Episode 1: Stalker
Millow's POV
Nanlalaki ang mata ko nang sundan ko si Lake Monteverde, ang lalaking magiging dahilan ng pagiging homeless namin. Panay ang tago ko sa katawan ng niyog o kahit anong malagong halaman para hindi ako mahuli sa pagsunod ko sa kanila. Nasa loob na ng isang kubo ang lalake kasama ang isang babae na kasama rin nitong bumaba ng isang malaking bangka kanina. Dinaig ko pa ang bihasang stalker nang mapag-alaman kong pinapaalis na kami ng lalaking ito sa isla kung saan ako ipinanganak. Ang lupang akala ko'y amin pero pag-aari pala ito ng isang Monteverde. Simula noon, nang ituro ito ng kakilala ko na ito ang may-ari ng lupang kinatitirikan ng bahay namin, hindi ko na ito tinigilan ng kakasunod.
"L-Lake, ba't hindi ka makapaghintay, ha? Baka may makakita sa'tin dito? A-ano ba!"
"Ssh, shut up, Selene." Salag ng lalake. "Mahuhuli tayo kung mag-iingay ka pa. Mabilis lang 'to, don't worry."
Napalunok ako nang makita ko kung ano'ng ginagawa ng dalawa sa loob ng kubo. Unang naghubad si Lake na ikinalaki ng mata ko bago nito mabilisang tinanggalan ng damit ang kasama. Bigla na lang napasubsob sa bandang dibdib ng babae ang ulo ni Lake na ikinasinghap ko.
"Lake!" saway ng babae pero ngiting-ngiti naman ito.
Isang mabilis na halik ang ginawa nito sa labi ng babae bago ito muling yumuko. "Yeah, S-Selene? Lower your voice."
"It's been a long time, L-Lake."
Natutop ko ang bibig ko at saglit na umalis sa butas. Pinaypayan ko ang sarili ko gamit ang kamay ko. Nang makabawi, dahan-dahan ko na namang tinapat ang mata ko sa maliit na butas ng dingding ng kubo na gawa sa pawid.
"Holy cow, Lake, what are you doing t-to m-me?" Napasinghap pa ito saglit bago muling tiningnan ang ginagawa ng lalake.
Ang sagwa at nakakasuka habang tinitingnan ko sila. Ito ba ang may-ari ng isla na pilit kaming pinapaalis? Nakaramdam ako ng inis nang muli na naman akong tumingkayad para lalo pang silipin ang dalawa sa loob. Pinasok ko pa ang daliri ko sa butas na gawa sa pawid para lalong lakihan ang siwang nito.
"Hoy, Milllow!" sigaw ng may-edad na babae sa'kin. "Punyeta kang bata ka! Kanina ka pa hinahanap ng tatay mo para maihatid 'yang balde. Mauubusan kayo ng isda sa aplaya. Kanina pa'ko paikot-ikot kung nasa'n ka. Nandito ka lang pala!"
Napatalon ako sa gulat. Si Aling Zenya, isa itong katulong sa malaking resort na pag-aari rin ng mga Monteverde dito sa'min pero part time lang ang ginagawa nito kaya suma-sideline rin ito sa pag-aangkat ng mga isda para maibenta sa palengke. Kapitbahay lang din namin ito at malayong kamag-anak namin ayon kay tatay. Nakapamaywang pa ito sa'kin kasabay ng pandidilat ng mga mata nito. Nataranta ako bigla dahil sa pagsigaw nito. Nilagay ko agad ang daliri ko sa bibig ko para patigilin ito pero huli na. Biglang bumukas ang kawayang pinto ng kubo at iniluwa nito ang hubad-barong si Lake Monteverde pero may suot na itong short.
"Aling Zenya?" takang bungad ni Lake nang mapagsino ang matanda. "Ano'ng ginagawa mo rito?" Biglang nabaling ang tingin nito sa'kin kasabay ng pagsalubong ng makakapal nitong kilay. "Who is she?"
"Ay, sir." Wari'y nagulat pa si Aling Zenya nang makita ang amo. "Pasensiya na po. Ito kasing anak ni Eman, may sinisilip diyan sa butas na iyan."
"What the f**k!" mahinang bulalas ng lalake. Inisang hakbang lang nito ang kinatatayuan ko bago nito tiningnan ang butas. "Ikaw ba ang may gawa nito, kid?" Sinubukan pa nitong silipin ang loob sa pamamagitan ng butas. "Shi—" Nanlilisik na ang mga mata nito sa'kin nang muli akong harapin pero pinigil nito ang muling pagmura.
Halos himatayin na'ko sa nerbyos dahil huling-huli ang pamboboso ko sa kalaswaan nila. Pinanlamigan ako ng katawan nang makita ko ang pagkuyom ng mga kamao nito. Pa'no kung suntukin niya 'ko? Napalunok ako at agad umiwas ng tingin ko. Kunwari'y inosente ako at nag-akmang nagmamaang-maangan.
"What's your name?" Dumagundong ang boses ng lalake kasabay ng paghawak nito sa braso ko. "Kanina ka pa ba rito, ha?"
Naumid ang dila ko sa tanong na iyon ng lalake sa'kin. Nasa'n na ang kasama nitong babae sa loob? Bakit hindi ito lumabas? Parang hihimatayin ako sa bangis ng mukha nito kaya isa lang ang alam kong solusyon—bigla akong kumaripas ng takbo. Walang lingon-lingon ang ginawa ko hanggang makarating ako sa aplaya. Parang hihimatayin ako sa sobrang pagkahingal ko. Marami nang nagkakagulong mga tindera na mag-aangkat ng isda ang nakikipagbaratan sa mga mangingisda. Napakaingay!
"Millow, halika rito." Isang dalaga na naka-pony tail na may pink ribbon sa ulo ang biglang sumigaw sa'kin, ang aking matalik na kaibigan na kaedaran ko lang din. "Si Tatay mo, hayun, oh! Nakikipag-agawan pa ro'n sa mga isda. Bilis, makiagaw na tayo. Nagkakaubusan na. Sa'n ka ba nagsusuot, ha, Millow? Hindi kita makita kanina pa."
"May sasabihin ako sa'yo mamaya," pasigaw kong sagot kay Mae. Hinila ako ng babae sa umpukan ng mga tao. "Hoy, sandali." Biglang nakipagsiksikan ang babae kaya napasunod na lang ako sa kanya at halos masubsob na'ko sa buhanginan nang makabitaw sa kanya. "Tatay!" Si Tatay, nakikipagtulakan na rin ito sa ibang tao para makaunang makakuha ng paninda namin.
"Millow, halika nga rito't tulungan mo'ko. Ilagay mo na sa balde mo ang mga isdang 'yan." Nginuso ni Tatay ang mga isdang nakalagay sa maliit na palanggana. "Ba't ngayon ka lang? Kanina pa sa bayan ang nanay mo, ah. Kung sa'n-sa'n ka na naman nagsusuot, naku naman."
Nainis ako bigla kay tatay dahil sa pagsermon nito sa'kin sa harap ng maraming tao. "Tatay naman, ang bibig mo."
"Puro ka reklamo, Millow. Bilisan mo!" singhal nito.
Napalabi ako kay tatay. Ang talas naman ng pandinig nito. Ilang bangka lang ang dumaong ngayon kaya nag-aagawan na ang mamimili. Mura kasi kapag sasalubungin namin ang bangka ng mga mangingisda. Nakukuha pa naming baratin ang mga ito at ititinda naman namin sa palengke ito ng doble ang presyo.
"Hey!" Inis na singhal ng isang lalake sa nagkakagulong mga tao. "May hinahanap ako rito! Paraanin niyo ko!"
Nagtaka ako nang biglang tumahimik ang lahat. Ano'ng meron? Presidente ba ng Pilipinas ang dumating at wari'y natigilan ang lahat? Napalingon ang lahat sa pinagmulan ng boses na iyon pero ako, busy sa paglagay ng mga isda sa balde ko. Kikiluhin pa ito mamaya. Siguradong mura ang ibibigay ng mga ito sa'min dahil kami-kami lang naman ang magkakakilala rito.
"Nasa'n si Millow?" Isang boses na buong-buo ang nagtanong nito. "Iharap niyo sa'kin ang batang iyon."
Millow? Tumaas ang kilay ko nang marinig ang pangalan ko. Ang boses nito, napakaganda at lalaking-lalaki sa pandinig ko. Napangiti ako bigla.
Tinaas ko bigla ang isang kamay ko nang mapatayo ako. "Ako 'yon!" Pero ang ngiti ko, biglang naglaho nang humawi ang mga tao at tumambad ang madilim na mukha ni Lake Monteverde.
"Hoy, Millow, ba't ka kumaripas ng takbo kanina? Nakakahiya kay Sir Lake." Si Aling Zenya ang nagtanong nito sa'kin kasabay ng pandidilat ng mga mata nito. Nahawakan na rin ako nito para ilayo sa mga tao. "Umayos ka, ha!" pabulong na saad nito. "Baka lalong magalit 'yan at paalisin na agad tayong lahat sa lupa nila."
Pabuka pa lang ang bibig ko para sagutin si Aling Zenya pero agad nang humawak ang malakas na kamay ni Lake sa braso ko. Napaawang ang labi ko nang kaladkarin ako nito palayo kay Aling Zenya. Sinenyasan nito ang babae na 'wag nang sumunod. Ang mga tao, punong-puno ng pagtataka ang mga mukha nang sundan kami ng tanaw. Nawala bigla ang komusyon at tahimik na bumalik ang mga ito sa ginagawa.
"Ano'ng nakita mo kanina, ha?" gigil na tanong nito sa'kin. "Bakit ka naninilip, Millow? Huwag mo'kong tingnan nang ganyan kung ayaw mong mapadali ang pagpapalayas ko rito sa inyo. Speak up!"
Napalunok ako nang matutok ang mata ko sa gumagalaw na adams apple ng lalake. Nalipat bigla ang tingin ko sa paa kong walang tsinelas nang panlisikan ako nito ng mata. Napakurap-kurap ako para pigilin ang luha ko. Palalayasin kami? Sa'n kami titira? Buong buhay ko, ito lang ang lugar na itinuring kong amin pero pag-aari pala ito ng kaharap ko.
"Are you dumb or what?" inis nitong tanong. "Ba't ayaw mong magsalita? Ano'ng nakita mo sa kubong iyon?"
Hindi ko tuloy alam kung ano ang idadahilan ko. "Ah, ano... k-kasi po."
"f**k! I'm running out of patience, kid. Ano ang nakita mo?" hiyaw ng lalake. "Sabihin mo sa'kin kung ano ang nakita mo sa loob ng kubo!" Binitawan nito ang pagkakahawak sa'kin pero gigil na gigil ito nang titigan ako.
"Ah, ano p-po... kayong d-dalawa ng babae—wala akong n-nakita. P-promise." Nanginig ang labi ko nang ilapit nito ang mukha sa mukha ko. "Kasi, n-napadaan lang n-naman po a-ako. H-hindi ko s-sinasadya," nautal kong explain.
"Really?" Nagsalubong ang makakapal na kilay nito bago napangiti. "What do you think of me? Hindi ako tanga na maniniwala na lang basta-basta sa'yo. Alam kong may nakita ka, Millow, kaya sabihin mo na hangga't hindi pa ako sinasaniban ng demonyo. Nananakal ako ng tao!"
Nahintakutan ako bigla. Isa itong demonyo? Kung isa itong demonyo, bakit ang guwapo nito sa paningin ko at malakas ang appeal niya lalo na kung tititigan ako nito sa mata? Iniiwas ko lagi ang tingin ko tuwing titingnan niya ako dahil may kung ano'ng mahika ang humihigop sa'kin kaya nawawala ako sa sarili. Naramdaman ko na naman ang malakas nitong kamay sa braso ko nang pwersahan niya 'kong pinaharap.
"Millow... M-Millow. I'm running out of patience, kiddo."
"A-ano, n-nakita k-kitang—" Lumuwag ang pagkakahawak ng lalake sa'kin kaya nakahinga ako nang maayos. Nakangiti na ito sa'kin kaya tumalon ang puso ko nang lumabas ang napakaganda nitong ngipin. "May g-ginagawa kayo, eh—t-tsaka, basta!" Nauutal ako pero natagpuan ko na lamang ang sarili kong nakatitig na sa napakaguwapo nitong mukha. "Basta, parang nag-e-enjoy po 'yong kasama m-mo."
"W-what the hell, Millow!"
Sumikdo nang malakas ang puso ko sa pagsigaw niya. Sinipa ni Lake ang buhangin nang sunod-sunod. Panay din ang tungayaw nito at mura na lalo kong ikinatakot. Bakit big deal sa lalake ang lahat? Natagpuan ko na naman ang sarili kong tumatakbo palayo sa kanya habang sumisigaw naman ang lalake sa pangalan ko.
"Millow, we're not done yet," hiyaw ng lalake. "Come back!"