na ni Alex." Nakangiti na sabi ni Sugar kay Anneth.    "Pero hindi ba? mas matanda ka sa kanya ng hindi hamak? ilang taon ba si Alex? ilan gap ng edad niyo? 15 years?"   Napasimangot siya. "10 years."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD