" Ma'am kayo raw po ang magserve ng coffee sa kan'ya. Pasensya na po ma'am napakakulit eh." pangalawang sambit na ng waitress sa kan'ya. Napakunot ang noo niya, sino itong herodes ang nangungulit na siya ang maghahatid ng inorder nitong coffee? Napakarami pa nga niyang ginagawa't hindi pa niya natatapos ang inventory sa Korean Trends at sa cafeteria. Ngunit dahil request iuon ng customer ay tumayo siya at naisipang dalhin na ang coffee sa sinumang makulit na customer na iyon. Marahil ay kakilala siya nito kaya naisipang egood time siya. Tumayo siya at dumiretso na sa bar upang kunin ang mainit na taza ng kape na hinanda na ng staff niya. " Table five po," bulong sa kan'ya ng waitress habang dala-dala na niya ang tray na may taza ng kape. Habang pumapanhik siya sa sinabing table na iyon