Episode 3: His Charm

1707 Words
Millow's POV Hindi na kami magkandaugaga nang dumami pa lalo ang mga tao. Nawala na rin sa isip ko ang sinabi ng Lake na 'yon pero nang tawagin lahat ng mga bisita sa napakalaking bulwagan ng bahay, natutok ang mata ko kay Lake. "Everyone, listen." Nakatingin ang matandang si Lambert Monteverde sa mga trabahante sabay ngiti. "Salamat. Kung 'di dahil sa inyo, this won't be a success and of course," napatingin naman ang matandang lalake sa dalawang taong nakatayo sa gilid nito."My son, Leighton, was supposed to be in seminary before meeting you, Selene, but you changed his mind. We are grateful to have you as a new member of our family and you son." Napatikhim pa ang matanda nang nakangiti nitong titigan ang anak na si Leighton, ito ang panganay. "You make me very happy to think about seeing you with my grandchildren someday. I didn't ask for this, yet I'm excited. No offense to God; perhaps this is His will." Siya iyon! Si Selene, ang kahalikan ni Lake sa kubo. Pero bakit ito hawak sa kamay ni Leighton? Binulungan lang ako ng isa sa mga katulong na ito raw ay kapatid ni Lake. Gwapo rin ito pero iba ang karisma ni Lake. Hindi sila magkamukha dahil may pagkatsinito si Leighton samantalang parang Hispanic naman si Lake. Nakilala ko pa ang ibang mga Monteverde sa pamamagitan ng pagturo ni Aling Zenya kanina. "Today's engagement party for my son Leighton and my future daughter-in-law Selene is a dream come true as a dad." Dugtong ng matanda. Naghiyawan ang mga bisita kasabay ng palakpakan nang gawaran ni Leighton ng halik sa labi si Selene. Naguluhan ako bigla pero muling nanumbalik ang takot ko nang mapatingin ako sa gawi ni Lake. Nakatitig pala ito sa'kin. Mestizo ang lalaki at rugged look dahil sa buhok nitong mahaba na abot hanggang balikat nito. Napakatangos din ng ilong nito na akala mo'y foreigner. Nailang ako nang ngisihan niya 'ko lalo pa't lumabas ang pantay-pantay nitong ngipin. "Millow," mahinang bulong sa'kin ni Aling Zenya. "Tara na't mag-serve sa mga bisita." Something is fishy talaga. Parang unti-unti ko nang nage-gets kung bakit nagagalit sa'kin si Lake. Si Selene—ikakasal sa kapatid nito. Hindi naman ako tanga at manhid ano! May ginagawa si Lake na ikakasakit ng loob ng kapatid nito. "Hay, salamat." Tanging nasambit ni Aling Zenya matapos ang dinner ng mga bisita. Hindi na rin maingay kagaya kanina dahil nagsipuntahan na ang ilang bisita sa resort ng mga Monteverde na nasa kabilang area lamang katabi ng mansyon. "Ibabalot kita ng pagkain, Millow, para may maiuwi ka sa pamilya mo." "O-oho." Tanging nasabi ko nang may pagmamadali kong sininop ang pinagkainan ng mga bisita. Ayon kay Aling Zenya, ang ibang katulong na ang bahalang maghugas ng mga ito. Late na raw kasi kaya kailangan ko nang umuwi. Apat na oras lang ang inilagi ko sa tahanan ng mga Monteverde. Sa napag-usapan namin kanina ng mayordoma, apat na oras lang at tatlong beses sa isang linggo lang ako magre-report para mas maka-focus nga ako sa pag-aaral. Di hamak na mas malaki ang 8 thousand na sasahurin ko kumpara sa mga nagtatrabaho sa bayan ng full time. Hindi na masama. "Mauna ka na, Millow. May mga poste ng ilaw naman sa daan at siguradong ligtas kang makakauwi." Nakangiting saad ni Aling Zenya nang ihatid ako sa malaking gate. "Oh," sabay abot nito ng isang malaking plastic sa'kin na naglalaman ng mga pagkain. "May pasok ka pa bukas kaya kailangan mong magising nang maaga." Lagpas alas-onse na ng gabi nang tingnan ko ang malaking wall clock sa bahay ng mga Monteverde kanina. Totoo naman ang sinasabi ni Aling Zenya dahil wala pang nababalitang krimen dito sa lugar namin. Tsaka isa pa, sanay na sanay ako sa labas kasama ang kaibigan ko. Mahilig kaming tumambay sa tabing dagat, pampalipas oras kapag nabo-bored sa bahay namin na 'di naman kalayuan sa dalampasigan. Pasipol-sipol pa'ko habang binabaybay ang sementadong daan papunta sa'min pero impit akong napatili nang may humila sa'kin bigla sa kalagitnaan ng paglalakad ko. Nabitawan ko pa ang plastic na agad tumilapon sa gilid ng daan. "Sssh." Agad na anas ng lalake sabay bitaw sa'kin. "It's me, Millow." Pero sa plastic natuon ang pansin ko nang lumitaw sa harapan ko ang lalake. Nanlaki ang mga mata ko nang maapakan nito ang plastic at pumulandit ang sarsa ng ulam sa paa nito. "f**k! What is this?" Agad lumipad ang tingin ko sa mukha niya—si Lake. Ano'ng ginagawa ng lalaking ito rito? Naihilamos ko ang mga kamay ko sa mukha ko nang makaramdam ako ng panghihinayang sa ulam. "You know why I'm here," agad na bwelta ng lalake na ikinaurong ko. "I saw how you reacted nang malaman mong fiancee ng kapatid ko ang kalaguyo ko." Lalo lang pumulandit ang sabaw mula sa plastic nang ang isang paa naman nito ang umapak sa plastic. "God, what is this, Millow?" pigil ang galit nito nang titigan ang plastic. "Pagkain p-po 'yan, sir." Pigil din ang inis ko nang talikuran ko na lang siya bigla. Agad na humabol ang lalake. " Hey!" Napahinto na naman ako nang maramdaman ang kamay niya sa isang braso ko. "You have no manners, lady." Singhal ni Lake na ikinataas ng mukha ko para salubungin ang galit niyang tingin. "Kung kinakausap pa kita, 'wag mo'kong tatalikuran!" Hindi ako umimik. Ba't ba ito sumunod? Kailangan ko nang umuwi dahil ala-singko pa lang ng madaling araw, umaalis na'ko para makisabay sa ilang estudyanteng nag-aaral din sa bayan. May kalayuan kasi ang school namin. Halos 20 minuto lang naman ang tatakbuhin ng tricycle pero kung maglalakad kami, aabutin kami ng lagpas isang oras. Napabuntonghininga ako bigla, "Kailangan ko na pong makauwi, sir." "Kailangan nating mag-usap!" Maawtoridad na bigkas nito kasabay ng paghila nito sa'kin sa madilim na bahagi ng daan. "Millow," panimula nito. "Alam kong alam mo na may relasyon kami ni Selene, ang mapapangasawa ni Kuya Leighton." Iyon nga ang hula ko kanina. "Look, nire-remind lang kita na 'wag mong sasabihin sa kahit sino ang nalalaman mo." Eh, 'yon naman talaga ang mangyayari kung ayaw naming mapalayas ng lalaking ito sa lupa niya—hiyaw ng utak ko. "How can I trust you, Millow?" seryoso niyang tanong nang isandig ako nito sa isang puno bago nito hinawi ang mahaba kong buhok na tumabon sa mukha ko. "How sure are you na hindi kakalat sa probinsyang ito ang sekreto ko?" Bakit na lang naging mabilis ang pintig ng puso ko? Nakatitig na kasi si Lake sa'kin at do'n na lang natutok ang mata ko sa poging mukha niya. Ano bang nangyayari sa'kin? Mas malantik pa nga ang eyelashes nito kumpara sa'kin at Diyos ko, ang labi niya. Parang hindi ako makatagal dahil nanunuyo ang lalamunan ko. "Millow?" untag nito na walang kangiti-ngiti. "Promise, Sir Lake, w-walang kakalat na kwento rito b-basta mag-ingat ka lang." Bakit ba kasi nito pinatulan ang nobya ng kapatid nito? "K-kaya lang," hindi ko napigil ang sarili ko. "Naaawa ako kay Sir Leighton kasi pareho niyo siyang n-niloloko." Natawa ang lalake na ikinataas ng mukha ko. Napailing ito sabay hawak sa baba ko. "Nothing is special with Selene, Millow, siya itong may gusto hindi ako. Leighton knows what he wants—not that woman. Sasamahan kita hanggang sa inyo para naman malaman ko kung sa'n ka nakatira para in case na hindi ka tumupad sa pangako mo, alam ko kung sa'n ka matatagpuan." Nakaakbay pa talaga ang lalake sa'kin habang naglalakad kami. Naging napakabigat ng paghakbang ko dahil naaasiwa ako sa sobrang pagkakalapit namin. Ano ba itong nararamdaman ko? Hindi ko ma-explain! "Sir, umuwi k-ka na." Utos ko sa kanya nang tumigil ako sa isang half-cement half-plywood na bahay matapos naming pasukin ang masukal na daan na hindi na rin sementado. "Your house?" Tanong nito sabay cross ng kamay sa dibdib nito. "Opo," kinakabahan kong sagot. "Don't worry, sir, makakaasa ka sa napag-usapan natin." Mahina kong saad sa kanya dahil baka natutulog na sila Tatay. "I'm waiting," iritadong sagot nito nang inguso ang pinto namin. Papasok pa ba ito sa bahay namin? Ano bang sadya nito sa pamilya ko? Kinakabahan talaga ako nang simulang katukin ang pinto kasabay ng pagtawag ko kay nanay. "Anak, ikaw ba 'yan?" mabilis namang sigaw ni Nanay nang maulinagan ang pagkatok ko. "Opo, Nay." Ba't ba ayaw pa umalis ng Lake na ito? Gabing-gabi na ah. "Anak, buti nakauwi ka na," masayang bungad ng nanay ko nang mapagbuksan ako. "Oh, ano, may pagkain ka bang dala? Sabi ni Zenya mag-uuwi ka raw ng pagkain, 'nak. Di pa kami kumakain ng tatay mo." Sinundan ito ng paghilab ng tiyan ng nanay ko kaya hiyang-hiya ako. Hindi ko halos malingon ang lalake sa likuran ko dahil sa sinabi ng nanay. Bumalik tuloy ang inis ko sa lalake dahil malaking bagay na sana ang pagkain na 'yon sa pamilya ko. "Hoy, Millow!" untag ng aking ina. "Para kang natuod diyan. Si Tatay mo ando'n na sa kusina sinabihan kong ayusin na sa mesa ang mga pinggan para mapagsaluhan natin 'yang dala mo na pagkain galing sa mansyon ng Monteverde." Pinanlakihan ko ng mata si Nanay, "Nahulog ko, Nay, marumi na 'yon." "Ay, ano ka ba? Balikan natin, baka pwede pa 'yon." Sagot ng babae. Napatikhim ako nang malakas sabay pigil kay Nanay nang akmang lalabas ito ng pinto, "Si Sir Lake ho ang nakaapak kaya marumi na 'yon, Nay. Kasama ko siya." Malabo kasi ang mata ni Nanay dahil sa katarata nito kaya kahit ano'ng laki ni Lake, hindi ito napansin ng matanda dahil madilim sa labas na 'di na naaabot ng ilaw mula sa poste. Dito na'ko lumingon sa likuran ko at sinalubong ako ng matalim na titig ni Lake. Ang sarap lang tusukin ng mata nito. Nakakahiya na mismong sa harap nito narinig ang pagiging kapuspalad namin. Sarap na sana ng pagkain namin eh, naunsyami pa dahil sa kanya. "Tsk. Ganito ba kahirap ang buhay niyo, Millow, na kahit ang marumi na'y kaya pang kainin ng pamilya mo?" Nangalit ang bagang ng lalake nang pumasok ito bigla sa bahay namin kasabay ng pandidilat ng mga mata ng nanay ko nang makilala nito ang kaharap. "Lahat kayong nandito sa lupa ng ama ko ay puro mga isang kahig, isang tuka!"

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD