There was an awkward silence inside the car when we were already on our way to the venue of the meeting. I already expected this kind of atmosphere, but I didn't expect it to have a cruel effect on me. I thought I was ready for it, but I wasn't.
Even though his car is spacious enough, it suddenly felt so cramped that I was almost suffocating. Isiniksik ko na ang aking sarili sa may pintuan ng sasakyan para lamang mas mkahinga. Kapag nalalalpit ako sa kanyang gawi, literal man na lumuluwag ang paligid ngunit mas sumisikip naman ang aking pakiramdam.
Bahagya akong napasulyap kay Gavin na seryosong nagmamaneho. He looked comfortably serious with me. Parang wala rin siyang pakialam na kasama niya ako ngayon.
Sa gitna ng katahimikan ay tumunog ang aking cellphone para sa mensaheng galing kay Jethro na kakatanggap ko lamang. Agad kong binuksan ang aking cellphone upang basahin ang kanyang mensahe at para makalimutan lamang ang sitwasyon ko ngayon.
From: Jethro
Hindi mo man lang sinabi sa akin
na sekretarya ka ng ex mo.
Napakagat ako sa aking ibabang labi habang paulit-ulit na binabasa ang kanyang mensahe. Hindi ko alam kung nagtatampo ba siya dahil hindi ko nasabi sa kanya ang aking magiging trabaho. Ang alam ko'y ang alam lang nila ay bilang office clerk ang aking inapply na trabaho rito. I forgot to mention the job offer I got.
To: Jethro
Nawala sa isipan ko.
Nang maisip kong hindi sapat ang aking unang pinadalang mensahe ay nagpadala ako ng panibago bago pa siya muling makasagot sa akin.
To: Jethro
At saka hindi ko naman kailangang sabihin pa 'yon sa'yo. Ang importante ay mayroon akong trabaho.
Nanatili ang pagtitig ko sa aking cellphone habang hinihintay ang reply ni Jethro ngunit walang dumadating. I must've pissed him off. Madali talaga siyang mapikon pero kapag siya na ang nang-iinis ay tuwang-tuwa pa siya.
Noon pa man ay hindi na kami laging magkasundo ni Jethro at laging nagkakapikunan pero sa kabila no'n ay naging magkaibigan pa rin kaming dalawa. Sa totoo nga lang, sa mga kaibigan na mayroon ako ay siya ang pinakamalapit sa akin. He may be annoying most of the times, but he is a true friend. No matter how many times we argue, he never left me, and I'm very thankful for that.
My phone suddenly chimed and vibrated again after a few minutes of idling. I finally received a reply from Jethro.
From: Jethro
Basta itext mo ako kung saan ang meeting niyo. Susunduin kita.
Iyon na lang ang kanyang sinabi sa akin. Alam kong wala na akong magagawa dahil pinal na pinal na ang kanyang sinabi. Ayaw ko na ring makipagtalo pa sa kanya. Ayos na rin siguro 'yon para hindi ko na kailangang magcommute pauwi.
Instead of replying his message, I just kept my phone inside my bag. I took a deep breath before leaning on the backrest of the passenger seat.
"Gaano na kayo katagal?"
Gulat akong napalingon kay Gavin. His eyes were fixed on the road, and I saw tightened his grip on the steering wheel as his jaw clenched repeatedly.
"Gaanong kataga nino?" Naguguluhan kong tanong dahil hindi ko malaman kung ano ang tinutukoy niya.
Muling umigting ang kanyang mga panga at dumilim ang mga mata na nakatitig pa rin sa aming dinadaanan. Dahan-dahan niyang itinigil ang sasakyan at sinulyapan ko ang stoplight na ngayon ay sa pula naka-ilaw. Nang ibinalik ko ang aking tingin sa kanya, damang-dama ko ang malakas na paghampas ng aking puso sa dibdib na para bang kumakawala na nang makita ko siyang diretsong nakatingin sa akin.
He slowly cöcked his head on his left shoulder while intently looking at me. The way he stared at me made me feel uncomfortable. Bahaya akong nag-iwas ng tingin sa kanya kahit na hinihili ako ng bigat ng kanyang titig na mag-angat muli ng tingin sa kanya.
"You and Jethro," he said after staying silent. "How long are you two in a relationship?"
Hindi ko na napigilan ang sarili kong tingnan siyang muli ng diretso sa kanyang mga mata. My jaw slightly dropped while I slowly processed the words he said.
Bumalik ang alala ko sa nakaraan kung kailan napagkamalan ni Gavin na may relasyon kaming dalawa ni Jethro. He told me before that the thought that I have a boyfriend made him back off for a while before he pursued me, knowing that I wasn't in a relationship with anyone. Nilinaw ko sa kanya noon na matalik na kaibigan ko lamang si Jethro. Ngayon ay muli na naman niyang iniisip na mayroon kaming relasyon ng aking kaibigan. Kung alam lang niya, na hindi na ako ulit sumubok pumasok sa isang relasyon nang maghiwalay kami.
'We're not in a relationship." I simply answered his question.
His brows shut up like he wasn't convinced with my answer. Naglaro rin ang ngisi sa kanyang labi bago muling lumingon sa harapan nang bumusina ang nasa likuran namin na sasakyan. He stepped on the accelerator and moved along with the other cars crossing the intersection.
We were five minutes early when we arrived in San Nicholas and park the car in Cleveland where the meeting will be held. We went inside of a Spanish and Iloco style restaurant, Ladrillos, that has a very cozy but elegant ambiance.
Yakap-yakap ko ang iPad habang nakasunod kay Gavin na nililingon na ng mga kababaihan na nasa loob ng restaurant. Halos mabali ang kanilang mga leeg para lamang masundan ito ng tingin samantalang wala siyang pakialam sa kanyang paligid at diretso lamang sa paglalakad na para bang sanay na sanay na siyang pinapanood at pinagtitinginan.
I know that the confidence and power he's showing were making the girls fall for him even more at first sight. For sure, he will leave them a very great impression just like how he did to me when I first saw him play ball. Ever since that day, he never left my mind. The memories were still so vivid to me. It was like I never moved on from it.
Gavin stopped when a restaurant approached him. Tumigil din ako at hinayaan siyang makipag-usap habang nanatili ang aking tingin sa kanya na seryosong-seryoso. Ang staff naman na kanyang kausap ay parang handang gawin ang lahat ng sasabihin at iuutos niya.
"That's Gavin Alcantara!" I heard one of the women from the nearby table said in a soft voice.
"OMG! He's way hotter in person!" The other woman giggled in a very flirty way.
I was very keen with everyone's reaction inside the restaurant that's why I was able to pay attention to it and hear their low conversation. Hindi rin naman sila ganoon kalayuan sa akin.
"But who's the girl he's with?" she whispered, but I was still able to hear it loud and clear. "Girlfriend?"
"Of course, not!" Napalakas ang boses na babae at natawa sa sinabi ng kaibigan. "Can't you see the way she dressed herself? She won't pass to be Gavin's girlfriend."
Mariin kong kinagat ang aking labi at bahagyang yumuko. Paniguradong tinitingnan nila ako ngayon at sinusuri nang mabuti. Sinusubukan nilang husgahan ang pagkatao ko base na sa aking pisikal na anyong kanilang nakikita.
"She just probably his secretary." She guessed right.
"Ang swerte naman! How I wish na ako na lang ang secretary niya." Her voice was full of envy.
Hindi ako makapaniwala. Kahit bilang sekretarya na lang niya pala ay mayroon pa ring masasabi ang mga tao sa akin. Hanggang ngayon ay ako pa rin ang masuwerte sa posisyon ko dahil lang malapit ako sa kanya.
"Keanna."
I snapped my head back to Gavin and saw him looking at me. Sinulyapan niya ang malapit na lamesa kung nasaan ang mga babaeng nag-uusap patungkol sa aming dalawa bagong muling ibalik ang tingin sa akin.
"Halika na." Sabi niya at nagulat ako nang humakbang siya papalapit sa akin upang hawakan ang aking palapulsuhan.
Ang pagkabog ng aking puso ay walang kasing bilis habang hawak-hawak niya ako. Sinubukan kong bawiin ang aking braso sa kanya ngunit mas hinigpitan niya lamang ang pagkakahawak sa akin at nagpatuloy sa paglalakad habang hila-hila ako.
Napaisip tuloy ako kung ano na ang naiisip ng dalawang babae kanina nang makita ang ginawang paghila sa akin ni Gavin. Paniguradong hindi na naman ang mga bagay na gusto kong madinig ang magiging komento nila. Mabuti na rin sigurong nalayo na lang kaming dalawa ni Gavin doon.
When I felt that his hand slightly loosened up, I took that chance to free my arm from his hold. Mabuti na lang at nagawa kong makawala sa kanyang hawak. Mabilis din akong humakbang papalayo sa kanya para magkaroon kaming dalawa ng tamang distansya.
He stopped for a few seconds after I freed myself from him. He clenched his fist tightly, and I saw the veins in his arm almost popping out. Slowly, he began to relax and just continue walking.
Wala naman akong ginawa kung hindi ang sumunod sa kanya hanggang sa nakarating kami sa tamang lamesa. The old man in a formal suit who stood up to greet Gavin looked so familiar to me. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya noon. Hindi ko nga lang maalala kung saan.
"Gavin!" Natutuwang pagbanggit nito sa pangalan ni Gavin.
"Good evening, Mr. Tongson," Gavin politely greeted the old man and shook hands with him. "I'm sorry if we're a little late."
Nagagalak namang humalakhak ang matanda at saka umiling. "No problem, Gavin," sabi nito. "Maaga lang talaga akong pumunta. I was just around Cleveland with Peterson earlier."
"Oh! Nakabalik na po siya?"
I could tell that Gavin's not really interested with the topic of their conversation but he was being polite enough to prolong the conversation and act like he's interested even though he's not.
"Oo. Dapat lang na bumalik siya dahil masyado na akong matanda para patakbuhin ang aming kompanya. He should be the one supervising the company now." Sagot naman ng matanda sa kanya.
Gavin nodded and suddenly looked so serious. "I think he's going to do a great job being the successor of your company. Paniguradong marami po siyang natutunan at experiences sa America."
"Well, yes," muling humalakhak si Mr. Tongson. "But he likes working for other companies than handling our own. Ewan ko ba sa anak kong 'yon. You both have different mindset. Mabuti na nga lang at naisip niya ring kailangan niyang bumalik. Thats why I would like you to influence him more."
Bahagyang kumunot ang noo ni Gavin sa sinabi ng matanda. Ngayon pa lang ay nasasabi ko nang hindi niya magugustuhan ang patutunguhan ng pag-uusap na ito.
"Anyway, let's sit first and have dinner." Sabi nito at inilahad ang upuan sa kanyang harapan.
Wala namang nagawa si Gavin at tumango-tango na lang bagon ako nilingon. Pagkatapos niya akong pinag-usog ng upuan sa kanyang tabi ay saka lamang siya naupo. Nalipat tuloy sa akin ang atensyon ng matanda lalo na noong lumapit ako para maupo.
"Oh! I remember you!" he enthusiastically said and glanced at Gavin. "Aren't you Gavin's girlfriend? He introduced you to us before during the company's party last two years ago, I think."
Tipid naman akong umiling at saka inilahad ang aking kamay sa kanya habang yakap-yakap ng aking isang braso ang iPad. "Keann Amelie Peredo, Mr. Tongson. I'm Mr. Alcantara's secretary."
His forehead creased a bit like he was confused of something, but he still shook my hand. "I'm sorry but I know I'm not mistaken. Tandang-tanda pa kita. Everyone who is present at the party, actually, remembers you. Ikaw ba naman ang girlfriend ng tagapagmana ng Qantara."
Maybe he's really one of the business men that Gavin introduced to me before. That's why I found him familiar to me. I already met him before. Hindi nga lang ako natuwa sa kanyang pagkakatanda sa akin dahil ang buong akala niya ay girlfriend pa rin ako ni Gavin gayong matagal na kaming naghiwalay.
"I'm sorry, Sir, but I'm really just his—"
"He's my ex-girlfriend, Mr. Tongson," Gavin cut me off, and I just sighed as he took control of the conversation. "But she's my current secretary."
Mr. Tongson looked surprised with what he just heard. He awkwardly let out a laugh and scratched his nape. "I'm sorry." he apologized. "I wasn't aware."
"It's okay, Mr. Tongson. It doesn't matter." Gavin simply said and smiled to assure the old man.
Ngumiti na lang din ako at tumango. Yes, Gavin's right. Whatever happenes to us before doesn't matter now. Bringing our past back isn't important anymore. It should just be left behind without being remembered.
"Okay, then," sabi na lang ni Mr. Tongson bago muling lumingon siya sa akin. "Maupo ka na, hija."
"Salamat po." Magalang kong sabi bago
maayos na umupo sa tabi ni Gavin.
I opened the iPad's notepad to be efficient enough. I needed to take down notes and get the minutes of the meeting for tonight.
"Anyway, let's order our food first." Mr. Tongson said and offered the menu to Gavin and me before calling a waiter to take our orders.
Gavin casually read the menu while I remained holding the iPad. Nauna na si Mr. Tongson na magsabi ng kanyang order sa waiter dahil mukhang kanina pa siya nakapili ng kanyang gustong kainin. Makalipas ng ilang segundo ay nag-angat na rin si Gavin ng tingin sa waiter para sa kanyang order.
"I'll order prime US ribeye and crema calabacin." Gavin recited his orders.
Pagkatapos niya ay sabay naman silang tumingin sa akin ni Mr. Tongson. Pati ang waiter ay nakatingin na rin sa akin at tila mayroong hinihintay.
Bumuntong hininga naman si Gavin kaya itinuon ko sa kanya ang aking atensyon na muling tumingin sa menu. He briefly scanned the menu before looking at the waiter again.
"She'll take the pollo ala ajillo hmmm." Napaawang ang aking labi nang nagsimula siyang magsalita para sa aking pagkain. "Calamares ala andaluza, chocolatismo and mango shake."
Kahit na gusto kong umapila dahil parang marami siyang inorder para sa akin ay hindi ko magawa. Masyado akong natulala sa kanya dahil sa walang kahirap-hirap niyang pagbibigkas ng Espanyol. I already know before that he's very linguistic, pero hindi naman niya 'yon pinapakita.
"That's all. Thank you." Tipid siyang ngumiti sa waiter at ibinalik na ang menu.
Umalis naman na ang waiter at nagsimula nang mag-usap ulit sina Mr. Tongson at Gavin kaya naman agad din akong naalerto. Hinanda kong muli ang iPad at nakinig nang mabuti sa kanilang pag-uusap.
"So, the reason why I called you out of a dinner tonight, I'm hoping that you're available for 3 days next, next week," Mr. Tongson started speaking. "There'll be a conference in Sydney. My son will attend the conference. If it's okay, I want you to accompany him in that conference. I believe you can influence him with your CEO attitude."
Tumikhim naman si Gavin at mukhang malalim ang kanyang iniisip. "That'll depend on the dates of the conference, Mr. Tongson."
"Well, let see." Inilabas naman ni Mr. Tongson ang kanyang mamahaling cellphone upang tingnan ang schedule ng conference. "It'll be on Friday to Sunday next, next week."
Agad kong binuksan ang calendar dito sa iPad upang matingnan ang schedule ni Gavin. Mayroong marks and Friday to Sunday next, next week kaya binuksan ko ito upang tingnan at masigurado. It was written on the calendar that he'll be having a conference in Sydney, Australia for a seminar about business innovations.
"Sir." Nilingon ko si Gavin na mukhang hinihintay na lang ang aking pagtingin sa kanya dahil pagkalingon ko ay nakatitig na siya sa akin. I cleared my throat before I continued to speak. "I believe that you're invited in the same conference. Iyon po ang nakalagay sa schedule ninyo."
"That's great!" Pumalakpak si Mr. Tongson kaya napalingon akong muli sa kanya. "Mabuti na lang at kasama ka na pala sa conference. I'll tell my son about it. You should be each other's company."
"No problem." Sabi na lang ni Gavin at saka uminom ng tubig.
Nag-usap na silang dalawa patungkol sa business at nagulat ako dahil mukhang kay Gavin pa humihingi ng advise si Mr. Tongson kahit na mas matagal na siyang namamahala ng kanilang negosyo. He was asking for his opinion and stand about the business proposals that he's taking consider of. Maayos naman itong nasasagot ni Gavin at alam kong talagang pinag-iisipan niya 'yon ng mabuti. Kitang-kita kong natutuwa sa kanya si Mr. Tongson.
Well, that's Gavin Alcantara for you.
"Manang-mana ka talaga sa ama mo." Natutuwang sabi ni Mr. Tongson.
Gavin just smiled at Mr. Tongson. Hindi ko rin tuloy maiwasan ang mapangiti. Talagang para sa kanya ang landas na tinatahak niya ngayon. I'm so proud seeing him doing great in his field. Dati ay inaalala niya pa kung magiging isang magaling na leader ba siya ng kanilang kompanya, ngayon ay nakikita kong nawala na ang takot na 'yon.
Gavin casually averted his gaze to me, and we stared at each other for a couple of seconds before I realized that he caught me staring at him and looked away. Once again, I cleared my throat and drank water.
Mabuti na lang at dumating na rin ang mga pagkaing aming inorder. Hindi ko alam kung gaano katagal kong tinitigan ang pagkain na inorder niya para sa akin. Seeing the dishes in front of me reminded me of our past simple dates that I planned.
Inaya ko siyang kumain noon sa isang fast food restaurant na isang klase ng chicken barbeque ang ipinagmamalaki. Pati na rin ang street foods ay pinasubok ko sa kanya at nagustuhan niya ang paborito kong calamares. Ngayon, ang inorder niya sa akin ay pinagara at pinamahal na bersyon lamang ang mga iyon.
I bitterly smiled at myself. Sinasabi ko sa sarili ko na ang nakaraan namin ay dapat na kinakalimutan na lang at hindi na inaalala pa ngunit hindi ko naman iyon magawa. Tuwing mayroong simpleng bagay na magpapaalala sa akin patungkol sa aming dalawa ay hindi ko maiwasang alalahanin ang bawat detalye. Mas lalo lamang lumala iyon ngayon dahil nakikita at nakakasama ko siya ulit.
"Maraming salamat sa pag-unlak mo sa aking imbitasyon ngayong gabi. Gavin." Nagpapasalamat na sabi ni Mr. Tongson nang papaalis na kamin sa restaurant.
"Walang anuman, Mr. Tongson. It's my pleasure." Gavin politely replied.
Tumango ang matanda sa kanya bago lumingon sa akin. Ngumiti ito sa akin at nginitian ko na lamang pabalik bilang paggalang.
"I should go now." Paalam niya at saka sumakay na sa SUV na naghihintay sa kanya.
Nanatili kaming nakatayo ni Gavin at hinihintay ang tuluyan na pag-alis ng sasakyan ni Mr. Tongson. Nang nawala na ito sa aming paningin ay isang buntong hininga ang aking pinakawalan. Inilagay ko na sa loob ng aking bag ang iPad at naisipang itext na si Jethro.
To: Jethro
Tapos na kami. Nasaan ka na?
Nang magsend ang mensahe ay nilingon ko si Gavin na nakatingin lamang sa kawalan. Hindi ko alam kung bakit hindi pa siya umaalis.
"Uhmm. Hindi pa po ba kayo aalis, Sir?" Magalang kong tanong sa kanya.
Dahan-dahan naman siyang lumingon sa akin. Kita ko sa kanyang mga mata na ang dami niyang gustong sabihin ngunit hindi niya iyon maisatinig. His eyes were spitting pain and anger. Alam kong para sa akin pa rin ang galit na 'yon ayokong angkinin pa 'uon dahil natatakot ako sa maaaring mangyari.
He bit his lower lip and tightly closed his eyes. I watched him breathe deeply before he opened his eyes again. This time, he wasn't showing any emotion and just remained stoic.
"Ihahatid na kita." Simpleng sabi niya at akmang tatalikod na.
"Hindi na po kailangan, Sir." Pagtanggi ko na nagpatigil sa kanya.
Muli siyang humarap sa akin ng maayos. "Huwag mong lagyan ng malisya ang kagustuhan kong ihatid ka. I'm the one who brought you here, I'm the one who's going to bring you home," sabi niya. "I can't let just a girl go home by herself at night."
"I appreciate your concern po—"
Napatigil ako sa pagsasalita nang may biglang huminto na pamilyar na sasakyan ng aking kaibigan sa aming harapan. Agad na bumaba mula sa driver's seat si Jethro at ngayon lang ako tunay na natuwa sa kanyang presensya.
"Halika na, Keanna." Pag-aya sa akin ni Jethro nang magtama ang aming mga tingin bago niya sinulyapan si Gavin habang naglalakad patungo sa aking gawi upang pagbuksan ako ng pinto.
I just nodded before looking back at Gavin who's just blankly staring at Jethro. When he felt that I was staring at him, he averted his gaze back to me.
"Mauuna na po ako, Sir. Mag-ingat po kayo pag-uwi." Pagpapaalam ko bago ako pumasok sa loob ng sasakyan at nagpakawala ng malalim na paghinga.
I'm physically, emotionally and mentally tired for the first day of work.