Hindi niya inaasahan ang paglapit sa kan'ya ni Xia Jill at pinigilan nito ang mga kamay niya sa pagbukas ng pinto at bigla na lamang nitong hinawakan ang magkabilang pisngi niya't sinunggaban kaagad siya ng mainit na halik sa kan'yang mga labi. Naghahabol siya ng hininga nang tuluyang magkahiwalay ang kanilang mga labi. Nagulantang siya sa ginawa ni Xia Jill sa kan'ya, he was caught off guard. " Xi, huwag please...." hindi niya alam kung bakit nasambit niya iyon. Nais niyang matawa sa sarili niya kung ba't nabitawan niya ang mga salitang 'yon. Ngunit taliwas sa sinabi niya ay siya na mismo ang humplos sa magandang mukha nito at muling inilapit ang mukha niya sa mukha nito upang sakupin ang nakaawang na labi ni Xia. Sa sandaling 'to dahan dahan at mas maingat na ang mga halik nila sa i