Tawang-tawa si Russel hanggang didto sa Arcade na naging tambayan na namin sa loob ng isang mall. We still have two hours bago ang sunod na clase, habang ako nama'y sandamakol ang mukha. It was my first time na masita ni Ms. Perales. I was very careful not to get scolded by her. She was really scary but the guts of that jerk, I swear, I’ll kill him myself. Cale!
"Dudes, walang nakakatawa." Sinita ulit sya ni Ryan, naiinis na. Matalim kong tinignan si Russel. Kalaro ni Ryan si Chinny sa baril-barilan.
"Uy! Aminin niyo gusto ninyong tumawa nang makita ang reaction ni Ms. Perales." Tinuro pa niya kami isa-isa. "Ganito yung mukha niya, o." Ginaya pa niya talaga ang hitsura ng masungit naming prof. "Di talaga kayo natawa? Mamatay?"
"Gago! Mauna ka!" Natatawang saad ni Leo na busy sa paglantak ng mga tsokolateng deniliver kanina."Dan, sure ka ayaw mo?" Paninigurado pa sa akin ni Leo. Umismid ako.
"It's all yours Leo. I-uwi mo kong gusto mo." Saad ko.
"Kanino ba kasi galing yan?" Tanong ni Chinny.
"Demonyo may-ari niyan!"
"Ang sweet naman ng demonyong ‘yon." Kinikilig na saad ni Diesa.
"Bigay ko sayo number, gusto mo?"
"Guapo ba yan? Hot din ba?" Tanong niya. Tangina, parang interesado pa nga, ngunit di ako agad nakasagot sa kanyang tanong.
"Seryoso? Hot at guapo talaga?" Nakakabasa ba ‘to ng isip si Diesa? ‘Di pa nga ako nakasagot alam na nya agad nasa isip ko.
"Hindi!"
"O, ba't parang galit ka!" Tumawa si Diesa.
"Is he courting you?" Sumabat naman si Ryan. He souded serious ngunit ang focus ay nasa nilalaro.
"Hindi!"
"Then, bakit ka nya pinadal-"
"Para inisin ako." I cut Chinny off.
"Ang sweet naman niyang mang-inis-" Sabat ni Dies ulit.
"Can we please stop talking about that jerk, please." Inis kong putol sa kanila.
Maya-maya ay napagpasyahan naming bumalik na campus para umattend sa susunod na subject.
Naglalakad kami sa hallway ng mall patungo sa labasan nito, nadadaanan namin ang iba't ibang fast food chain, boutique ng designer bags and apparels, restaurants.
Kadalasan ay babasagin ang dingding ng mga nadadaanan naming mga tindahan. Kitang-kita ang mga nakahelerang maniquin na suot ang mga brands ng binibentang mga kasuotan, o kaya'y mga taong kumakain sa loob ng mga restaurant at fast food chain.
Ryan and I were so busy talking, when suddenly Diesa stopped, napahinto rin kami.
"Danny, is that your mom out there? And who's that guy? May edad na pero ang hottie, huh." Sinundan namin ng tingin ang tinuro ni Diesa and confirmed, it was my mom.
"May boyfriend na Mommy mo?" Leo asked.
"Hoy, napakajudgemental niyong tao. Baka Client lang ng mom niya ‘yan!" Chinny said.
But, I couldn't agree with Chinny. My mom and the man she’s with right now didn't look like what Chinny said. The two were so sweet. They looked like love birds. I saw admiration in my mom's eyes while listening to the man. She was smiling and it was genuine.
I went inside the restaurant and walk straight towards them. I want to know right now kung tama ba ang hinala kong magkarelasyon silang dalawa. Nanatili sa labas ang mga kaibigan ko.
"Dito nalang tayo maghintay. Let’s give them privacy." Rinig ko pang saad ni Chinny.
"Mommy?" Sabay silang dalawang nag-angat ng tingin sa akin. Nakita ko ang gulat sa mukha ng Mommy ko.
"Danny, sweetheart." I stared at my mom's eyes. Nagpalipat-lipat ang tingin nito sa akin at sa lalaking kasama. She looks so tense, she swallowed hard.
On my pheripheral view nakita ko ang paghawak ng lalaki sa kamay ni mommy sa ibabaw ng lamesa. Marahan niya itong pinisil. Napalingon si mommy sa kanya, napatingin rin ako sa lalaki. Nakita ko itong tumango kay Mommy. Na para bang sinabi nitong, go ahead tell her.
Malalim na napabuntong hininga si mommy. Na para bang she was cornered at wala nang ibang magawa kundi ang sabihin ang totoo.
Hinawakan ni mommy ang kamay ko at giniya akong umupo sa bakanting upuan sa gitna nilang dalawa. Sumunod ako. I only looked at her. Tiningnan ko sya sa mga mata upang malaman ko kung nagsasabi ito ng totoo.
"This is Hugo Montefalco." I was halted when I heard his name, if I was not mistaken, he is my mom's boss. He owns the Montefalco hotel and Suites. Napapikit ako, ang tanga ko.
"He is your boss, right? Oh, I'm sorry--"
"Yes and my boyfriend..." My mom cut me off na mas ikinagulat ko. Nakumpirma nito ang hinala ko. My lips parted in shock. "I'm sorry sweetheart, I didn't tell you. May plano naman talaga akong sabihin sayo, naghahanap lang ako ng tyempo.”
"How long you two have been together?" I seriously asked.
"Seven months..." Mahinang saad ni mommy. She felt so guilty. Napanganga ako ulit.
"That long? And you didn't bother to tell me?" Mabuti na lamang at iilan lamang ang kumakain sa restaurant na iyon at nakapwesto malayo sa iba, walang nakapansin sa namumuong tensyon sa aming tatlo.
"I wasn't prepared Anak, I'm sorry." She feels sorry. I could see it in her eyes.
"I love your mom, Danny." Napatingin ako kay Sir Hugo. "I hope you give me a chance to prove to you my good intentions to your mom." I saw the sincerity in his both eyes.I just hope I was right. "I love to take good care of the two of you, you as my daughter since I don't have one." Ngumiti ito sa akin. Nilipat ko ang tingin kay mommy she still feels sorry.
Matagal bago ako nagsalita, nagiisip ako ng sasabihin, tinitimbang ko ang sitwasyon at pinagiisipan mabuti ang dapat na reaksyon.
Kapagkuwa'y mahina akong bumuntong hininga .
"All I ever wanted is for my mom to be happy." I started, "If she's happy loving you then who am I para handlangan ang kaligayan nya." My mom's face started to glow. Na para bang nabunutan ng malaking tinik sa dibdib. Tinignan ko ulit si Sir Hugo. "Just please don't break my mom's heart again just like how my biological father did. My mom is such a wonderful person and she deserves to be love wholeheartedly." Napangiti si Sir Hugo at tumango. Pinisil ni Mommy muli ang kamay kong hawak niya and when I looked at my mom again, she was already tearing up na agad din nya itong pinahid. Very careful not to ruin her make-up.
"Thanks, sweetheart. I love you." She whispered.
"Thanks, Danny. " Sir Hugo smiled at me.
After class, my mom fetched me up.
"Where will you like to have dinner, Anak?" My mom asked.
"Mom, why didn't you tell me?"
Napalingon si Mommy sa akin ngunit agad then ibinalik sa kalsada ang tingin.
"I was afraid you get mad at me..."
"Why would I Mommy?"
"You didn't get mad when you know that I already have a boyfriend?"
"No, but I was mad that you didn't tell me but I'm good now. Mukhang mabait naman si Sir Hugo."
"Thanks, sweetheart." Ngumiti si Mommy, sandali nya akong sinulyapan.
"Mahal mo, Mommy?" I asked her.
"Sobra... "
And it was enough for me to support her. Ayokong maging kontrabida sa buhay ng sarili kong ina. All her life umikot ang mundo niya sa pagpapalaki, pagaalaga at pagmamahal sa 'kin. She raised me alone. My father was a married man and my mom didn't know that my biological father was married when they were in a relationship. When my mom found out about my dad's family, si Mommy na ang lumayo ngunit lingid sa kaalaman niya na nasa sinapupunan na pala niya ako. I never saw my dad personally dahil nag migrate ang pamilya nito sa London but I saw him in pictures. I really look like him. I don't hate my dad and still look forward to meet him kapag ready na ako at ready na rin si mommy na ipakilala ako.
When we came home after dinner ay dumiretso na ako sa aking silid.
I took a bath and did my skincare routine. Nagbihis ako, gumapang ako sa taas ng aking kama at pumaloob sa malambot kong comforter.
I decided to turn on my phone. I didn't turn it on simula noong subject ko kay Ms. Perales kaya nang umilaw ito ay nagsisulputan ang mga notifications at text messages ko.
Then my phone rang, here we go again. It's none other than, Cale dahil unregistered number lang naman ulit ang nakikita ko sa screen.
First, I decided to turn it off but knowing kung gaano ito kakulit ay sinagot ko na ang tawag nya.
"What!?" Mahina pero may inis ang gamit kong boses.
"I miss you. Let see each other, please. " Napataas ang kilay ko, napaismid. He sounded so sweet and serious. Kung makaasta ay parang may relasyon kaming dalawa.
"No!" Naiinis pa rin ako. Alam ko ring nangtri-trip na naman ito.
"Uhm, what if bisitahin nalang kaya kita total I already know where you live." Lumaki ang mga mata ko. Mapapatay ko muna siya bago siya makita ni Mommy.
"Don't you ever do that! I warn you, Cale!"
"By the way, I almost forgot. How did you know my first name? I couldn't remember if I told you pero natandaan ko you were the one who kissed me first that night. You found me the hottest man and threw yourself at me ---"
"O, tapos?!" I annoyingly asked. Making him feel that I wasn't interested. He started to sound annoying again. Gwapong-gwapo sa sarili. Pinaalala pa sa akin kung paano ako nagpapakarupok ng gabing iyon. Damn, him!
"Can I have that version of you again? The marupok one." Tila nakikita ko ang ngising-aso ni Cale sa kabilang linya.
"What I need to do para tantanan mo na ako?"
"Another one-night stand." Walang preno nitong sagot.