CHAPTER 2

1516 Words
"Oh, by the way, Marla, did you see Venus downstairs? I thought she's here. Why don't you invite her?" biglang tanong ni Cassy kay Marla. Hindi ko kilala ang tinutukoy nito kaya tinuon ko na lamang ang atensyon ko sa pag-inom ng alak na hawak ko at nakita kong nagulat si Marla na nandito rin ang kaibigan nito at agad niyang dinampot ang kanyang cellphone para tawagan ang tinutukoy nilang si Venus. "Girls... she needs help, may nambabastos daw sa kaniya sa baba," tarantang wika ni Marla, at kahit hindi ko man kilala ang Venus na iyon ay hindi pa rin niya deserve na mabastos ng kung sinu-sinong lalaki lang. "Let's go downstairs!" Yakag ko sa kanilang lahat at agad na rin kaming nagsitayuan. Ngunit natigilan pa kami saglit ng tanungin kami ni Teria tungkol kay Airah, at agad namang nilapitan ni Cassy si Airah at may binulong siya rito at pagkatapos nitong bumulong kay Airah ay bumaba na rin kami at sumama na rin si Airah sa'min. Pero pagkababa namin ay nagpasya muna si Cassy na magbanyo at sumama muna ako dahil pakiramdam ko ay masusuka ako, agad akong pumasok sa isang cubicle pero buti na lang ay hindi ako nagsuka kaya lumabas na agad ako sa cubicle. "Cassy! Cassy!" tawag ko agad sa kanya pero walang sumasagot. "Cassy!" ulit ko pa at wala talagang sumasagot. "Concepcion!" galit ko ng tawag pero wala talagang sumasagot iniwan na yata ako. Lumabas na lamang ako ng lady's room at ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si Cassy na... nakikipagbangayan sa isang babae, at mukhang wala pa yatang magpapatalo sa kanila. "Cassy!" tinawag ko na siya at baka ano na naman ang magawa niya. "What is happening here?" tanong ko agad sa kanya. "Teka lang, Laureen!" Tumaas naman agad ang kilay ko dahil sa sinabi niya, at maangas niya pang tinignan ang babaeng kaharap niya. "This b*tch is getting on my nerves!" Agad naman akong napangaga dahil sa sinabi niya at nakita kong napanganga rin ang babaeng kabangayan niya. At nagpatuloy pa ang bangayan nila at palipat-lipat naman ang tingin ko sa kanilang dalawa gusto ko pa sanang awatin ulit si Cassy pero hindi ako makasingit dahil kapwa sila matatapang. At hindi ko inasahan ang susunod na nangyari dahil lumapit ang babae kay Cassy para sampalin ang kaibigan ko pero bago pa naidapo ng babae ang kanyang kamay sa mukha ni Cassy ay may lalaki namang biglang sumulpot at hinila niya na ang babae, boyfriend siguro yun ng babae. Natawa at napailing na lamang ako sa nangyari kay Cassy muntikan na siya dun, e. "Who is she?" tanong ko agad sa kanya sabay hakbang papalapit sa kanya. "A b*tch," gigil nitong tugon. At natawa na lamang ako sa aking isipan. "Cassy! Laureen!" humahangos na tawag sa'min ni Teria. "What happened?" tanong naman agad ni Cassy kay Teria. "Si Venus binastos ng lasing doon," hinihingal nitong sabi sabay turo sa kinaroroonan nina Venus, Marla at Airah. At agad na namin silang dinaluhan at yakap-yakap na ni Marla ang kaibigan nitong si Venus. Venus looks familiar to me but I don't remember kung saan ko siya nakita. At dahil makulit pa rin ang manyakis na nambastos kay Venus ay si Cassy na ang tumapos sa kakulitan niya sa kanya pa yata nabuhos ni Cassy ang inis nito sa bababeng na kabangayan niya kanina. At habang nagkakagulo sila ay naramdaman ko na naman na masusuka na naman ako idagdag mo pa ang nakakahilong ilaw na umiikot-ikot sa paligid. Pero pilit kong pinipigilan na masuka rito sa loob ayokong gumawa rito ng sarilli kong eksena. Pagkatapos patumbahin ni Cassy ang manyakis na lalaki ay lumabas na rin kami agad sa LiquidDoze. Pambihira rin talaga ang babaeng ito. Agad naman siyang pinuri nina Teria at Marla dahil sa ginawa niya sa manyakis na iyon. "Doon niya lang naman nilabas ang galit niya sa isang bababeng tinawag niyang b*tch," dagdag ko pa. Tinanong pa ni Airah si Cassy kung may balak ba itong dalhin ang boteng hawak niya mukhang may hahampasin pa yata ulit siya. Pero nagulat na lang ako nang makita kong tinapon ni Cassy ang bote at hindi lang ako ang nakakita sa ginawa niya dahil nakita rin iyon ng taong grasa at saglit pang nagtama ang paningin namin mas lalo lang tuloy akong nasuka nang makita ko ang pagmumukha niya. "Oh my god!" bulalas naman agad ni Teria. "Mukhang may tinamaan ka pa yata na tao, Cassy," sabi naman ni Airah at natawa na lamang ako sa kanila. Nagpaalam naman agad sa'min si Marla, pero pinigilan siya ni Cassy. "No, you stay here! Sasamahan muna natin si Laureen kilalanin ang kanyang mapapangasawa," "What?!" asik ko. Wala na talaga sa katinuan itong si Cassandra. "Did you see that, man?" sabay turo sa taong grasa. The f*ck! "Are you taking a drug, Cassy?" naiiling na tanong naman agad sa kanya ni Airah. Mukhang tama yata si Airah. "If we resolve your problem, we can make it too with Laureen," pursigido pa nitong tugon kay Airah. At talaga namang napakasama ng ugali ng babaeng ito. "Kunsabagay, paliguan mo lang siya, Laureen magmumukhang tao na 'yan ulit. Hindi mo na need magbayad sa kaniya unlike Airah," sabat naman ni Teria at humagikhik pa ito. Agad ko naman siyang sinamaan ng tingin pero imbes na tumigil ay mas humagikhik pa ito hanggang sa lahat na talaga sila gng humagikhik. "Makatagpo sana kayo ng isa sa mga kanto boys!" galit kong anas sa aking isipan. "So... take it or leave it?" seryosong tanong sa'kin ni Cassy. Hindi na talaga ako sasama sa mga bababeng ito. "No! In your wildest dream!" mariing sagot ko naman agad sa kanya at agad ko siyang sinamaan ng tingin, ngunit hindi niya iyon nakita dahil may isang lalaking kumalabit sa kanya. Tutuksuhin ko pa sana siya sa lalaki ang kaso ay naduwal na ako dahilan para masuka na talaga ako, hindi naman ako madaling tamaan ng alak baka sadyang may nainom lang akong hindi kinaya ng sikmura ko. "Pa'no ka namin tutulungan eh bagsak na rin si Laureen dito," dinig kong sabi ni Airah kay Cassy. Agad ko namang pinunasan ang bibig ko pa pagkatapos kong magsuka. At agad ko na silang pinauwi tutal wala naman silang nagawang tama sa'kin, nung una ay nag-aalangan pa si Teria naiwan ako pero kalaunan ay pumayag ay umalis na rin ito. Agad ko nang tinungo ang kotse ko at medyo na himasmasan na rin ako pero lasing pa rin ako at inaantok na rin ang mga mata ko. Nang mapalingon ako sa right side ko ay nakita ko ang taong grasang tinukso sa'kin kanina ni Cassy, at kung may anong sumaping ibang kaluluwa sa'kin dahil tinawag ko ito. "Pst, sumama ka sa'kin," sabi ko at agad naman itong lumingon sa'kin. Agad ko itong nilapitan at hinila at pinasakay sa backseat ng kotse ko. Hindi ko man lang alintana na madumi ito at mabaho. Agad na rin akong sumakay sa driver seat at saka binuhay ang makina ng aking kotse at saka na namin nilisan ang LiquidDoze pero ganun na lang ang pigil kong huminga, habang nagmamaneho dahil sa hindi kanais-nais na amoy ng kasama ko. Sa tanang buhay ko ay ngayon ko lang yata ginustong mas mabuti pang malagutan na lang ako ng hininga kesa sa maamoy ang baho ng kasama ko. Nag open window na lamang ako para kahit papaano ay lumabas-labas naman ang amoy ng kasama ko. Minuto ang lumipas ay nakarating na rin kami sa aking condo dito ko siya inuwi sa condo ko baka kasi itakwil na lang ako bigla ng aking pamilya kung doon ko siya iuuwi sa mansion namin. Agad na kaming humakbang papunta sa entrance ng condo at hinawakan ko pa ang kanyang kaliwang kamay baka kasi ano pa ang gawin niya. "Good evening po, Ma'am," magiting na bati agad sa'kin ng gwardiya na nakabantay sa entrance. At isang tango naman ang sinagot ko sa kanya at humakbang na ako patungo sa glass door para sana buksan ito pero pinigilan ako ng gwardiya. "Ah, ma'am pasensiya na po pero hindi po pwedeng pumasok ang kasama ninyo," wika nito sa'kin at isang matalim na tingin agad ang ginawad ko sa kanya. "Asawa ko siya! Kaya papasukin mo kami kung ayaw mong bukas wala ka ng trabaho." maawtoridad kong wika. At agad naman itong napakamot sa kanyang batok at kahit nag-aalinlangan ay pinagbuksan niya pa rin kami. Agad akong napangiti dahil sa nagawa ko. Wala pang nakakahindi sa isang Laureen Vigor. Agad na kaming sumakay ng elevator at pinindot ko agad ang floor kung nasaan ang aking unit, saglit lang iyon at agad na naming tinungo ang unit ko. Pagpasok namin sa loob ng unit ko ay ganun na lamang ang pagkamangha ng taong grasang kasama ko, habang pinagmamasdan ang kabuuan ng aking unit. Natawa na lamang ako sa kanyang naging reaksyon malamang ngayon lang siya nakakita ng condo sa buong buhay niya. At dahil sa sobrang kalasingan at antok ay iniwan ko na lamang siya aking sala at tinungo ko na ang aking kwarto para matulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD