CHAPTER 3

950 Words
KINABUKASAN, agad akong napabalikwas sa aking kama ng maalala kong may inuwi pala akong taong grasa sa aking condo agad akong nagtungo ng banyo para maghilamos at mag gargle. Pagkatapos kong gumawi sa banyo ay pinusod ko lang sandali ang buhok ko at kinuha ang phone ko saka tuluyang lumabas sa aking kwarto. “Where is he?” tanong ko sa aking sarilli nang hindi ko siya nakita sa buong sala. Tinignan ko naman ang banyo para tignan kung nandun siya pero wala at sunod kong tinungo ang aking terrace hinawi ko ang kurtina upang mabuksan ang sliding door. At nandito nga ang taong grasa at tulog na tulog sa sahig ng terrace, buti na lang at hindi pa masyado mainit dahil maaga pa. Tinitigan ko ng maigi ang pagmumukha nito at wala talaga akong nakitang kagwapohan sa pagmumukha niya. “Paano ko ito magiging asawa?” tanong ko sa aking isipan. Ang dami ko na ngang iniisip ko dumagdag pa ito. But, what if gwapo pala siya ‘pag nalinisan? What if matalino pala siya? What if pwede ko rin pala siyang maipagmalaki? Sunod-sunod kong mga tanong sa aking isipan. I’ve never been confused in my whole life until I saw this stray man. D*mn! Agad kong dinial ang number ng aking senior assitant na si Kai sa aking cellphone. [Hello good morning, Ms.L] [Bumili ka ng mga damit at lahat na mga gamit na panlalaki. I need it within fifteen minutes] Hindi naman agad nakasagot si Kai sa kabilang linya. Sa limang taon kasi niyang pagseserbisyo sa’kin ay ngayon lang ako nag-utos sa kanya ng ganito. [Hello!] [Y-yes, Ms.L p-para po ba kanino?] nauutal pa nitong tanong sa’kin. [Para sa’yo, gusto mo?] pilosopong tugon ko at inikot ko pa ang eyeballs ko. [Just follow what I said, Kai!] I command. [Sige po, Ms.L pero pwede po bang after one hour pa? Kasi sarado pa po ang mall] [Sige, pwede naman basta ipapahatid ko na lang din agad after one hour ang huling sahod mo] [Ay sabi ko nga po, papunta na ako sa mall ni Mr. Clemente] Alam naman pala niya ang gagawin niya nag tatanga-tangahan pa siya. Ang Mr. Clemente na tinutukoy ni Kai ay si Roxi Clemente he’s my gay cousin on my mother side and he owns a mall at kahit sarado pa ito ngayon ay pwedeng-pwede pa rin akong bumili roon dahil pinsan ko ang may-ari at dahil hindi rin ako mahihindian ni Roxi. [Ano po pala ang mga sizes na bibilhin ko?] Agad ko namang pinagsadahan ng tingin ang taong grasa mula ulo hanggang paa, at napaawang ang mga labi ko at nanlaki ang mga mata ko nang dumako ang tingin ko sa isang malaking bagay na nasa pagitan ng kanyang hita. “Daks” wala sa sarilli kong usal. [Po?!] Damn! Nawala sa isip ko na kausap ko pa pala si Kai sa telepono. Agad naman akong tumikhim at inayos ko ang aking sarilli. [Nothing. Just buy sizes from medium to Large, choose the expensive ones] [Noted po, mga ilan po lahat?] ['Sing dami ng buhok mo] Hindi ko na hinintay pa ang tugon ni Kai dahil agad ko ng pinatay ang linya ng telepono ko. Nasapo ko na lamang ang noo dahil sa kantangahan ko. Bumalik na lamang ako sa loob ng aking condo at hiniyaan ko na lang ang taong grasa sa labas or should I say DAKS, Okay I made a decision. From now on I will call him Daks, tutal hindi ko naman talaga siya kilala. That would be better kesa naman sa Hoy. After fifteen minutes ay may kumatok na sa pintuan ng condo ko for sure si Kai na ang kumakatok at agad kong tinungo ang pintuan at binuksan. At hindi ako nagkamali si Kai nga at may tulak- tulak itong malaking cart na punong-puno ng mga paper bags at pinagpatong-patong na lang niya ang iba upang magkasya lahat sa cart. Agad naman pinasok ang mga paper bags sa loob ng aking condo pagkatapos naming ipasok lahat ng paper bags ay pinaalis ko na rin si Kai at sinuholan ko siya ng dahil sa ginawa niya. Muli kong tinignan si Daks sa terrace at saktong gising na pala ito at halatang nasisilaw na ito dahil sa sinag ng araw. “Pumasok ka na,” wika ko at mukhang naintindihan naman niya ako, dahil agad naman siyang pumasok sa loob ng condo. “Pagkain,” sambit niya. “Maligo ka muna,” tugon ko sa kanya, at mabilis naman itong umiling at tila takot sa tubig. No way! Hindi pwedeng hindi siya maligo, wala akong balak na magpatira ng taong grasa habambuhay sa condo ko. Ang kailangan ko ay asawa at tanging siya lang ang makakasagip sa’kin mula kay Antonio Vigor kaya kailangan niyang malinisan. Matiim ko siyang tinignan at humalukipkip pa ako sa harapan niya. “Hindi kita papakainin hangga’t hindi ka naliligo,” maawtoridad kong sabi, pero tanging iling pa rin ang tinugon niya sa’kin. My gosh! He’s trying my patience! Hindi ko pa naman ugali ang mamilit panay pa rin ang iling nito sa’kin. At dahil wala na akong choice ay ako na mismo ang humila sa kanya papunta sa banyo ko medyo nahirapan pa ako sa paghila dahil may kabigatan siya idagdag mo pang matangkad siya. “Mag shower ka.” Turo ko sa kanya sa shower at pinandilatan ko pa siya para matakot. Pero bigo ako dahil ayaw talaga niya. “Isa!” “Dalawa!” “Tatlo!” Warning ko, pero tanging pag-iling lang talaga ang tinugon nito sa’kin. Sinusubukan talaga ako ng lalaking ito. ‘Pag hindi pa talaga siya pupunta sa shower ay mapipilitan na akong liguan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD