Enchated Place (The World of Dreams)

513 Words
Enchanted Place (The World of Dreams) Ang Enchanted World (The World of Dreams) ay mundo ng mga panaginip kung saan sa mundong ito ay may bawat Empire na tinatalaga o pinapangalagaan ng isang hari. Bliss Kingdom (Heaven) - Ang Bliss Kingdom ay lugar kung saan nagtutungo ang mga bawat pinuno para sa pagtitipon at ito din ang tagapag-approve ng mga batas sa bawat Empire. Ang buong mundo ng Enchanted World ay nahahati sa 8 Empires. 1. Euphoria Empire (Joy) - Ang Euphoria Empire ay pinakamalaking lugar kung saan lahat ng napapadpad dito ay nakakaranas ng pagdiriwang, kaginhawaan, kabutihan at pagmamahalan sa bawat isa. Ngunit kapag ikaw ay nakapagpakita ng mga bagay na katulad ng ibang empire ay awtomatiko kang mapupunta sa lugar kung saan ka nararapat. 2. Fire Empire (Hell) - Ang Fire Empire ay pangalawa sa pinakamalaking lugar kung saan naman ay nababalot ito ng poot, galit, kasamaan, inggit at lahat ng mga bagay na masasama ay nangyayari sa lugar na ito kahit ang p*****n. 3.Young Empire (Kid) - Ang Young Empire ay pangatlo sa pinakamalaking lugar kung saan lahat ng nasa panaginip mo noong bata ka ay nauulit sa lugar nito. Ito din ay may pinakamalaking role sa mundo dahil sangay nito ang Fear Empire kung saan mas nabubuhay at nagkakatotoo ang mga panaginip. 4. Fear Empire (Scary) - Ang Fear Empire ay sangay na may lugar na inaalagaan ng Young Empire dahil dito nagaganap ang lahat ng panaginip na kinatatakutan ng mga bata kahit ikaw pa ay matanda na. 5. Forest Empire (Peace and Noise) - Ang Forest Empire ay nahahati sa dalawang Grupo , Ang Light Forest kung saan lahat ng kapayapaan at katahimikan ay nangyayari sa lugar na ito at Ang Dark Forest kung saan ay mararanasan mo ang bawat ingay, hinaing at naliligaw na panaginip kung saan ay humahantong sa lugar ng Death Empire. 6. Sea Empire (The Way of Message) - Ang Sea Empire naman ay tagahatid ng mensahe sa pamamagitan ng mga tubig. Bawat tubig na nakikita sa buong lugar ay nasasakop nito. 7.Wind Empire (The Way of Life and Death) - Ang Wind Empire ay tagahatid ng mga panaginip at patay sa mundo ng Death Empire and Bliss Kingdom. Madalas itong hindi nakikita bagkus ay hinehele ka nito sa hangin patungo sa iyong pupuntahan. Hindi mo ito makakalaban dahil kontrol nito kahit ang paghinga mo sa panaginip. 8. Death Empire - Ang Death Empire ay lugar kung saan hahatulan ang mga nagaganap sa bawat panaginip kung mangyayari ba ito o hindi. Dito din napupunta ang mga patay, patay na panaginip at ang mga pinapatay sa Fire Empire. Hindi ito mapipigilan dahil hawak nito ang Wind Empire. Bawat Empire ay may mga role at magkakakonektado sa lahat ng aspeto pagdating sa mundo ng Enchanted. Bawat Empire din ay may kakayahan na pwedeng ipaalala sa taong nanaginip ang nangyari sa mundong ito o hindi. Ngunit may isang batas ang dapat na sundin dahil kapag sumuway ka, Kaparusahan ay buong matatanggap at mararanasan sa buong Emperyo. 'Ikaw ba saang panaginip ka na ba nakapunta?'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD