DAY 1 - Unang Panaginip

1423 Words
Sa Death Empire ay maraming nangyayari. Hindi lang paghahatol ang nagaganap dito kundi ang pag-iyak at pagtangis ng mga kaluluwang nakikiusap na bumalik sa kanilang minamahal sa buhay ngunit may mga iba na pinapayagan dahil sa talaan na binigay sa kanila ng Bliss Kingdom. Sa lugar na ito ay hindi lang kaluluwa ang maririnig mo kundi ang mga panaginip na naliligaw sa lugar na ito at mga galit na yumao sa pamamagitan ng panaginip kung bakit sila naroon sa lugar na iyon. Sa bawat sulok ng Death Empire ay may mga tanggapan kung saan nararapat ang mga hindi inaasahan at nakakatakot na bagay sa lugar na iyon. Isa na dito ang lola ni Trixie, si Lola Ana na hinatulan na bisitahin ang kaniyang mga mahal sa buhay sa pamamagitan ng panaginip ngunit habang tumatagal ay may nangyayari na hindi kanais-nais na nakatala sa taalan niya, Isa na dito ang pagkuha ng buhay na hindi naman nito alam. Sa tuwing bumisita kasi ito sa mga panaginip ng kanyang mahal sa buhay ay labis ang pagtataka niya dahil nakikita niya na ito sa lugar ng Death Empire. Napag-isip-isip ni Lola Ana na hindi na maganda ang nangyayari, kaya lahat ay gagawin nito para huwag lang sumunod sa kanya ang mga natitira pang mahal niya sa buhay dahil sa kanya. Naglalakad si Lola Ana ng makita niya ang mga padaan na kawal sa Death Empire. Mga kawal na katawang tao pero ang ulo ay parang sa mga hayop. Agad itong lumapit at lumuhod. "Pakiusap, Ayoko na!" iyak na sabi ni Lola Ana. "Manahimik ka!" sabi ng isang kawal na Toro sabay tadyak sa matanda. "Tama na! Ayokong ubusin ang mahal ko sa buhay. Ayoko na!" muling hagulgol ni Lola Ana habang kumakapit sa mga paa nito. Pinatahimik ng kawal na Asno si Lola Ana at may kinuha itong lumang papel. "Ayon sa iyong talaan Ana Montero ay kulang ka pa ng dalawang panaginip o buhay para makapahinga ka na sa mundo ng Bliss Kingdom. Hanggang hindi natatapos ang talaan mo ay hindi ka makakaalis dito." sabi ng isang kawal na Asno na may hawak ng mga talaan. "Hindi, Hindi." hanggang sa lumapit si Lola Ana sa kawal na Asno at sinaktan ito. "Prodótis, dahil sa ginawa mo ay hahatulan ka ng kaparusahan na magpapadali sa talaan mo. Kunin siya at dalhin sa lugar ng paghahatol. Bwahahahha" tawa ng kawal na Asno. "HINDIIIII" sigaw ni Lola Ana at pilit na kumakawala sa mga kawal na Toro. . . . . . . . . . *********************************** Trixie's POV 'Teka asan ako? Bakit kaya ang dilim dito?' takang tanong ko sa aking sarili. Naglakad-lakad lang ako sa lugar na ito kaso bakit napakadilim pero nakikita ko naman ang aking sarili, hindi ba uso ang ilaw dito. 'Ahh, baka nagtitipid' muling bulong ko sa aking sarili ng bigla akong madapa. "s**t" "Bakit ba kasi ang dilim dilim dito?" pagmamaktol ko ngbigla kong matanaw si Lola Ana. 'teka si Lola Ana ba yun?' pagkukumpirma ko sa sarili. "Lola, Lola Ana!" sigaw ko ng bigla akong makarinig ng mga pagtangis kaya napapikit ako at napatakip sa tenga. 'tulong' 'sumama ka sa amin' 'huhuhu ayoko na dito' 'mamamatay ka hahahahaha' mga salita na naririnig ko sa dilim. Napalinga-linga naman ako para mahanap iyon ng biglang dumami ang tao at muntik pang mawala sa paningin ko si Lola Ana. Tatanungin ko ito kung bakit kami nandito. "Lola" muling sigaw ko ngunit ang mga naririnig ko kanina ay mas lumalakas din. "Umuwi ka na, Umalis ka na!" tigil na sabi sa akin ni Lola Ana. "Pero," "Wala ng Pero, pero, hindi ka nababagay dito. Kaya umalis ka na, Gumising ka na!" diin na sabi nito. "Po? Ano pong sinasabi ninyo? Lola umuwi na tayo. Tara na po." sabi ko pero ng hahawakan ko na siya sa balikat ay lumingon ito. "KAPAG SINABI KONG UMALIS KA NA! UMALIS KA NAAAAAA! TAAKKKBOOOOO!" sabi nito sa nakakatakot na boses. "AAAAAHHHHHHH" tumakbo naman ako sa sinabi nito dahil hindi ito ang Lola ko. Isang nakakatakot na halimaw ito na may apat na sungay. Ang mga tao kanina na nakita ko ay hinahabol na ako ngayon. 'Diyos ko, iligtas mo po ako kung panaginip man itong nangyayari sa akin' pikit kong sabi at binilisan ang takbo. Hanggang sa malaglag ako. "AAAAHHHHHHHHHHH" * * * * * * * * ********************************* “AAAAHHHHHHHHHHH“ balikwas kong sigaw. Napatingin naman ako sa paligid. s**t nasa school pala ako. "Huy, Anyare sa iyo?" takang tanong ni Angela. "Trixie, anong meron at sumisigaw ka? Natutulog ka na naman ba sa klase ko? “ sabi ni Ms. Cruz. Nagtinginan naman kami ni Angela bago ako sumagot kay Ms. Cruz. “Ahhm Hindi po. Meron po kasing ipis mam. Takot kasi ako sa ipis.. AWWW YUCKK. IWIII." tili ko kunyari. Tumingin ito ng matalim sa akin bago nagsalita. "Siguraduhin mo lang dahil kung wala. Suspended ka muna sa class ko." banta ni Ms. Cruz sa akin. 'Tss, kainis' bulong ko habang yumuyuko. Inangat ko din naman agad ang ulo ko kaya,, "Sorry Mam." hingi kong paumanhin. Bumalik na si Mam Cruz sa pagtuturo. Pinilit kong makinig kahit naaalala ko ang mukha ng lola ko. 'Siya kaya iyon o guni-guni lang sa panaginip. Tsk' sinaltak ko. "Ano yan Trixie, bakit nagsisinaltak ka?" tanong ulit ni Ms. Cruz. 'Bakit nakapalakas naman ng pandinig nito. Hayss' muling bulong ko sa isip. "Ahhh, Mam, ang hirap kasing isolve nitong Math oh." sabay kamot ko ng ulo. Kinurot naman ako ng kaibigang kong si Lyka. "Ahh, ang sakit ah." irap ko sa kanya. "Gaga, Filipino tayo ngayon. Hindi Math." bulong ng kaibigan kong si Lyka. 'Paktay' yuko kong sabi. "Alam mo Ms. Montero, pumunta ka muna ng clinic baka nakukulangan ka pa sa pagtulog kasi ang subject ko ay Filipino at hindi Matematika." Inis na sabi ni Ms. Cruz. "Hala Mam, Sabi ko Filipino, Hindi Math. Si Mam naman oh. Hindi mabiro. He-he-he." pagpipilosopo ko. Nakita ko naman si Ms. Cruz na hinihilot ang noo. Paktay na talaga ako nito. "Ms. Montero, kakausapin ko na lang si Ms. Slyvia regarding this matter. Sumasakit ang ulo ko sayo." muling hilot ni Ms. Cruz sa sintido nito. "Hala Mam, Sorry po." sabi ko dito. 'Nakakahiya ka Trixie!!' muling bulong ko sa isip. "Pwede ka naman umalis Ms. Trixie kung ayaw mo sa SUBJECT Ko. " diin nitong sabi. " Mam, Sorry na talaga. Di na po mauulit." muling hingi ko ng paumanhin. "Fine, Fine, umupo ka na." Sabi nito. Muling bumalik si Ms. Cruz ng pagtuturo. Kahit walang pumapasok sa isip ko eh akalain mo iyon ako pa ang high score. Kailangan pala lutang ako sa lahat ng subject para pumasa ako. Haha. Papunta na kami sa canteen dahil lunch na. "Kinabahan ako sa iyo kanina Trix." sabi ni Lyka. "Sorry naman sa akin diba." sabi ko sa mga ito. "Ano ba kasing nangyari sa iyo at sumigaw ka kanina sa subject ni Ms. Cruz?" tanong ni Angela. "And Take Note ha, sa subject pa talaga ni Mam Cruz, eh alam mo naman na weirdo si Mam Cruz. Doon mo pa naisipan na matulog, tsk, tsk" habol ni Lyka. "Sensya naman diba. Nakakaantok kasi subject niya tapos biglang sungit. Masama ba na managinip ako ng masama?" tingin ko sa mga ito. "Ano ba kasi ang napanaginipan mo? “ tanong ni Angela. " Napanaginipan ko kasi si Lola eh." tingin ko sa malayo ng maalala ko na naman ang mukha niya. Hayss. Napailing na lang ako ng wala sa oras. "Diba, 5 years ago na siyang wala?" biglang tanong ni Lyka. "Oo, di ko nga alam kung bakit siya nagpakita pero ang pangit kasi ng panaginip ko eh." alala kong sabi. "Bakit naman pangit?" singit ni Angela. "Parang hindi kasi si Lola iyon. Basta ang gulo, ang pangit." sabi ko sa mga ito. "Yannnn, kaka selpon mo yan. Kaya kung ano-ano na nakikita mo at napapanaginipan mo. Haysss" sabi ni Angela. "Nanood ka na naman siguro no?" singit ni Lyka. Tumango naman ako. "Naku, tigil-tigilan mo na yang kakanood mo ng horror ah kaya yan. Pati sa panaginip mo, sinusundo ka na." sabi naman ni Lyka. "Yan, napapagalitan ka tuloy ni Lyka." bulong sa akin ni Angela. "Sorry na, hindi na ako manonood." malungkot kong sabi pero nangiti akong tumingin kay Lyka. "Char lang, tsaka buhay pa naman ako noh. Kaya Go lang sa panonood." akbay ko kay Lyka. "Hay naku, Tara na nga sa canteen, malate na naman tayo nyan eh." sabi ni Lyka na sinamaan lang ako ng tingin. Napakatampuhin talaga.

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD