Jethro and I were sitting together at the gutter, but with a distance between us that's enough for two people to sit with us. The atmosphere was so quiet and cold that I almost shiver. We were sitting for almost ten minutes in silence. He wasn't talking to me, and I couldn't bring myself fo speak first. I was happy and contented that he didn't walk out and turn his back on me.
My phone vibrated after a while because of the message I jusy received from Gavin.
From: Gavin
I'm home. My cousins are here already. Just gonna take a quick shower and then, we're off to The Island.
I bit my lower lip and decided to type in my reply quickly.
To: Gavin
Okay. Please take care.
Ibinaba ko ang aking cellphone at halos mapatalon ako sa biglang pagsasalita ni Jethro na kanina pa tahimik.
"Si Gavin ba 'yon?" tanong niya sa akin.
Bahagya ko siyang nilingon ay nakita kong hindi siya makatingin sa akin kundi sa kawalan. Bumuntong hininga ako at saka tumango.
"Oo," sagot ko.
His jaw clenched once again and balled his fist. I could see his knuckles turned to white because of that action.
"Bakit ang bilis naman ata, Keanna?" tanong niya sabay lingon sa akin. Agad na tumama sa akin ang kanyang namumungay na mga mata.
Ako naman ngayon ang nag-iwas ng tingin sa kanya. Kailangan ko nang aminin na matagal na kaming lumalabas ni Gavin at hindi ko lamang iyon sinasabi sa kanya kaya wala siyang kaalam-alam.
"We've been spending time with each other for the whole sem..." I finally admitted. "Madalas kaming lumabas para mamasyal, magkasama rin kumain pati na rin sa pag-aaral. He's... He's a great man, Jethro."
He sported a smirk sarcastically before he stood up. I thought he was already leaving, but he turned to me again with a frustrated expression. His eyes were bloodshot. I didn't know he's be this angry at me for keeping secrets from him.
"Hindi mo man lang sinabi sa akin?" punong-puno ng hinanakit ang kanyang boses.
"Hindi ko sinabi sa'yo dahil alam kong hindi maganda ang tingin mo sa kanya," katwiran ko. "Sinabi mo rin sa akin noon na hindi naman kami nababagay 'di ba? Kasi naiiba siya sa sa akin... sa atin! Pero napatunayan kong mali ang iniisip mo tungkol sa kanya."
"Nasasabi mo lang 'yan ngayon dahil bago pa lang kayo!" sagot niya pabalik. "Of course, he'll show you all the great things about him that he wanted to show you because he likes you and he wants you. But let's see how you will two end up in the long run... Sasabihin mo sa akin na tama pala ako at dapat nakinig ka na lang sa akin."
Ang mga binabato niyang mga salita sa akin ay parang punyal na tumatama sa aking dibdib. Pakiramdam ko ay unti-unti ako nitong nasisira.
"Look, Keanna..." medyo huminahon ang kanyang boses. "Sinasabi ko sa'yo 'yo dahil ayokong masaktan ka."
Alam ko... Alam ko naman 'yon pero... "Why don't you just support me on this one, Jethro?" Sa wakas ay nailabas ko na ang mga salitang nais kong itanong sa kanya.
If I'd get hurt eventually like what he predicted, then, that's okay. Kasama naman talaga 'yon sa pagmamahal, 'di ba?
Matagal ko na itong pinag-isipan. Nang tanggapin ko sa aking sarili ang nararamdaman kong ito para kay Gavin ay kasama na no'n ang pagtanggap ko sa mga posibilidad na maaaring mangyari. Kasama na roon ang posibilidad na magkakaroon kami ng mga away at hindi pagkakaunawaan na pwedeng maging sanhi kung bakit namin masasaktan ang isa't-isa.
Kung hindi maging maganda ang resulta ng aming relasyon, alam kong sa kabila no'n ay marami pa rin akong matututunan. Sabi nga nila, sa unang pagmamahal mo matututunan ang tunay na pagmamahal.
And beside, you don't just love someone for the better days. You should also love someone through the worst and painful days. Loving someone will not always be decorated with rainbows, it also has its fair share of storms that keeps it balanced. The challenge is how you will fight through the storm in order to get a glimpse of that rainbow once again.
"Why would I support you for being in a relationship, huh?" he asked like it was the most absurb thing that I asked him.
The way he said it broke my heart. I really valued our friendship even when most of the time, we would hate each other for lame reasons and would cause each other's irritation. More than being my best friend, he's like a brother to me. That's the reason why his opinion and stand were important to me. Well, it's not just him, but also, my other close friends whom I didn't have any problem with.
"Because you're my best friend..." I answered his questions and my voice cracked in the middle.
I saw his lips parted as the darkness conquering his eyes slowly faded. I remained staring at him until my sight
got blurry because of the tears formed inside my eyes. I bowed my head down a little because I didn't want him to see me crying. This was the first time I ever broke down in front of him. I wiped my tears away as quickly as possible and when I looked up again, I was immediately enveloped with his warm embrace.
My head was pressed agaisnt his chest, and I could feel his heavy breathing while I was in his arms. Hindi pa siya nakuntento sa pagkakayakap sa akin at mas lalo pa niya itong hinigpitan bago ibinaon ang kanyang mukha sa aking balikat.
"J-Jethro..." My lips trembled while calling out his name.
"I'm sorry..." he whispered. "Forgive me, please."
I smiled and hugged him back. I knew it! Hindi niya ako matitiis! Pero kahit papaano ay nayanig niya ang aking paniniwalang mapapatawad niya rin ako agad dahil sa kanyang ekspresyon na ipinakita. It was the first I've seen him so angry, but when I looked at his eyes, there's something more that I couldn't depict.
Nagulat ako nang makita si Mama'ng tumayo sa sofa upang salubungin ako pagkatapos naming mag-usap ni Gavin. Her eyes were filled of concern.
"Hindi ka pa po ba nagpapahinga?" tanong ko sa kanya at saka ibinaba ang aking cellphone sa maliit na lamesa upang magtali ng buhok.
Humarap ako sa salamin at tiningnan ni Mama ang aking repleksyon. Umiling siya at saka tipid na ngumiti sa akin.
"Ayos lang ba kayo ni Jethro?" tanong niya sa akin at saglit akong napatigil sa pagtatali ng buhok. "Tatawagin ko sana kayo para rito na mag-usap sa loob dahil gabi na, pero narinig kong nagtatalo kayo kaya hindi na ako tumuloy.
Napangiti naman ako. "Ayos na po kami, Ma," sagot ko. "Nagkaroon lang po ng tampuhan. Lagi naman po kaming nag-aaway, 'di ba?"
Tumango-tango si Mama. "Oo nga, pero alam kong biro lang iyon. Ngayon, alam kong seryoso ang pag-aaway niyong dalawa."
Pagkatapos kong mag-ipit ay nagtungo ako sa sofa upang makaupo. Agad namang sumunod si Mama at tumabi sa akin.
"Kasalanan ko naman po 'yon. Naglihim ako sa kanya," pag-amin ko. "Hindi po kasi maganda ang impresyon na mayroon siya kay Gavin. Ayaw niya pong maging malapit ako sa kanya kaya inilihim ko ang mga pag-alis namin ni Gavin. Kung hindi niya po tayo naabutan ngayon ay hindi pa niya po malalaman, pero binabalak ko na pong sabihin sa kanya lalo na't kami na po ni Gavin. Alam kong nagkamali ako, Ma..."
Napabuntong hininga si Mama. "Hindi naman kita masisisi pero natutuwa akong alam mo ang pagkakamali mo," sabi niya. "Ngunit sa totoo lang, talagang nagulat ako nang malaman kong mayroon kang napupusuang iba. Ang buong akala namin ng Papa mo at pari na ri ang mga magulang ni Jethro ay kayong dalawa ang magkakatuluyan."
"Ma, magkaibigan lang po kaming dalawa. Parang kapatid lang ang turing ko sa kanya," pagtanggi ko.
"Alam ko..." Muli sjyang tumango. "Pero hindi mo maiiwasang ganoon ang isipin namin dahil hindi na kayo mapaghiwalay. Kung nasaan ka ay nandoon si Jeythro. Noong nagdesisyon kang manatili sa Norte habang nag-aaral ng kolehiyo ay nanatili rin siya. Biro nga ng Papa mo, kulang na lang ay magpakasal na kayo."
Napangiwi naman ako. "Hinding-hindi mangyayari 'yon, Mama. Wala akong ganoong klaseng pagtingin kay Jethro."
My mother laughed because of my slightly exaggerated reaction. She stared at me like I was some sort of painting. Then, she reached my hair and combed it with her fingers.
"Masayang-masaya ako para sa'yo, anak..." malambing niyang sabi at damang-dama ko ang kanyang sinseridad. "Nakikita namin na isang mabuting lalaki si Gavin. Mukhang mataas din ang pangarap sa buhay. Hindi man namin siya lubos na kakilala pero nararamdaman naming napalaki siya ng tama."
Inabot ni Mama ang aking kamay. Marahan niya itong hinimas-himas habang pirming nakangiti sa akin.
"At higit sa lahat, nakikita naming masaya ka sa kanya," dagdag pa ni Mama. "Kakaiba iyong mga ngiti mo tuwing nakikita namin ni Papa mo na magkasama kayo lalo na noong nasa Pagudpod. Mas lalo kaming naging panatag na hayaan kang mamuhay rito mag-isa. Nandito na si Jethro nandiyan pa si Gavin. Wala na kaming alalahanin. Alam naming magiging maayos ka rito kasama sila."
I bit my lower lip and felt my eyes heating up because of the suppressed tears. Hinila ko si Mama papalapit sa akin upang mayakap siya ng mahigpit.
I'm gonna miss them again, but I know it's one of the challenges I need to surpass in order to grow the way I want to be.
"I'm gonna miss you're brother. That's for sure," Gavin told me while we were on our way to work after driving my family to the bus terminal.
Mabuti na lang at pinayagan kami ni Ma'am Kharen na maghalf-day ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit ang luwag-luwag niya sa aming dalawa ni Gavin.
"Mukhang magaang nga ang loob sa'yo ng bunsong kapatid ko. Sayang lang at hindi mo pa nakilala ang iba. Paniguradong sa susunod na bakasyon luluwas na ulit sila dito na kumpleto na," sabi ko naman sa kanya. "Kahit pati sina Mama at Papa ay gustong-gusto ka. So, I could say that all my family clearly likes you."
"Well... Uh..." He cleared his throat.
His uneasiness caught my attention. Nilingon ko siya ng maayos at saka pinagmasdan.
"What it is?" tanong ko sa kanya dahil may mukhang nais siyang sabihin.
"Uhmmm..." Muli siyang nag-alangan kaya mas itinaas ko ang aking kilay. "Okay. Sana huwag kang magagalit." kunti siyang nag-iwas ng tingin. "I have two things to tell you."
Nakita ko siyang humugot ng mamalim na hininga bago niya ako ginawian ng tingin.
"Spill it." I urged him.
"Last night, I called your Tatay and Nanay to tell them our relationship." he said in a low baritone and a bit nervous.
Nalaglag ang aking panga. May balak din naman akong sabihin sa kanila pero di ko inakalang uunahan niya ako. "Bakit mo ako inunahan?" kunwaring pagtatampo ko.
Natawa siya sa sinabi at reaksyon ko. "Well, that's what I promise to Mrs. Real. Kailangan kong magpa-good shot lalo na't masama ang timpla ni Sir Khian ng umamin akong tayo na."
God! Alam ko na iyon ang magiging reaksyon ni Tatay na taliwas sa magiging reaksyon ni Nanay. "Nagalit ba sila?" paninigurado ko.
Umiling siya. "Hindi naman. Masaya sila para sa atin, kahit hindi ibuka ang bibig ng Tatay mo na sabihin iyon."
"I will still inform them about us. I'll just give them a call after our work." I told him.
"Please do that. Baka iba ang maging reaksyon ng Tatay mo kung ang panganay niya mismo ang magsabi."
Natawa na lang ako. Hindi rin naman ako matitiis ni Tatay. Hindi nga niya alam ang magalit lalo na kay Nanay. Kaya alam kong maluwag din niyang tatanggapin ang sa amin ni Gavin.
"Okay. Ano pala ang isa?"
"Well... uhmmm.." muling bumalik ang kaba sa boses niya at nag-alangan kaya itinaas ko ulit ang kilay ko. "'Di ba ay lumabas kami ng mga pinsan ko kagabi?"
I nodded. "And what about that?"
"Well, I kinda boasted to them as well that I finally have a girlfriend," he admitted, too. "Gusto ka nilang makilala. Kung puwede raw sa'yo ay mamayang gabi na. We'll have a dinner with them."
Bahagyang napaawang muli ang aking labi. Binalikan ko ang hitsura ng kanyang mga pinsan noong nagvideo call kami. They all look friendly, but you could feel in their aura that they're way different from me. They were all screaming class and elegance. Kahit pati 'yong asawa ng isang pinsan niya ay mukhang anak-mayaman.
Just by thinking how should I move and talk in front of them was already making me so nervous. If there'd be a royal family in this country, I think It'd be their family, while I was just a simple commoner in their kingdom.
"Uhm... Hindi ka nakakahiya sa kanila?" nag-aalangan kong tanong.
"Keanna, sila ang nag-imbita sa'yo. Gusto ka nilang makilala kaya syempre ay ayos lang sa kanila," sabi naman ni Gavin. "No need to worry about them. I'm sure they'll like you."
"What if they don't?" I probed.
"They will!" Gavin sounded so sure. "And I'm also sure that you'll like them as well."
Lumabi ako saka nag-isip ng mabuti kung paano ko sila pakikitunguhan.
"Pero kung ayaw mo pa silang makilala, makakapaghintay naman sila—"
Maagap akong umiling at saka nag-iwas g tingin. "Hindi naman sa ayaw ko silang makilala. Nahihiya lang talaga ako sa kanila."
"Well, it's normal to feel shy when you're meeting someone for the first time, but you don't need to think about it too much. Just be who you are, and I'm gonna be with you anyway," Gavin encouraged me.
His hand reached for my hand that was resting on my lap. His hold was gentle at first, but it got tighter as he kissed the back of my hand.
Napangiti naman ako bago tumango. "Sige..." pagpayag ko. "Gusto ko rin naman talaga silang makilala. Sasama na ako."
Gavin looked very satisfied with my answer and he also couldn't hide the excitement on his face. Muli niyang hinalikan ang aking kamay at hindi niya ito binitawan hanggang sa makarating kami sa milk tea shop.