XIA JILL MONDRAGON
"Momma, malapit na po birthday namin ni Paige." sambit sa kan'ya ng anak na si Avah habang nakahiga sila sa kama.
"Hmmmm, I know baby! So, sa beach tayo sa Cebu ni Tito Adrian ninyo ha?" wika niya sa anak habang hinahaplos ang makinis nitong mukha. Si Paige naman ay nakatingin lamang sa kan'ya, malinaw na malinaw ang berde nitong mga mata.Her eyes are different at hindi na bago sa kan'ya kung bakit. Kanino pa nga ba magmamana si Paige kundi sa taong naka one night stand niya. Hindi niya ito namukhaan dahil tila panaginip lamang ang lahat ng nangyari. She thought it was Kier but when she woke up, bumungad na lamang sa kan'ya ang isang pay cheque. Hindi naman siya naglakas loob na hanapin pa ito or mag research tungkol sa taong 'yon. For what? She got everything.Kaya niyang buhayin ang mga anak niya kahit na mag-isa lang siya She' s a fuckin' billionairess. Sa katunayan, ngayong taon lang talaga siya tumagal sa Pilipinas after her medications. She heard about Gellers, pero hindi siya naghayag ng interest na makilala pa ang mga ito. Mas may kailangan siyang gawin sa buhay niya. Mga bagay na mas importante kagaya ng negosyo niya na kakasimula pa lamang niya sa Pilipinas.
"Mommy, don't call us baby kasi big girl na kami ni Avah! Nakakahiya po kapag marinig ng mga classmates namin!" wika naman ni Paige na ayaw talagang matawag na baby. Itong si Paige ay may pagka matigas ang ulo. While si Avah, kuhang kuha nito ang ugali niya. Kindda' sweet pero may pagka maldita rin. Lumaki ang dalawa sa States kaya english speaking ang mga ito pero marunong rin namang magsalita ng tagalog dahil ang mga magulang niya ay tinatagalog ang mga ito. Bibong bibo ang mga anak niya at sobrang cute pa. Hindi ordinaryo ang kagandahan ng dalawa. Pinay with matching mestisahin looks na halatang hinaluan ng ibang lahi.
"Sorry hindi na mauulit mga anak. Pero baby pa rin kayo ni Momma 'di ba?" aniya.
"Opo pero kapag nandiyan po mga friends namin, please don' t call us baby na momma!" sambit ni Paige habang nakayakap sa kan'ya.
Niyakap rin niya ng mahigpit ang mga bata. She always want them to feel loved. Ayaw niyang makaramdama sina Paige at Avah na may kulang sa buhay nila.
" Momma, bakit po ang mga fiends namin, they have daddies? How about us Momma? Bakit po wala kaming daddy na kagaya nila?" inosenteng tanong ni Avah.
Biglang bumilis ang kabog ng puso niya. She didn't expect Avah to ask that kind of question. Ito ang kauna-unahang pagkakataong nagtanong si Avah tungkol sa daddy nito.
" Yeah Momma, nabibili po ba ang daddy? Where can we buy one?" tanong naman ni Paige. Mas malupit pa pala ang tanong ni Paige kaysa kay Aiva. Gusto na tuloy niyang himatayin ng wala sa oras.
"Ahm mga anak, listen... Hindi nabibili ang isang daddy okay?" panimula niya. Hindi siya handa sa tanong ng mga ito.
"What? Where can we get one Momma? Our friend Jacob in Cebu, he always tell story about his daddy. They always play sand along the beach." tila naiinggit na wika ni Paige. Kaya naman pala nagkaroon ng ideya ang mga anak niya tungkol sa daddy. Pero hindi naman niya masisi ang mga batang kalaro ng mga ito. Siguro ay nakikita rin ng mga anak niya ang mga kaibigan sa beach na kasa-kasama ang mga ama ng mga ito.
Sa ngayon kasi ay sembreak ng kambal sa school. She decided to leave them in Cebu kasi may beach doon na pag-aari ng pinsang si Adrian Mondragon. Mahina kasi ang pulmon ni Paige. Lagi itong prone sa ubo't sipon kaya doon naninirahan ang mga ito. May kasa-kasama lamang ang kambal na tagabantay. Every weekend rin naman siya lumilipad sa Cebu para makasama ang mga bata kaya parang palagi rin silang magkasama. Sa katunayan ay araw araw siyang tumatawag through video calls sa dalawa.
"Mmmm mga anak I don't know kung paano sasabihin sa inyo ito. But you need to know that, that---" Ewan niya kung itutuloy pa ba niya. Hindi siya sure kung maiintindihan ba ng mga anak niya kung sasabihin niyang walang daddy ang mga ito. Naisip niya tuloy ang mga kaibigan nitong may kumpletong pamilya. Baka, magkaka emotional problem ang kambal.
Nakita niya ang excitement sa mukha ng dalawa. Siguro, iba ang gustong marinig ng dalawa. Ito ang part na naaawa siya sa mga anak niya. Hindi pa ba siya sapat? She gave them everything para magiging masaya lamang ang dalawa but it seems that they still long for a father figure as they can see from their classmates and friends.
"Ahmmm, mga anak wala kayong daddy!" buong tapang niyang sambulat sa dalawa.
Pero malalakas na iyak lamang ang isinukli ng dalawa dahil sa sinabi niya. Gusto niyang murahin ang sarili niya.
" Momma, No! We have a daddy!Right, Momma?" tumutulo ang mga luha ni Avah habang hawak hawak nito ang magkabilang pisngi niya at atat na atat nang malaman ang sagot mula sa kan'ya.
Si Paige naman ay humihikbi ng malakas habang nakakapit sa kan'ya ng mahigpit. Kung pwede lamang niyang sampalin ang kanyang sarili ay kanina pa niya ginawa. She broke their fragile hearts and its really heartbreaking to see them like this.
" Mga anak, joke lang. I'm just kidding. May daddy kayo kaya tahan na please. Huwag na kayong umiyak!"
Nagningning naman ang mga mata ni Avah na nakatingin pa rin sa kan'ya."Yes,yehey! May daddy kami! Paige, may daddy rin tayo katulad ni Jacob!" dagdag pa nito.
"Wow, can we invite him in our birthday party momma?" pangungulit ng mga ito.
"Ahmm, hindi siguro siya makakapunta mga anak! Ahm nasa Germany pa siya. Walang airplaine papunta rito that's why he can't be here. Inaayos pa ang plane, but kapag maayos na 'yon, baka makakavisit na siya rito." pagsisinungaling niya. Hindi niya alam kung bakit nasabi niya ang bansang' yon. Siguro, dahil sinasabi ng mga kaibigan niya na may pagka German ang beauty ng mga anak niya.
Nalungkot naman ang dalawa." Pero sana, Momma makakauwi na si Daddy. How about tayo ang magsend ng airplaine? Tito Josh has a private plane right?" wika naman ni Paige.
"Ahm hindi pwede anak, kasi mahuhuli ang plane ni Tito Josh n'yo." wika niya.
"Hmmm what's his name Momma?" tanong agad ni Avah.
"Terrence Geller." Paktay. Nadulas sa bibig niya ang totoo ng pangalan ng ama ng mga ito. Nasapo niya ang kan'yang noo. Ang tanga niya ba't hindi niya napigilan ang sarili niya. Pero nandun na 'yun, hindi naman siguro magtatanong ang mga anak niya sa ibang tao. Limang taon niyang itinago ang katotohanang iyon pero ngayon ay nasambit na niya.
"Pero mga anak, don' t tell your dad's name to other people ha? Secret lang natin 'yun okay?"
Tumango naman ang mga ito. Sana nga ay hindi katulad niya ang mga bata.
"Terrence Geller. Daddy Terrence, wow ang ganda ng name niya momma!" pumapalakpak na sambit ni Avah.
"How does he looks like?" tanong pa nito.
"Hmmmm!" Ang hirap mag-imbento, naisaisip niya. " He is tall, white and sobrang gwapo."
"I can't wait to see him Momma!" Tila ba may dagdag na problema na naman siya. Pero sana, bukas ay makakalimutan na ng mga ito ang sandaling 'to. Alam naman niya na hindi magtatagal ay mawawala rin sa sistema ng dalawa ang tungkol sa ama ng mga ito. Masasanay rin ang mga bata,kagaya niya na nasanay na rin sa sakit na nararamdaman ng puso niya simula nang iwan siya ng long time boyfriend niyang di Kier five years ago. Kahapon ay aksidenteng dumaan ang mga litrato nito sa wall niya. He uploaded a cover photo with his family, a happy family to be exact.
She is happy for him kasi masaya na ito. She's just right here for him, applausing for him. Pero nakaraan na iyon na nalimot na niya. Sa panahong ito ay ang mga anak ang priority niya sa buhay.
Magsasalita pa sana siya ngunit nakita niyang tahimik na ang dalawa. Nakatulugan na ng mga ito ang pagtatanong tungkol sa ama nh mga ito.
Dahan dahan siyang tumayo sa kama. She kissed them good night in the forehead.
"Mga anak, nandito lang si Momma. I will always make sure that you will never feel empty. Mahal na mahal ko kayo, tayo lang sapat na 'di ba? We have each other Paige and Avah. I' m really sorry kung nagsinungaling si Momma sa inyo. I don't want to see you hurt, it breaks my heart more. Sana balang araw maiintindihan niyo ako. Hinding hindi niyo na makikilala ang daddy ninyo, we never met mga anak. I'm so sorry! All I can give you is my big heart, my love for the both of you. " naluluha niyang sambit sa tulog na mga bata. Tinakpan niya ang katawan ng mga ito upang makaiwas sa lamig.
Akala niya masakit ang makitang lumuluha at umiiyak ang mga ito nang sabihin niyang walang ama ang mga ito. Pero mas masakit pa palang makitang masaya at excited ang dalawa sa nilikha niyang "daddy" sa isipan ng mga ito na kailanman ay hinding hindi magkakatotoo.