Kabanata 2

956 Words
Shae's PoV "Sasamahan na kita."sabi niya at sabay hawak sa kamay ko, ngayon lang ako nakaramdam ng may humawak sa kamay ko at si Kei 'yon. Paglabas namin ng parking lot nakita ko agad ang kotse niya na kulay gray at sumakay agad kami doon at pati din siya. "Seatbelt."sabi niya at nataranta naman ako kasi naman hindi all sumasakay sa mga ganito maliban sa taxi pwede naman walang seatbelt. "Akala ko pwede din walang seatbelt dito hehe."sabi ko at bigla siyang lumapit sa akin at kinabitan ako ng seatbelt. "Taghirap ka kasi."nagsalita ang bilyonaryo pfft. "Ikaw na talaga."sabi ko at bigla siyang tumawa ng mahina at nagsimula na mag maneho Buong biyahe naisip ko parin ang ginawa sa akin ni matt napakasama niya talaga at wala siyang puso. "Naisip mo na naman ba si Matt?"bigla akong nanigas sa kinauupuan ko at nilingon siya "Ako?! Iniisip ang demonyong 'yon? Patawa!"masungit kong sabi at inirapan siya Naramdaman kong huminto na ang kotse kaya lumabas na ako pati din siya. Nasa resto pala kami pumunta kaya pala medyo malapit lang. Pumasok na kami sa loob at may kinausap pa siyang mga waiter siguro para sa table namin. "Anong gusto mo kainin?"tanong niya sa akin hindi pa nga kami nakakaupo nagtanong na agad. "Teka hindi pa nga tayo nakakaupo eh"sabi ko at itinuro na sa amin kung saan kami uupo. Umupo na ako at pati rin siya. Hindi ba nakakahiyang kasama siya? Wala kaya ako pang bayad sa ganitong resto. "Pwede kahit juice nalang?"sabi ko at bigla niya akong tinignan ng masama sabi ko nga pati pagkain. "You should eat pasta."sabi niya wew nemen ang mahal niyon mga teh. "Okay"iyon nalang nasabi ko at umorder na nga siya at naghintay kami. Habang nag hihintay kami bigla ba naman niya akong picturan gamit ng Iphone6 niya. Oo siya na talaga mayaman. "Burahin mo nga 'yan!"irita kong sabi at tinatakpan ko ang mukha ko at siya naman tawa ng tawa "Ilalagay ko lang sa sss na nakita ko na ulit ang-- kaibigan ko."nautal pa siya sa pag banggit ng kaibigan meron bang tinatago 'to? "Ewan ko sayo."sabi ko at saktong dumating na ang pagkain namin kaya naman kinuha ko agad sa waiter ang tinidor at kutsara at kumain na agad ako aalis na din ako pag katapos inaasar lang ako palagi ni Kei eh. Tahimik lang kaming kumakain at minsan napapansin kong nakatingin siya sa akin kaya lumululunon ako ng laway este ng kinakain ko naman kasi hindi ako sanay ng tinititigan. "May problema ba sa maganda kong mukha?"pagbibiro ko at bigla siyang tumawa at sabay kain. "Wala naman ang panget mo kaya. Paano ka magiging maganda?"sabi niya kaya nainis ko at binato siya ng tissue. Pagkatapos kong kumain uminom kaagad ako ng tubig at agad na tumayo at hindi siya pinansin kahit na tinatawag niya ako kaya ang nagawa ko nalang ang tumakbo buti nalang naka flat shoes ako. Nakarating ako sa labas at nakita ko ang kotse niya kaya nag tago ako doon at hindi pa rin niya ako makita nag unat na nga mga leeg niya kakahanap sa akin hanggang sa pumunta siya sa gawing kanan at ako naman pumunta pakaliwa. "Hahahaha kawawa naman siya!"bulong ko sa sarili ko at humalakhak ako mag isa hanggang sa may natumbok ng pwet ko kotse siguro 'to. "Ha Ha ang saya mo naman samantalng ang boss mo nagpapakahirap sa trabaho tapos ikaw patawa tawa nalang?"nagulat ako dahil narinig ko ang boses ni Matt. Ang boses na gustong gusto ko araw araw naririnig na kahit na sesermonan niya na ako. "Boss pabalik na din ako--"naputol ang sasabihin ko nung sinarado niya agad ang bintana ng kotse niya at iniwan akong magisa dito sa kinatatayuan ko. Ang sama niya talaga kahit kailan pero kahit ganun siya gusto ko pa rin siya at hindi ako mag sasawang titignan ang mga mata niya at abs ayy ano bang iniisip ko? Nag patuloy na ulit ako sa paglalakad at napatapat na pala ako sa kompanya na kaya dali dali na akong pumasok doon ng bumungad sa akin ang katawan nino ba 'to? "Excuse ho"sabi ko at hindi parin niya akong pinapadaan hanggang sa may makita akong papel sa mukha ko. "Do this hindi ka pwedeng umuwi hangga't hindi mo natatapos lahat 'yan!"napanganga ako sa narinig kong boses at pag tingala ko nakita ko si Matt na galit na galit ang mukha kaya wala na akong nagawa. "Si--ge po"nauutal kong sabi at pumasok na sa loob ng kompanya at pagkapasok ko sa loob ng office ay umupo kaagad ako at hinanap ko ang laptop niya nasaan 'yon? Hanggang sa makakita ako ng isang sticky notes. Isulat kamay mo 'yan wala akong pake kahit mapagod kapa. -Boss Matt Panes! As in panes, leche ang tagal ko pa naman mag sulat pag ganito kahaba. Ano ba naman 'yan! Nakakainis na talaga siya pag ako na puno na mag-- Nahinto ako sa inisip ko at akmang babatuhin na sana ang mga papel ng may maisip ako. Oo nga pala gusto ko siya at kahit anong sabihin niya hinding hindi ko magagawang magalit sa kanya kahit na pinapahirapan niya ako Umupo na ako at nag simula na akong mag sulat ng mga dapat ilagay dahil may mga mali dito sa papel na kailangan itama at umabot na ako dito ng 10pm pero hindi ko pa rin tapos meron pa kasing limang papel na natitira. Hindi ko namalayan na inaantok na pala ako.. -- Nagising ako sa mainit na nakadikit sa kamay ko kaya pag tingin ko isang kape na may nakalagay na sticky notes at laking gulat kong makita ang pangalan ni Kei. Umuwi kana ako ng tumapos ng ibang pinapagawa sayo ni Matt. - Kei Pagtingin ko sa mga papel okay na ang lahat at napangiti ako biglang ang swerte ko talaga at nagkaroon ako ng kaibigan mabuti at may malasakit saakin kahit na may pag ka masungit ako. Tumayo na ako at kinuha ang kape para inumin kaso may biglang pumasok. "Are you done?"nanigas ako sa kinatatayuan ko ng bumungad sa akin si Matt. At talagang pumunta pa siya dito para alamin kung tapos na ako? Hayss **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD