Chapter 24

2430 Words
"Good morning, Philippines! Hello, World!" Donato motioned like he was doing a Miss Universe walk inside my office after he closed the door. He was even gracefully waving his hand with a charming smile on his face. Ang guwapo talaga nitong baklang 'to. Sayang nga naman. "Mukhang good mood tayo, ah?" nanunuya kong sabi sa kanya at may mapaglarong ngiti sa aking labi. "May nahanap ka na ba na guwapo sa department mo?" Biglang nawala ang kanyang ngiti at bumusangot ang mukha. "Ang galing mo naman pong manira ng mood." Natawa ako sa kanyang naging reaksyon, pero hindi ko rin masisi ang sarili sa naisip kong dahilan sapagkat iyon lang ang tanging pumapasok sa isipan ko. He was lonely the last time he went to my office because he couldn't find any inspiration in their department. "Oh, sige... Bakit ba parang ang ganda ng araw mo?" kuryoso kong tanong sa kanya. "Well..." He pulled the chair to my side just like what he did the last time. He sat and twined his arm on mine that made my forehead creased. It was very unusual for him to to be this clingy. "Ano ba 'yan, Donato?" Nagtataka na ako sa kanyang mga hindi pangkaraniwang kilos. "You know what! I can't forget Yummy Gavin's expression when he saw us close the last time," he said. "I thought he was already over you but his face was screaming jealousy." Mabilis ko namang tinulak palayo sa akin si Donato. Hindi ko alam kung ano ang nakain niya at naiisip niya ang mga gnitong bagay. He's being delusional. His thoughts were making me hope for something I shouldn't. "Tumigil ka nga, Donato! Kung ano-ano ang naiisip mo," pagsaway ko sa kanya. "I'm just telling you what I saw in him that time." he argued and held his hands up. "You know, I'm a keen observer. I spot everything on point. But I'm not yet done with my investigation to finally get the conclusion. I have a hypothesis, though. Do you wanna here it?" "No thanks," I immediately declined. Bago ko pa maharap ang monitor para may kunwaring gagawin ay muli akong inikot ni Donato paharap sa kanya. Mukha siyang determinado sa kung ano man ang kanyang iniisip na plano. Kapag nagseseryoso siya ay hindi ko kinakayang makipagtitigan sa kanya. He looked like a ruthless man everytime he's looking serious. I bet he could even make some straight men's knees tremble his stare. He's got this intimidating aura you didn't want to against with. "I'll go straight to the point with my plan, Keanna." I couldn't even protest. His eyes got me hypnotized that all I could do was to stay still and listened to what he had to say. "I'm not lying when I told you I like Gavin, but I need to admit that I like you for him," he said. "If there's any woman I'd want Gavin to end up with, that would be you. So, I'm gonna help you out. Let's make him jealous!" Napakunot ang aking noo. "Donato, nagkakamali ka," sabi ko sa kanya. "Wala akong plano na makipagbalikan kay Gavin—" "Kahit halatang may nararamdaman ka pa rin sa kanya, ganoon ba?" bahagyang rumahan ang kanyang boses at lumambot din ang titig sa akin. "Alam kong ikaw ang nakipaghiwalay sa kanya noon at ngayong nakikita kong mahal mo pa rin siya, hindi ko maintindihan kung bakit mo siya binitawan." Well he's right. I don't blame him for thinking my decisions were absurb. Breaking up and leaving someone you love was a stupid thing to do. It was another kind of suicide for my heart, but gladly, I still managed to live and continue breathing. And yet, here I am again, trying to gamble all the sacrifices I did for myself and also, for him, by stepping into his world once again. The good thing was I already set some boundaries that I wouldn't dare cross. I would remain in the safe area to keep my heart away from any possible danger. "Hindi kami para sa isa't-isa..." tahimik kong sabi at saka mapait na ngumiti. "I don't deserve him." Napakunot ang aking noo nang bigla siyang pumikit at nagsign of the cross. Ilang segundo niya ring itinapat sa akin ang kanyang kamay kay hinawi ko 'yon. "Aba! Pasensya na!" sabi niya nang matapos sa kalokohan. "Hindi mo nasabing martyr ka pala at ngayon pa lang kita nasamba." Sumimangot ako. "Hindi ako nagbibiro, Donato." "Girl, hindi rin ako nagbibiro. Martyr lang ang gumagawa niyan," sabi niya at saka humilig sa upuan bago humalukipkip. "Ang daming taong nangangarap na masuklian ang pagmamahal nila, pero ikaw, nasa iyo na nga, pinakawalan mo pa." Did he think it was easy for me to break Gavin's heart? Did he think I didn't suffer because of that hard decision? Detatching myself from the man I love was the hardest thing I've ever done in my life and now, acting like I'm fine around him comes second because every single second I spent with him deepens the regret I was feeling. I was torn. Being attached to him was very dreadful, but that's how also it went when I was finally detached. Of course, the pain intestified when we were apart, but I knew it was a better choice because of it. Kapag mas masakit, alam kong iyon ang mas tama dahil iyon ang mas mahirap gawin. "Hindi sa nanghihimasok ako sa inyong dalawa pero talaga bang ayaw mo nang subukan pa?" nanghihinayang niyang tanong sa akin. "Nakikita kong may pag-asa pa." For a moment, my heart hoped for it. To feel his warmth because of his ovwerwhelming love once again and just forget everything, but I know it's not that easy. Umiling ako at tipid na ngumiti. "Ayaw ko na..." Donato looked so disappointed with my answer. I couldn't blame him though because a part of me was also feeling disappointed. "Hay, nako!" Nagdadabog siyang lumayo sa akin. "Bahala ka na nga riyan." Mabilis siyang lumayas paalis ng aking opisina dahil hindi siya nagtagumpay sa kanyang plano. Siguro ay hindi niya lang talaga maintindihan kung saan ako nanggagaling at kung ano ang mga rason ko. Sabagay... hindi naman siya ang nakatanggap ng mga masasakit na salita na tumatak sa aking puso at isipan. To those who couldn't understand and sympathize with my reasons, they didn't know how much it hurt to be stepped on and trambled upon. They hit on me with words that scarred me and made me lost my faith on myself. Madali lang kasing manghusga na ang akala ng iba ay ganoon lang kadali, dahil wala naman sila sa mismong posisyon at sitwasyon. Hindi ko pa muling napapatulog ang mga emosyon na nagising sa akin nang muling bumukas ang pintuan ng aking opisina. Wala pang tatlong minuto magmula no'ng lumabas si Donato ngunit nandito na ulit siya . This time, the aura he's showing was very different from earlier. He's looking amused and intrigued at the same time. I couldn't decide which of the two I liked more. "Babalik na sana ako sa aking opisina pero may nakasalubong akong naghahanap sa'yo..." makahulugan niyang sabi. "Mukhang hindi ko na pala talaga kailangang umaksyon dahil may gagawa na no'n." Mas lalo lamang akong naguluhan sa kanyang binitawang mga salita. Naliwanagan lamang ako nang nilakihan niya ang awang ng pinto upang ipakita kung sino ang kanyang kasama. Napatayo ako nang makita si Jethro. Agad na ngumiti sa akin ang matalik na kaibigan at saka pinakita ang kanyang dalang pagkain. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng kilay ni Donato at ang kanyang ngiti na iba ang pinapahiwatig. "I saw your friend looking for you outside..." Donato explained with a very manly tone and stepped backward as he prepared to leave my office. "Maiwan ko na kayong dalawa." Tuluyan ng pumasok sa loob ng aking opisina si Jethro nang lumabas si Donato. Inilapag niya ang dalang pagkain sa coffee table. He was busy quietly preparing our food while I was wondering why he suddenly paid a visit and brought me foods. "Hindi ka nagsabing pupunta ka ngayon," sabi ko sa kanya at umupo sa maliit na couch na nasa aking may kaliitan na opisina. Naisip ko tuloy bigla ang kanyang opisina. I've been to his office, and he also had an exclusive office just like mine, but it was bigger. "May meeting ako kanina malapit dito," sabi niya at sumulyap sa akin na pinapanood siyang matapos sa pag-aayos ng pagkain. "I thought I should pay you a visit and bring you lunch so that we can eat together." Tumango-tango na lang ako at agad na pinulot ang kutsara't tinidor mula sa lamesa para masimulan na ang pagkain. He bought Japanese food in bowl. One look and I knew it's chicken teriyaki. Gone are the days when he could only afford to buy me fast foods, but now, he could even take me to an expensive restaurant. Pero syempre, kahit na marami na siyang pera at nakakaipon nang malaki-laki ay nagtitipid pa rin siya. Mayroon siyang pinapagawang bahay sa Cagayan Valley at doon napupunta halos lahat ng kanyang pera. I was slightly feeling jealous of him, actually. Unti-unti na niyang natutupad ang pangarap niya para sa kanyang pamilya samantalang ako ay hindi pa rin nakakausad. I suddenly felt an urge of excitement for my first paycheck here in Qantara. Kapag nakuha ko 'yon ay mas makakapagpadala ako ng malaki-laking pera para sa pamilya ko. Makakaluwag ako ngayon dahil wala na akong buwanang renta na babayaran dahil lilipat na ako sa condo. Ang p'problemahin jo na lang ay groceries, electricity and water bills, monthly dues at transportation. Siguro'y kapag makaluwag-luwag din ang schedule ni Gavin ay mag-aaral akong magmaneho para magamit ko ang sasakyan na bigay sa akin ng kompanya. Bigla tuloy akong nagsisi kung bakit hindi ako pumayag noon na maturuan ako ni Tatay na magmaneho. Kapag nagkataon sana na marunong ako, hindi ako gagastos ng pamasahe araw-araw. Hindi rin naman siguro kalaki ang magagastos ko sa gas dahil malapit lang ang Qantara. Bahagya akong natuwa sa mga plano ko. Naalala ko tuloy ang minsan na usapan namin ni Nanay. Na nasa stage of adulting na ako. Mainam siguro na sisimulan ko na ang pag-aayos ng budget ko buwan-buwan. "Sino pala iyong lalaking naghatid sa akin dito?" biglang tanong ni Jethro at naupo sa aking tabi. "Base sa narinig ko, mukhang kagagaling niya lang dito. Malapit ba kayong dalawa?" Medyo malapit kami sa isa't-isa pero kung aalalahanin ko ang hitsura niya kanina, mukhang gusto niyang mas maging malapit sa'yo kaysa sa akin. "Medyo..." nagdadalawang-isip kong sagot. "Siya iyong pinaliran kong sekretarya dati ni Gavin. Siya iyong nagturo sa akin ng mga kailangan kong malaman bago siya lumapit sa bago niyang department." "Kung ganoon ay bakit bumibisita pa siya rito?" kuryosong tanong niya. "Hidni pa rin ba tapos ang training mo?" Nilunok ko ang aking nginunguyang pagkain para makasagot muli sa katanungan ni Jethro. "Medyo naging close nga kami. Masaya rin siyang kausap," paliwanag ko bago muling sumubo ng pagkain. "Pinopormahan ka ba niya?" sunod niyang tanong at halos mabilaukan ako. Hinampas ko ang aking dibdib nang paulit-ulit. Agad na umaksyon si Jethro at inabot sa akin and red iced tea. Mabilis ko 'yong ininuman para mahimasmasan. "Ano ba 'yan kasi, Jethro!" singhal ko sa kanya nang umayos ang aking pakiramdam kahit na nararamdaman ko pa rin ang paninikip ng aking lalamunan. "I'm sorry," he apologized, and I could tell that his concern was genuine. "I'm just asking..." Inirapan ko siya at saka nagpatuloy sa pagkain na parang walang nangyari. Pasalamat siya at isa sa mga paborito kong pagkain ang dinala niya sa akin kundi ay tiyak na aawayin ko siya. "Hindi ako type no'n," masungit kong sagot sa kanyang tanong. Kumunot ang kanyang noo. "Paano mo naman nasabi?" tanong niya. "Sinabi niya sa'yo o may girlfriend na ba siya?" I had no idea if I should keep it a secret to Jethro because I know he wouldn't let go of this topic unless I give him a valid answer, but it's not my secret so, why would I? It's not my secret to tell. Hay nako... dapat ay bigyan ako ng parangal nang dahil dito... I could be awarded as the most trusted friend. "Basta alam ko lang..." sabi ko na lang. Nang dahil sa walang kwenta kong sagot ay mas lalo niya akong ginambala sa pagkain. "Basta alam mo lang? Puwede ba 'yon?" Unti-unti na siyang naiirita. "Paano kung mali pala ang pakiramdam mo at may gusto pala siya sa'yo?" Mabilis kong kinalma ang aking sarili. Baka kung ano pa ang masabi ko na hindi nararapat malaman ng iba. "Eh, 'di, meron!" sabi ko at saka siya binalingan ng tingin. "Wala naman akong pakialam doon, Jethro. At saka, ano naman ngayon, 'di ba?" Kita kong hindi siya natuwa sa sa aking sinagot. He was about to spit fire on me when the door suddenly opened, and Gavin entered the office without further ado. His eyes were first darted on my table, but when he saw I wasn't there, he scanned the room and found me sitting on the couch with Jethro. Mula sa pag-iindian sit ay dumiretso ako sa pagkakaupo. Inilapag ko rin ang pagkain sa lamesa para maharap siya ng maayos. His eyes drifted on the food and travelled to meet Jethro who's not backing out with their intense stare fight. It rested on him for a while before his eyes went back to me with a very dark look. "May kailangan po ba kayo, Sir?" magalang kong tanong kay Gavin. His jaw clenched while he was trying to control something before he calmly spoke. "I received a sudden notice from one of the company's investors. We have a lunch meeting to attend to. We'll be leaving in five minutes so, fix your things." Dali-dali siyang lumabas ng opisina at wala nang ibang binilin pa. Ilang segundo pa akong napatanga habang tinititigan ang pintuan bago nagsimulang kumilos. "Jethro, ikaw na bahalang magtapon nitong mga pinagkainan, ah?" pakiusap ko kay Jethro at nagmamadaling inayos ang mga kailangan kong dalhin. I made sure to bring the company's iPad, my phone, wallet and everything essential. "Make sure to lock the door of my office when you leave. Magtext ka rin sa akin kapag nakabalik ka na sa opisina mo, okay?" huling habilin ko sa kanya. Slowly, he smiled at me and nodded. "Take care," he said. "Call or text me if you need me." Tumango na lamang ako at saka nagmamadaling lumabas kung saan naghihintay sa akin si Gavin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD