Walang nagawa si Jelai nang sumama siya sa condo nito at ng kapatid niyang si Tiger. Nang dumating siya ay nagpahinga na muna siya sa bakanteng kwarto na palagi na naman niyang tinutulugan kapag mag-iinuman silang magkapatid. Wala si Tiger sa bahay, si Jelai pa lamang at ang mga pamangkin niyang mga kambal rin. Lahi talaga sila ng mga kambal at minsan ay quadroplets. Ang iingay ng mga pamangkin niya sa labas kaya naman sa kwarto na muna siya.
Naligo na siya't nagpalit na muna ng pambahay para presko naman ang dating niya. Mamaya ay pupunta pala si Eloisa rito, syempre kagaya ng pangako niya sa kapatid na si Timothy ay hahayaan na niya ito at hindi na kukulitin pa. Eloisa is so innocent at ang bait nito.Her beauty is angel like at ang sarap nitong ibahay. Ang kumag na si Timothy lamang ang hindi ito tinatratong asawa, tila ba galit ito kay Eloisa .Kaya nga hinihingi na lang niya si Eloisa sa kapatid pero ayaw naman nito dahil umamin naman na mahal nito ang asawa. Pakipot lang pala, ang sarap bugbugin pero mas matapang naman ito kaysa sa kan'ya. Sa katunayan nga ay nadaplisan na siya ng bala sa braso dahil sa matinding selos nito sa kan'ya at kay Eloisa. Sana naman ay magbabago na ito dahil kapag si Eloisa rin ang mawawalan ng pasensya ay baka tuluyan na nitong iwan si Timothy.
" Hey, Mister Prinsipe! Hindi ka po bisita rito okay? Tulungan mo'kong ihanda ang mga pagkaing binili nati sa cafe dahil paparating na sina Timothy!" bungad ni Jelai na hindi man lang kumatok muna sa pinto. Ang kapal talaga ng mukha nito, sa lahat ng sister in law niya ay ito lamang ang may mukhang utusan siya't manduhin. Kung magkaka-asawa siya gusto niya ay opposite ni Jelaine dahil baka maaga pa siyang mamamatay sa kunsumisyon. Mabuti na lamang ay matibay si Tiger.
" Pwedeng magpahinga na muna kahit sampung minuto lang? Napaka hospitable mo naman, pati bisita inuutusan mo!" aniya rito.
" Tsssk, alam mo kapag ikaw mag-aasawa maiintindihan mo rin na dapat ay nagtutulungan sa gawaing bahay dapat. Hay naku, kung ikaw siguro magkaka-asawa, tulog at higa lang ang alam mong gawin! " inis na sambit nito.
" Hindi naman tulog at higa parati, syempre healthy s*x life rin ang makakamit niya sa'kin!"
" Naku puro ka kamanyakan Terrence! Sige bigyan kita ng limang minuto para magpahinga, then tulungan mo'ko ha?" wika nito.
Sumenyas naman siya kay Jelai at pinalalayas na muna ito sa kwarto. Muli siyang humiga sa malambot na kama at ipinikit ang mga mata. Bahala na si Jelaine , tumayo siya't inilock ang pinto .Gusto na muna niyang magpahinga saglit , oo nga pala kinuha pala kanina ng Tiffany na 'yon ang lakas niya. Natawa na lamang siya, parang baliw ang dalawa kanina . Pinag-aawayan siya? Bakit? Wala naman silang relasyon! Ni isa sa mga ito ay wala naman siyang natatandaang niligawan niya dahil pawang one night stand lamang naman ang naganap sa kanila.
Hindi na niya napansin na nakatulugan na pala niya ang pag-iisip.
Boses ni Jelai ang gumising sa kan'ya. Tumayo siya't pinagbuksan ito ng pinto, nakapaameyang naman ito sa pintuan at matalim ang mga titig na pinupukol sa kan'ya.
"Halika na po, senyorito! Nakahanda na po ang hapunan!" Nagvow pa ito na tila serbidora niya.
"Cut that b*llsh*t, sige na susunod na ako I'll just change my clothes muna." wika niya.
Naghanap siya ng maisusuot na damit sa closet. Nang makapagbihis na'y lumabas na siya at dumiretso na siya sa hapag kainan.
"Hello bro, hi Eloisa!" bati niya sa dalawa. Umupo siya sa tabi ni Timothy, sa kabilang bansa nito ay si Eloisa.
Nasa harapan naman nila si Jelai at Tiger.
Ngumiti lamang sa kan'ya si Eloisa samantalang si Timothy ay as usual seryoso palagi. Parang lagi itong may kaaway.
" Tigre, how are you bro? Okay ka lang ba ha? Parang nangayayat ka? Mukhang kailangan mo ng bakasyon bro, 'yung malayo sa mga maiingay na alam mo na sorroundings!" wika niya sa kapatid.Tiningnan niya si Jelai na nakaarko ang kilay habang nakatingin sa kan' ya.
" Huh? Parang hindi naman nabawasan ang timbang ko bro. Baka, you mean si Timothy ang pumayat sa atin? " sambit ni Tiger na bumaling kay Timothy.
" Hmmm, pumayat ka rin talaga bro!" sambit niya habang nakatitig kay Timothy.
"Siguro, nag-oovertime 'yan!" wika niya.
Nakita niya ang pamumula ng pisngi ni Timothy. Pati na rin si Eloisa ay ganun rin. Napamura siya, gag* inlove nga ang kapatid niya kay Eloisa. He might not announced it but its obvious that he' s really into her. Tinamaan na nga talaga ang kapatid niya ng malala. Napangiti siya, this time he is happy to see them. Sana, pagpasensyahan pa ni Eloisa ang ugali ni Timothy hanggang sa umamin na ito.
Naging masaya ang kanilang kwentuhan kahit na hindi sila kumpletong magkakapatid.
Nauna na siyang umuwi kina Timothy at Eloisa. Actually, past eight pa lang naman pero naisipan na niyang lumisan. Ang sakit na ng mga mata niya habang tinititigan si Timothy na umeefort ito sa asawa. Although its nothing on him but he is still hurt.
Isa pa kaya siya maaga dahil dadaan pa siya sa grocery store. Wala nang laman ang kan'yang refrigerator sa condo niya kaya naisipan na niyang magpaalam ng maaga para makapag grocery rin siya.
Agad siyang kumuha ng push cart nang makarating siya sa grocery store. Dumiretso siya sa lane ng mga gatas, non fat milk ang iniinom niya
Para naman mabilis makabalik ang lakas niya.
Busy siya sa pagbabas ng mga contents ng gatas nang may narinig siyang mga munting boses sa tabi.
"Ayaw ko ng milk, we're not baby anymore Ava!"
"But I want to Paige. Get one hurry!"
Nang lumingon nga siya ay nakita niya ang dalawang pamilyar na bata na nag-uusap sa kabilaan.
Natigilan rin ang dalawa nang napansin rin siya ng mga ito.
"Is that Mr. Beach man? Ohh, yes its him!" sambit ng batang green ang mga mata.
"Hey ladies! Sino ang kasama ninyo rito?" biro niya sa mga ito.
"Of course our mama. How about you, Mister?" baling ng nakabrown ang isa't isa.
"I'm alone baby girls." Sagot niya sa dalawa. Magkamukhang magkamuka ang dalawa at sobrang cute talaga. Sa sobrang cute ng mga ito ay gusto niya tuloy pisilin at kurutin ang pisngi ng mga ito.
"You are so funny Mister, you're too old to drink milk! Only babies and kids drink milk!" natatawang sambit ng green ang mata. Paige 'ata ang pangalan nito.
"Of course not! How can be do pogi if I don' t drink milk?" biro niya.
Nagkatinginan ang dalawa na tila ba di makapaniwala. "Pogi, right! Mister Pogi!" wika naman ni Avah.
Kakausapin pa sana niya ang dalawa ngunit may tumawag na sa cp niya kaya kumaway siya sa dalawa upang magpaalam na sa mga ito. Last time he saw them in Cebu, now in Manila. Naalala nga niyang sinabi ng mga ito na nasa Manila ang mama nila. Pagkatapos niyang magbayad sa cashier ay dali dali na siyang bumalik ulit sa kotse niya. May kailangan siyang ayusing reports na ipapadala niya sa General Manager ng resort niya sa Cebu.
"Hi!" bati ng isang maganda at seksing babae mula sa likuran niya. Kakalapag lamang niya ng mga pinamili sa hood ng kotse.
Matamis naman itong ngumiti z kan'ya.She looks sophisticated and sobrang ganda ng kutis. Ngumiti lang rin siya rito pero mabilis na siyang pumasok sa kotse niya. Wala siyang panahong mambabae ngayon. Siguro nga ay tumatanda na talaga siya.
--------
"Hey girls! Why are you so happy hmmmm?" tanong ni Xia Jill sa mga anak niyang humahalakhak habang dala dala ang push cart nila. Iniwan lamang niya saglit ang kambal pagbalik niya ay kung anu ano na ang inilagay ng mga ito sa cart.
"We saw our friend we met from the beach! Si Mister pogi and he is buying milk too!" Si paige ang sumagot.
Napailing siya. "Friend? Mister Pogi? Hey twins, becareful with other people okay? Don't trust especially, you don't really knew them." adviced niya sa dalawa.
Tumango lamang ang dalawz sa kan'ya.
Friend?
Mr. Pogi from the beach?
Napapailing na lamang siya sa dalawa. Ke bata bata pa, marunong nang kumilatis ng gwapo.