Lumabas si Sugar ng Villa, sakto ay may huminto na sasakyan sa harap niya. Napatigil siya ng paglalakad ng mapansin na pamilyar ang sasakyan na iyon. At tama siya ng iniisip ng makita si Alex na bumaba roon at dali-dali siyang nilapitan. "Mag-me-message pa pang sana ako na pauwi--" hindi niya natapos ang kanyang sasabihin ng yakapin siya nito. Halata sa mukha ni Alex na nag-aalala sa kanya. "Ayos ka lang ba? Anong ginawa ni Mama sa 'yo? Sinaktan ka ba niya? May masakit ba sa iyo?" Sunod-sunod na tanong ni Alex. Tipid siyang ngumiti at niyakap ito. "Wala, I'm fine.." aniya pero hindi iyon pinaniniwalaan ni Alex. "Nandyan pa ba siya sa loob?" Ngayon ay halata ang galit sa mukha nito. "Alam kong imposible na walang ginawa sayo si Mama. Kakausapin ko siya! F*ck! Kung alam ko la