Kabanata 3

1052 Words
Shae's PoV "Are you done?"nanigas ako sa kinatatayuan ko ng bumungad sa akin si Matt. At talagang pumunta pa siya dito para alamin kung tapos na ako? Hayss. "Oo tapos na ako saan ko ba lalagay 'to?"tanong ko sa kanya at tinuro niya ang drawer niya at agad ko naman inayos ang mga papel at envelope at nilagay sa drawer niya 'yon ng may makita ako isang picture ng babae kaya napatitig ako. "Don't look at my private pic."narinig kong seryoso sabi ni Matt kaya nataranta akong isarado ang drawer niya, Sino ang babaeng 'yon? Ex-girlfriend ba niya 'yon? Inubos ko na ang kape at tinapon ito sa basurahan at paalis na sana ako ng hatakin niya ang braso ko kaya napatitig ako sa mga mata niyang seryoso kung makatingin. "Mag iingat ka."iyon lang sinabi niya akala ko ba naman ihahatid niya ako. Hello Shaenna? May girlfriend na yata siya obvious naman na 'yong nasa drawer niya ay jowa niya! Pssh. Dumeretso na ako palabas at hindi pa rin ako mapakali dahil parang naiinis ako at nasasaktan na ewan. Dapat nga hindi ako masaktan dahil ano ba niya ako? ?sa lang naman akong secretary sa kanya. Nang makalabas na ako ng kompanya ay agad akong nag para ng taxi at sinabi dito kung saan ako patungo. Tumingin ako sa may bintana at biglang umulan kaya kinalkal ko ang payong ko sa bag ko at wala doon 'yon. "Mukhang malakas ang ulan teka may payong ka ba?"tanong sa akin ng driver at umiling na lamang ako siguro papaulan nalang ako hindi naman masama eh. "Wala po eh hayaan niyo po magiging okay lang po ako."sabi ko kay manong at nakarating na ako medyo malayo pa ang bahay dahil hindi makakapasok ang taxi dahil nga street itong lugar ko. Tumakbo ako habang nakataas ang dalawang kamay ko sa ulo ko basang basa na ako sa ulan at lalong palakas ng palakas hindi naman siguro ako mag kakasakit nito. Nakarating na ako sa bahay at nag tanggal agad ako ng flat shoes ko at sabay takbo papuntang banyo at naligo. Matapos kong maligo humarap ako as salamin at ngumiti ako ng pilit. "Huminahon ka Shaenna. Girlfriend niya ang nasa drawer at wala akong karapatan masaktan."bulong ko sa sarili ko at nakita ko sa salamin ang sarili kong umiiyak. Bakit ako umiiyak? Nasasaktan ba ang puso ko sa mga nalaman nito? Parang tinusok ang puso ko ng maraming beses at paulit ulit pa itong sinasaksak. Napayuko ako at humagulgol ako sa pag iiyak, ang lalaking mahal ko may kasintahan na, ang lalaking mahal ko ay may pinakaimportanteng babae pero totoo nga ba lahat ng iniisip ko? Napatingala ako dahil may naisip akong pag tatanungan kung totoo nga ba ang lahat na isa lang naman ang nakakakilala kay matt ay 'yon si kei ang kaibigan ko. Lumabas na ako sa banyo at kinuha ko sa bag ko ang phone ko at tinawagan ko siya agad naman niya 'yon sinagot "Hello?"bati ko sa kanya at pinatutuyo ko ang buhok ko sa electric fan. [Gabi na napatawag ka? hindi ka ba makatulog?]ang worry niya talaga sa akin kahit kailan. "Kakauwi ko lang, nabasa pa nga ako sa ulan kasi wala akong payong hehe"sabi ko sa kanya at bigla kong narinig na nag mura siya. [What the? You should called me or texted me if you don't have an umbrella. Oh for f***s sake Shae.]sabi niya sa akin at sinuklay ko na ang buhok maikli. "Eh hindi ko naman alam na wala akong dala eh nasa taxi na ako ng malaman kong wala akong dala"pag paliwanag ko sa kanya. [Pupunta ako diyan hintayin mo ako.]sabi niya. Bakit naman siya pupunta dito? Wala naman akong sakit ah? Binaba na niya ang tawag kaya umupo nalang ako sa sofa at binuksan ko ang TV para manuood anong oras na kaya. Pupunta talaga ang lalaking 'yon? Narinig ko ang pagkatok sa pinto kaya tumayo ako at binuksan ko ang pinto at nagulat ako sa sumunod na nangyari dahil.. Si Kei, niyakap niya ako ng mahigpit kaya yumakap na rin ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit niya ginawa 'yon pero ang alam ko lang nag aalala siya sa akin palagi parang kapatid na kasi ng turing ko sa kanya. "Ang OA mo Kei ah. Okay lang naman ako."sabi ko sa kanya at kumalas siya at tinignan kung may lagnat ako at nakahinga naman siya ng malalim. "Akala ko may sakit pinag alala mo ako."sabi niya sa akin at pumasok na siya ng tuluyan. "OA mo kasi eh sabi ko naman sayo na okay lang ako"sabi ko sa kanya at ngumuso pa ako at may pinakita siya sa akin na dala niya ay ang mga gamot. "Kailangan mo 'to kaya binili na kita"sabi niya sa akin at lumapit naman ako sa kanya at kinuha 'yon "Oo na po upo ka muna mag hahanda ako ng pagkain"sabi ko sa kanya at tumango naman siya sabay upo sa sofa. Pumunta na ako ng kusina at patuloy parin sa pag ulan at biglang nawalan ng ilaw kaya natakot ako kasabay ng pagsakit ng ulo ko takte 'yong totoo lord binigyan niyo talaga ako ng sakit para maalagaan ni Kei? Bigla akong bumagsak at napasama ko doon ang mga kutsara kaya narinig ko ang yabang ni Kei na alam kong nag aalala siya sa akin. "s**t! ito na nga ba sinasabi ko eh"sabi niya at binuhat ako kahit na hindi niya kita ang daa nakarating pa rin kami sa kwarto ko. Hiniga niya ako at kinumutan nag hanap siya sa drawer ko kung may flashlight pero bigo siya kaya ang ginamit nalang niya ay ang phone niya at lumabas ng kwarto ko Matagal siya bago makabalik pagpasok niya dito ulit may lugaw siyang dalaw at nilapag niya 'yon sa ibabaw ng drawer ko at may tubig nang kasama 'yon. "Kumain ka muna ng lugaw bago ka uminom ng gamot."sabi niya sa akin at sinusubuan niya ako ng lugaw at bigla akong nakaramdam ng t***k sa puso ko bakit tumibok ang puso ko? "Dito ka lang.."hindi ko alam kung saan lupalop ko kinuha ang mga salitang 'yon sa totoo lang takot ako sa dilim at ayokong ako lang ang magisa dahil iiyak lang ako. "Yeah, i know"sabi niya at sinubuan niya ulit ako ng lugaw. "I will be always by your side no matter what happen."sabi niya ng mapatitig ako sakanya at nakaramdam ako ng sunod sunod na pagtibok hindi pwede 'to si Matt lang ang tinitibok nito hindi pwede mas mahal ko si Matt kaysa sa kanya. **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD